Chapter 9

7.4K 125 10
                                    


Si Stephen Garcia po pala :D ---->


Stephen's POV

Naglalakad akong mag-isa papuntang room namin ng makita ko si Mika.

"Mika" tawag ko sakanya pero mahina lang. 

Nagkatinginan kami ng mga ilang segundo pero umiwas rin siya ng tingin at naglakad na palayo. Naglakad na rin ako pero dirediretso lang akong maglakad, hindi na ako umattend ng last class namin. Lumabas na ako ng campus, umuulan pala. Ang lakas ng ulan, pero hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at naglakad lang ako kahit maulanan pa ako.

Siguro iisipin ng iba na baliw na ako dahil nagpapaulan ako, samantala ung iba nasa waiting shed o kaya may payong. Bakit ba kasi ganun? Nung nagkatinginan kami, bumalik ulit yung sakit na nararamdaman ko. Akala ko malapit ko na siyang kalimutan pero mali ako, mahal na mahal ko parin siya. Nakatayo lang ako magdamag habang basang basa dahil sa ulan. Hindi ko alam kung pinagtitinginan na ako ng mga tao pero wala akong pakealam. Para yata akong siraulo dito na nakatayo kaya naisipan ko nalang maglakad palayo pero may tumawag sakin.

"Stephen!" sabi niya, tinignan ko siya.

"Bakit Yanni? Uwian na ba?" tanong ko sakanya.

"Ano bang pumasok sa isip mo at nagpapaulan ka ha? Kanina pa kita tinatawagan e, hindi ka naman sumasagot" tas pinayungan niya ako.

"Naiwan ko ung phone ko sa kotse" sabi ko naman.

"Tara na nga" sabi niya tas hinila niya ako papuntang kotse ko.

"Ayan tuloy, basang basa ka na. Bakit kasi ka nagpapaulan? Baliw ka na ba? Paano pag nagkasakit ka? Tss" sermon niya sakin habang nagdridrive siya. Hindi ko siya sinasagot kaya tumingin siya sakin.

"Hala! Namumutla ka" tas linagay niya yung kamay niya sa leeg at noo ko.

"Ang init mo. Bakit ka kasi nagpaulan e?" sabi niya tas bumaba na siya ng kotse. Nandito na pala kami sa bahay. Bumaba na ako ng kotse tas nakita ko siyang nagmadali na ipatong yung jacket niya sa akin pero binalik ko naman kaagad.

"Ano ba? Sayo muna ito" sabi niya sabay patong ulit sakin ng jacket niya.

"Baka ikaw pa yung magkasakit, sayo na" tapos binalik ko na sakanya yung jacket niya.

"Stephen, mag-aaway pa ba tayo dahil sa iisang jacket? Mas kailangan mo nga ito. Hindi ako magkakasakit, okay? Kaya sayo na yan. Wag mo ng ibabalik" sabi niya kaya hindi ko na binalik sakanya.

Pagkapasok namin sa loob, dumiretso agad kami sa kwarto ko.

"Stephen, kaya mo bang magbihis?" tanong niya, nagnod lang ako. Medyo nahihilo na ako pero kaya ko naman magpalit.

"Sige, magpapainit lang ako ha" sabi niya tas lumabas na ng kwarto ko. Pagkatapos kong magbihis, humiga nalang ako. Mga ilang minuto pa bago bumalik si Yanni.

"Stephen, nahihilo ka ba?" tanong niya, tapos linagay niya yung kamay niya sa noo ko.

"Mainit ka parin" sabi niya, tas pinunas niya yung bimpo sa mukha at braso ko.

"Ano ba naman ito?" siya, tas pinunasan niya rin yung likod ko.

"Sa susunod kasi wag ka ng magpapaulan ha" sabi niya, tas linagay niya naman yung bimpo sa noo ko. 

"Matulog ka na muna" sabi niya.

"Thank you" ngumiti siya tapos pumikit naman ako.

Yanni's POV

Nakatingin lang ako sakanya habang natutulog siya ng bigla siyang magsalita pero mahina lang kaya hindi ko yun narinig.

"Anong sabi mo?" tanong ko sakanya pero natutulog parin pala siya kaya hindi niya ako nasagot pero nagsalita ulit siya.

"Mika" sabi niya, tinignan ko naman siya pero nakapikit parin siya.

Napangiti naman ako habang pinipigilang umiyak. Mika nanaman :(

"Mika, mahal na mahal parin kita. Bumalik ka na, please?" sabi niya naman. Hindi ko na kaya, nagiwan nalang ako ng note ko para umuwi na ng bahay pero bago ako umalis, nagluto muna ako ng sopas. Buti nalang marunong ako magluto.

Nung nasa bahay na ako, dumiretso ako sa kwarto ko at umiyak. Nakakainis naman, ang iyakin ko masyado. Biglang nagring yung phone ko, si Carl pala.

"H-hello" 

(Yanni, okay ka lang? Bakit parang umiiyak ka?)

"Ha? Wala ito." 

(Sige, pupunta ako diyan ha)

"Okay, ingat ka" tas inend ko na yung call.

Nakaupo lang ako sa kama ko habang umiiyak.

"Pesteng mga luhang ito. Punas ako ng punas pero tulo parin ng tulo" sabi ko sabay punas ng luha ko.

Yinakap ko na yung tuhod ko habang umiiyak. Kelan niya ba ako mamahalin? Mahirap ba akong mahalin? Ano ba yan? Naiinis na talaga ako sa mga luha ko. Tuloy tuloy parin sa pagtulo.

Biglang may kumatok sa pinto ko.

"Yanni?" sabi nung nasa labas, siguro si Carl na yun.

"P-pasok ka" sabi ko, tas pinunasan ko yung luha ko.

"Kahit anong punas mo ng luha mo, halata parin na umiyak ka. Mugto na yang mata mo oh! Si Stephen nanaman noh?" sabi niya.

Mas lalo naman ako umiyak sa sinabi niya. Narinig ko kasi yung pangalan niya e.

"Shh. Tahan na" tas yinakap niya ako.

Yinakap ko rin siya at umiyak lang ako sa kanya. 

I'm Just His BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon