Yanni's POV
Dec. 24 na ngayon, ilang hours nalang Christmas na.
"Carl, bakit hindi ka muna umuwi sainyo? Baka hinahanap ka ng mga parents mo" sabi ko sakanya.
"Hindi yun, busy naman sila palagi e at wala sila Mama ngayon. Mas kailangan mo ako ngayon" sabi niya tapos ngumiti siya sakin.
"Ganun? Sige, salamat." sabi ko sakanya, wala rin sila mama ngayon, masyadong busy e.
"Ate, kelan po ba uuwi sila mama?" tanong ni Patricia sakin, hinaplos ko naman yung buhok niya.
"Hindi ko alam e, pero malapit na" sabi ko sakanya, ngumiti naman siya.
"Talaga ate?" tanong naman ni Patrick.
"Oo nga, ang kulit niyo" tapos pinisil ko yung pisngi niya.
"Aray naman ate" sabi niya, natawa naman kami nila Carl.
"Wait lang ha, may nagdoor bell kasi pupuntahan ko lng" sabi ni Carl.
"Ako nalang Carl" pero nagpatuloy parin siya sa paglalakad.
"Ako na" sabi niya, kaya umupo nalang ako.
Stephen's POV
Nasa tapat ako ng bahay nila Yanni, hindi ko alam kung magdodoor bell ba ako or hindi e, pero in the end, napagdesisyunan kong magdoor bell nalang.
Nagulat ako nung si Carl yung nagbukas.
"Carl? Bakit ka nandito?" tanong ko sakanya pero hindi niya naman ako sinagot.
"Wait lang, tatawagin ko lang si Yanni" sabi niya tas umalis na siya.
Hinihintay kong lumabas si Yanni, medyo natagalan siya bago lumabas pero okay lang. Nung nakita ko na siya ngumiti ako sakanya.
"Merry Christmas Yanni" sabi ko sakanya, ngumiti rin naman siya.
"Bakit ka naman pumunta dito?" tanong niya sakin.
"Gusto ko lang sana ibigay ito" tapos pinakita ko sakanya yung paper bag.
"Para saan yan?" tanong niya.
"Regalo ko para sayo" sagot ko.
"Regalo? Wag na" sabi niya tapos naglakad na siya paalis.
"Yanni naman, pati pa ba regalo ko para sayo ayaw mong tanggapin? Bakit mo ba ako iniiwasan? Porket bang sinabi kong mahal kita iiwasan mo na ako?" tanong ko sakanya kaya kinuha niya na yung paper bag.
"Oh? Okay na? Pwede ka nang sigurong umalis?" sabi niya.
"Hanggang ngayon ba naman pinagtatabuyan mo parin ako. Kahit ilang beses pa
akong masaktan ng dahil sayo, hindi parin ako titigil na mahalin ka" sabi ko tas pumasok
na ako sa kotse ko.
Yanni's POV
Pumasok na agad ako sa loob nung umalis si Stephen.
"Anong nangyare sainyo ni Stephen?" tanong ni Carl sakin.
"Ha? Wala naman, binigay niya lang sakin yung regalo niya" sabi ko tas ngumiti ako sakanya.
Pumunta ako sa kwarto ko para ilagay dun yung gift ni Stephen tas kinuha ko yung gift ko para sakanila and bumaba na rin ako kaagad.
"Merry Christmas" salubong nila Carl, pati sila Ate Nina.
"12 na ba? Ang bilis naman" sabi ko.
"Ganun talaga, talikod ka Yanni" sabi ni Carl at dahil masunurin ako, tumalikod na ako kahit naguguluhan ako.