Stephen's POV
Nakaupo kami sa bench ngayon ni Yanni sa field, nanunuod kami ng mga nagtratraining sa soccer. Nagring naman yung phone niya.
"Hello Carl... Ngayon na? Pwede ba? Ahh, sige. Papunta na ako dyan." sabi niya. Napansin ko naman na pinalitan niya na yung wallpaper niya, siya at si Carl na.
"Yanni, bakit mo pinalitan yung wallpaper mo?" tanong ko sakanya.
"Wala lang, masama ba?" ayan nanaman siya, palagi na siyang ganyan sumagot. Parang nagbago sya.
"Hindi naman sa ganun pero---" hindi ko natapos yung sasabihin ko dahil nagsalita na kaagad siya.
"Hindi naman pala e, sige una na ako. Kailangan kong umuwi ng maaga e. Half day ako ngayon" sabi niya. Half day? Maglalakad na sana siya pero pinigilan ko siya.
"Wait lang" sabi ko.
"Bakit?" tanong niya.
"Kayo na ba ni Carl?" tanong ko.
"Ano ba yang pinagsasabi mo Stephen? Hindi kami, okay? Pwede na ba akong umalis. Kailangan ko na talaga umuwi e" sabi niya.
"Ihahatid na kita" sabi ko.
"Wag na, ihahatid naman ako ni Carl e atsaka may class pa. Sge, bye na" tapos aalis na sana siya pero pinigilan ko ulit siya.
"Wait lang Yanni, last na talaga. May itatanung pa ako" sabi ko, tapos lumapit ako sakanya.
"Ano yun?" tanong niya.
"Nanliligaw ba sayo si Carl?" tanong ko.
"Ano naman sayo kung nanliligaw siya sakin?" tanong niya.
"Ha? Wala naman" sabi ko.
"Wala naman pala e, hindi mo na kailangan malaman" sabi niya.
"Pero Yanni" sabi ko.
"Kailangan ko ng umalis Stephen, yun lang ba itatanung mo?" sabi niya.
"Oo, pero hindi mo naman sinagot yung tanong ko" sabi ko.
"Gusto mo ba talagang malaman?" I nodded.
"Hindi siya nanliligaw, alam mo kung bakit? Kasi nung umamin siya sakin nabasted na agad siya. Ha-ha-ha, hindi pa nga siya nanliligaw nabasted na agad. Alam mo kung bakit hindi ko siya binigyan ng chance? Kasi hindi siya yung mahal ko, ikaw yung mahal ko. Mas pinili kong masaktan sa taong mahal ko na walang ginawa kundi balewalain ako" sabi niya.
"Hindi naman kita binabalewala e" sabi ko sakanya.
"Oo nga pala, hindi mo nga ako binabalewala pero nasasaktan ako. Kahit wala ka pang ginagawa, nasasaktan na ako." sabi niya.
"Yanni" tas mas lumapit ako sakanya pero lumayo naman siya.
"Siguro nga mali yung desisyon ko. Mas pinili kong maging tanga at masaktan sayo maski maging masaya pag si Carl yung pinili ko." sabi niya tas pinunasan niya yung luha niya.
"Yanni, m-mahal na kita" sabi ko sakanya, totoo naman e. Mahal ko na siya, more than bestfriend.
"Matagal mo na akong mahal, bilang bestfriend nga lang" sabi niya.
"Yanni naman, totoo yung sinabi ko. Mahal na---" hindi ko na natapos yung sasabihin ko dahil nagsalita siya agad.
"Wag mong pilitin yung sarili mo na sabihing mahal mo kung hindi talaga, baka umasa pa ako na totoo yung sinasabi mo, masaktan pa ako." sabi niya.
"Pero Yanni" sabi ko.
"Tama na Stephen!" tas umalis na siya.
"Yan" tinawag ko siya pero hindi na siya bumalik, naglakad lang siya paalis.
Bakit ganun? Akala ko ba hihintayin niya yung araw na mamahalin ko siya? Pero iniwan niya ako ngayon. Ngayong mahal ko na siya bakit ayaw niya maniwala?