Chapter 12

6.8K 119 4
                                    

Stephen's POV

Naglalakad ako ngayon sa hallway, nagtext kasi si Mika, mag-uusap daw kami kaya pumayag na ako. Nung nakita ko na siya, pinuntahan niya agad ako.

"Stephen, dun tayo mag-usap" tas tinuro niya yung isang vacant room, nagnod nalang ako tas naglakad na kami papunta sa vacant room na sinasabi niya.

Nung nasa loob na kami ng room nakatingin lang ako sakanya, hindi ako nagsasalita. Ganun rin naman siya pero siguro hindi niya na kaya yung katahimikan kaya nagsalita na siya.

"Stephen, mahal mo parin ba ako?" tanong niya. 

Hindi ako sumagot sa tanong niya pero nakatingin parin ako sakanya.

"Stephen" sabi niya, pero hindi ko parin siya pinansin. Namiss ko siya ng sobra, ayaw ko magsalita kasi baka kung ano pang masabi ko sakanya, magiging tanga nanaman ako sakanya. 

"Stephen, magsalita ka naman oh" sabi niya tas hinawakan niya yung kamay ko.

"Stephen, mahal mo parin ako dba? Tayo nalang ulit, mahal naman kita e" sabi niya. I laughed sarcastically tas tinanggal ko yung pagkakahawak ng kamay niya sa kamay ko.

"Pinagloloko mo ba ako? Sasabihin mo na mahal mo ako tas makikita ko na may kasama kang ibang lalaki? Potek! Oo, mahal parin kita. Ano? Masaya ka na? Kahit anong pilit ko na kalimutan itong nararamdam ko para sayo, wala parin. Mahal parin kita. Bakit kasi ang hirap mong kalimutan?" sabi ko sakanya, napayuko naman siya. Pero may narinig kaming nahulog kaya napatingin kami sa pinto.

"Yanni?" sabi ko, tumingin naman siya sakin pagkatapos niya pulutin yung mga gamit niya.

"Wag kang mag-alala, okay lang ako" then she gave me a weak smile tas umalis na siya.

Lumabas naman ako para sundan siya kahit tinatawag ako ni Mika, ng mahabol ko siya, hinawakan ko agad siya sa braso niya.

"Yanni" tawag ko sa pangalan niya. Tumingin naman siya sakin, umiiyak nanaman siya.

"Please Stephen, bitawan mo muna ako. Ayoko munang makasama ka ngayon, nasasaktan lang ako. Please?" sa sinabi niyang yun, binitawan ko na siya. 

"Sorry" pagkasbi ko nyan, tumakbo na agad siya paalis.

Yanni's POV

Umiiyak lang ako habang tumatakbo ng biglang may tumawag sakin.

"Yanni" tinignan ko siya. Si Carl, pumunta ako sakanya tas yinakap ko siya.

"Carl, pagod na pagod na ako. Pagod na akong masaktan, pagod na akong umiyak, pagod na akong magpretend na okay lang ako kahit hindi naman talaga. Gusto kong maging masaya, ayoko ng magising na maga yung mata ko dahil sa kakaiyak ng dahil sakanya. Gusto kong maranasan na mahal rin ako ng taong mahal ko. Bakit kasi ngayon ka lang dumating sa buhay ko? Sana ikaw nalang yung una kong nakilala, para sayo ako nahulog. Diba pagnahulog naman ako sayo, sasaluhin mo ako?" sabi ko sakanya habang nakayap lang ako sakanya at umiiyak. Yinakap niya naman ako at hinaplos haplos nya yung ulo ko.

"Shhh, tahan na. Wag ka ng umiyak. Bakit ka nanaman ba umiiyak? Wait, tara. Wag tayo dito" tas hinila niya ako papuntang playground ng school. Umupo kami sa bench.

"Bakit ka nanaman ba umiiyak?" tas pinunasan niya yung mga luha ko.

"Ang sakit kasi e, ang sakit marinig sa taong mahal mo na mahal niya parin yung nangloko sakanya pero mas masakit pagsinabi niya ng harap harapan sa taong yun na mahal niya parin siya. Carl, hindi ba ako maganda? Bakit hindi niya ako magustuhan? Madami ngang nagagandahan sakin, pero siya parang hindi niya pansin. Madami rin gustong manligaw sakin, pero puro rejection naman yung natatanggap nila dahil iba yung mahal ko. Pero siya, hindi niya parin ako mapansin kahit ako na yung palaging nasa tabi niya. Kahit anong gawin ko, si Mika parin yung mahal niya" sabi ko, yinakap ako ni Carl.

"Please Yanni, wag ka ng umiyak. Nasasaktan rin ako" mas lalo naman akong umiyak.

"Sorry Carl, sorry talaga kung nasasaktan kita. Palagi kasi akong nasasaktan pagdating sakanya. Masyado na yata ako magmahal kaya ayun, sobra rin pagnasaktan" sabi ko, hinaplos niya yung ulo ko.

"Tahan na, palagi ka nalang umiiyak. Namimiss ko na yung masayahing Yanni, yung palaging nakangiti. Kaya wag ka ng umiyak. Please?" sabi niya sakin.

"Sorry Carl, pero paano ako sasaya kung palagi naman akong nasasaktan at umiiyak? How can I put on a smile when it hurts so bad and how can I be happy when all I wanna do is to cry?" tanong ko sakanya.

"Shhhh. Ihahatid nalang kita sa bahay niyo. Tara na" nagnod nalang ako, hinawakan niya yung kamay ko. Magkahawak kamay lang kami habang naglalakad papuntang parking lot para sumakay sa kotse niya. Nung nasa bahay na kami, pinapasok ko muna siya sa loob.

"Maga na yang mata mo oh" sabi niya.

"Hehehe, sorry naman" sabi ko tas nagsmile ako sakanya.

"Ayan, mas maganda ka pagnagssmile ka" sabi niya tas kinurot niya yung pisngi ko ng mahina. Ngumiti nalang ulit ako sakanya. 

I'm Just His BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon