Yanni's POV
Ilang weeks narin ang nakalipas since the day na narinig ko sila Stephen and Mika na nag-uusap. Ganun parin naman kami ni Stephen, wala paring pagbabago sa pagiging magbestfriend namin, mas naging close nga kami sa isa't isa e. Tas si Carl naman, sobrang close na namin. Hahaha. Biglang tumunog yung phone ko, sino kayang natawag? Si Carl pala.
"Hey Carl"
(Yanni, gala tayo)
"Bakit mo naman naisipan gumala?"
(Ang boring sa bahay e)
Ay, oo nga pala. Saturday ngayon kaya wala kaming pasok :')
"Sus, sige"
(Pupuntahan na kita sa bahay niyo ha)
"Hindi ka naman excited noh? Sge, bye na"
(Hahaha. Punta na ako ha. Bye)
Tas inend nya na yung call. Nagbihis nalang ako ng pang-alis, nakaligo narin naman ako e. Pagkatapos ko, bumaba nalang ako and hinintay ko si Carl. May nagdoorbell na, siguro si Carl na yun.
"ATE NINA! ALIS LANG PO AKO HA" sigaw ko tas lumabas na ako ng bahay.
"Saan mo gusto?" tanong niya sakin.
"Gusto kong magshopping ngayon tas sa playground." sabi ko.
"Playground?" sabi niya.
"Yep, gusto kong magswing e" sabi ko.
"Hahahaha, sige. Tara na" tas binuksan niya yung kotse and pumasok naman ako.
-----
Nandito na kami sa mall, mamimili na ako ng damit. ^_^ Pumasok na kami sa isang boutique.
"Carl, tignan mo. Bagay ba sakin ito?" tas pinakita ko sakanya yung blouse. Nagthumbs up naman siya. Kumuha pa ako ng mga blouse na type ko tas binayaran ko na.
"Ako na magdadala" sabi ni Carl tas kinuha niya yung paper bag.
"Wag na, akin na" kaso linayo niya naman yung paper bag.
"Ayoko" sabi niya kaya pinabayaan ko nalang siya.
Pumasok naman ulit kami sa isang boutique ulit.
"Dress naman" sabi ko tas kinuha ko yung dress na nagustuhan ko.
"Carl, bagay ba sakin ito?" tanong ko sakanya.
"Kahit ano bagay sayo" sabi niya tas ngumiti siya sakin.
"Tss" tas tumingin nalang ako sa mirror.
"Ang cute" sabi ko, kumuha pa ako ng dress tas bayad ulit. Hahahaha, ganun lang yung ginawa namin. Puro bili lang ng damit, bumili rin ako ng skirts, shorts, pants and shoes. Nyahaha. Ang dami ko ng nabili pero si Carl, ni isa hindi pa bumili. Bigla akong may naalala.
"May nakalimutan pa ako" sabi ko.
"Anong nakalimutan mo?" tanong niya.
"Loose shirt, wala pa akong nabili na loose shirt ngayon e" sabi ko, tumawa naman siya.
"Hahahaha, grabe. Akala ko kung ano na yung nakalimutan mo. Tara, hanap na tayo ng loose shirt mo" sabi niya.
Pumunta naman kami sa isang boutique na madaming loose shirt. Kinuha ko yung mga type ko tas binayaran ko na.
"Gutom na ako" sabi ko.
"Saan mo gustong kumain?" tanong niya.
"Gusto ko sa Mcdo, I'm craving for Mcflurry" sabi ko sakanya.
"Sige, tara" sabi niya.
"Libre mo ako ha" sabi ko sakanya.
"Hahahaha, oo na" tas ginulo niya yung buhok ko.
Nung nasa Mcdo na ako sinabi ko na sakanya yung order ko, siya nalang daw kasi yung oorder e. Umupo nalang ako habang hinihintay siya, pagkabalik niya kinuha ko na yung mcflurry ko :)
"Grabe ka ha, dalawang large mcflurry pa talaga pinabili mo tapos large fries. Takaw mo" sabi niya.
"Hehehe, ganun talaga" sabi ko.
------
"Grabeeeee! Busog ako" sabi ko pagkalabas namin sa Mcdo.
"Ang takaw mo kasi" sabi niya.
"Che!" ako, habang naglalakad kami may nakita akong bracelet sa isang store.
"Wait lang Carl, ang cute nun oh" sabi ko sabay turo ko sa bracelet na nakita ko.
"Saan?" tanung niya.
"Ayun oh" hinila ko naman siya papasok sa store na yun tas kumuha ako ng dalawang ganun na bracelet tas binayaran ko na.
"Wag mo na pong iplastic" sabi ko sa cashier tas sinuot ko na yung isang bracelet, lumabas na kami ni Carl ng store na yun.
"Bakit dalawa binibili mo? Ahh, para kay Stephen noh?" tanong niya. I shooked my head, tapos sinuot ko sakanya yung isang bracelet.
"Ayan, friendship bracelet natin yan. Wag mo iwawala ha" sabi ko sakanya.
"Sus dami nito alam" sabi niya, ngumiti naman ako sakanya.
"Punta na tayong playground, yung park satin" sabi ko.
Naglakad na kami papuntang parking, nung nasa kotse na kami. As always, bubuksan niya yung kotse para sakin :)
Nung nasa park na kami, bumaba na kaagad ako tas umupo sa swing.
"Namimiss ko na magswing" sabi ko.
"Gusto mo araw-araw tayo pumunta dito?" tanong ni Carl.
"Wag naman, baka magsawa ako" sabi ko, umupo rin naman sa tabi ko si Carl.
"Ang saya maging bata noh" sabi niya.
"Oo nga e" sabi ko.
Pinanuod lang namin yung mga batang naglalaro sa park, bigla naman ako nakaramdam ng pagod.
"Nakakapagod naman" sabi ko.
"Nakaupo ka na nga lang dyan napapagod ka pa" sabi niya.
"Nahihilo na ako Carl, uwi na tayo" sabi ko. Tapos tumayo na ako.
"Yanni, okay ka lang? Bakit ka namumutla?" tanong ni Carl.
"Ha? Okay lang ako. Tara na" sabi ko, pero hindi talaga ako okay. Medyo nahihirapan akong huminga at nahihilo ako. Nagblublur na yung paningin ko and then black out.