Dedicate ko kay Bestfieeeee :'> Read niyo rin po mga stories niya ha. Maganda po yun. Salamat :D
------
Stephen's POV
Uwian na namin ngayon at hinahanap ko si Yanni ngayon, lumabas kasi agad siya e. Simula nung sinabi kong mahal ko siya, minsan nalang kami magsama, iba na kasi mga kasama niya at halata kong umiiwas siya, pero kahit ganun close parin kami. Nung nahanap ko na siya, pinuntahan ko agad siya.
"Yanni" tawag ko sakanya kaya napatingin siya sakin.
"Bakit?" tanong niya.
"Saan ka pupunta?" tanong ko.
"Uuwi na" sagot niya.
"Hatid na kita" sabi ko.
"Wag na, may dala akong kotse" tas naglakad na siya paalis pero tinawag ko ulit siya kaya napatingin siya sakin.
"Wait lang Yanni" sabi ko.
"Bakit?" tanong niya.
"Kasi ano" hindi ko matuloy yung sasabihin ko sakanya.
"Kasi ano?" tanong niya, yumuko naman ako.
"Ano kasi.. gusto ko lang sabihin sayo na totoo yung nararamdaman ko para sayo. Mahal talaga kita" tas tinignan ko yung reaction niya, nakasmile lang siya.
"Stephen, siguro sinasabi mo lang na mahal mo ako dahil naaawa ka sakin dahil nasasaktan mo ako pero wag kang mag-alala, okay na yun" sabi niya habang nakangiti.
"Pero Yanni, totoo talaga yung sinasabi ko sayo. Bakit ba ayaw mo maniwala sakin na mahal kita?" sabi ko sakanya.
"Alam ko naman na hindi yan totoo e, atsaka tanggap ko ng hanggang magbestfriend nalang tayo, sana ikaw rin." sabi niya sakin.
"Bakit ngayon pa? Is it really too late for me to say I love you?" tanong ko sakanya, pero sana pala hindi ko nalang tinanung sakanya, masyadong masakit yung sagot niya.
"Oo, huli ka na kasi may iba na akong mahal at yun ay si Carl" sagot niya, pinigilan ko yung sarili kong umiyak.
"A-akala ko ba hindi mo siya mahal, pero bakit sinasabi mo ngayon na mahal mo siya? Diba binasted mo na siya nung umamin siya sayo?" sabi ko sakanya habang nakayuko, tumulo na kasi yung luha ko e. Ayaw kong makita niya akong umiiyak.
"Oo, pero dati lang yun. Pwede rin namang magbago yung nararamdan ko. Mahal ko na si Carl. Malinaw na siguro sayo na si Carl na yung mahal ko kaya pwede mo na ba akong tigilan, dba?" sabi niya, tumingin naman ako sakanya.
"Takte! Bakit ang sakit? Ganito ba kasakit yung naramdaman mo ng dahil sakin o mas masakit itong nararamdaman ko. Sabi mo maghihintay ka, hihintayin mo ako na mahalin ka rin pero bakit nung kelan kong natutunan kang mahalin dun ka na nagmahal ng iba? Wala na ba talaga ako kahit konti dyan sa puso mo?" sabi ko sanya. Takte naman! Bakit ba ako naiiyak?
"Sorry Stephen. Akala ko kaya ko pang maghintay sayo pero hindi na pala." sabi niya sakin.
"Ha-ha-ha. Dati ako yung nagsosorry dahil nasasaktan kita ngayon ikaw na" lumuhod ako sa harap niya, okay lang kahit nakakahiya at may makakakita.
"S-stephen?" sabi niya.
"Mahalin mo ulit ako, please?" sabi ko sakanya.
"Stephen, tumayo ka na dyan. Umaambon na oh!" sabi niya tas lumapit siya sakin. Umaambon pala? Pero hindi ko ito pinansin, nakaluhod parin ako.
"Please Yanni?" sabi ko.
"Pero Stephen, hindi ko na mababalik yung dati kong pagtingin sayo. Sorry, hanggang bestfriend na lang talaga tayo. Tumayo ka na nga dyan, lumalakas na yung ambon oh" sabi niya.
"Hindi ako susuko, alam kong mamahalin mo rin ulit ako" sabi ko sakanya.
"Bahala ka" pagkatapos niya yang sabihin naglakad na siya paalis. Iniwan niya nanaman ako, iniwan niya ako habang nasa ulan. Bakit kasi ngayon ko lang siya minahal?
Yanni's POV
"Bahala ka" pagkasabi ko niyan naglakad na ako paalis at pinunasan ko agad yung luha ko, hindi ko na kasi kaya siyang makitang nakaluhod dun. Nasasaktan ako, gusto ko siyang balikan dun lalo na medyo malakas na yung ulan, sakitin pa naman yun. Hindi ko alam kung paano ko nasabi sakanya lahat ng yun, puro kasinungalingan naman yun. Pagkasakay ko sa kotse, pinalo ko yung manibela at sumandal dun.
"Peste naman e, bakit kasi nagkasakit pa ako?"
------
Vote and Comment po kayo ha :D Salamat :')