Chapter 10

7.6K 123 1
                                    

Si Carl Martinez po pala :) ----->


Yanni's POV

"Bakit ka ba umiiyak? Ano nanaman nangyare sainyo ni Stephen?" tanong ni Carl.

"Eh kasi naman e, nakakaiyak kasi. Ako yung nasa tabi niya pero si Mika parin, alam mo yung mas masakit? Yung sinabi niya Mika, mahal na mahal parin kita, bumalik ka na. Please? Ha-ha-ha, natutulog na nga siya hindi niya parin makalimutan yung babaeng yun. Ang sakit lang" sabi ko sakanya tas pinunasan ko yung luha ko.

"Yanni, hindi ka ba nagsasawa kakaiyak dahil sakanya? Hindi ka ba napapagod?" tanong ni Carl, ngumiti naman ako sakanya.

"Okay lang kahit palagi akong masaktan, para sakanya naman e. Mahal na mahal ko siya Carl" sabi ko.

"Tama na! Please? Wag mo namang ipamukha sa akin na sobrang mahal mo siya" nagulat ako sa sinabi niya. 

"B-bakit naman?" tanong ko.

Carl's POV 

"B-bakit naman?" tanong niya. Siguro kailangan ko na rin sabihin sakanya.

"Bakit kasi puro Stephen ka na lang? Bakit ayaw mong magmahal ng iba? Meron pa namang iba na pwedeng magmahal sayo. Palagi ka nalang nasasaktan dahil sakanya, magmahal ka nalang kasi ng iba. Pwede naman ako." nagsigh muna ako bago ko ituloy yung sasabihin ko sakanya "Mahal kita Yanni" sabi ko sakanya, tinignan ko naman siya. Mukha siyang nagulat sa sinabi ko, sino nga ba naman hindi magugulat?

"P-pero, ang bilis naman. Kakakilala palang natin e" sabi niya.

"Matagal na kitang kilala, nung kakalipat ko lang sa bahay ko ngayon. Binili kasi yun ng parents ko para sakin, para daw mas malapit sa school ko. Kaya ayun, dun na ako nakatira. Tapos naglibot-libot ako sa village hanggang sa makapunta ako sa park tas nakita kita. Naniniwala ka ba sa love at first sight? Yun kasi yung nangyari sakin nung nakita kita. Buti nga dala ko yung cam ko nun kaya naisipan kong picturan ka. Sorry ha, kinunan pa kita ng stolen shot. Nakakatawa man sabihin pero pinadevelop ko yun, ikaw nga rin wallpaper ng laptop ko e, pati yung phone ko pero pinalitan ko na nung naging close tayo. Yung smile mo dun, yun yung dahilan kung bakit ako nainlove sayo lalo. Weird ko ba? Hahahaha, alam mo? Namimiss ko na yung smile mo, palagi ka nalang kasing umiiyak. Ang swerte ko nga e, sa school nyo pa ako nag-aral. Tapos, ano ba ito? Sasabihin ko pa ba? Nakakahiya kasi e. Kasi tuwing uwian, hinihintay kita palagi. Stalker na kung stalker pero palagi akong nakasunod sayo, yung parang hinahatid kita pero hindi mo nga lang alam, minsan na nga lang ako magdala ng kotse dahil sayo e. Pero syempre nung mga times na hinahatid ka na ni Stephen, hindi na kita masyadong sinusundan. Naalala mo nung una mo akong nakilala? Sinundan talaga kita nun. Buti nga nandun ako e, baka ano pang mangyare sayo. Ang saya ko kaya nun, kasi naging close tayo. Pero may part rin sakin na masakita kasi dba nagkwento ka about kay Stephen. Grabe, ang dami ko na yatang nasabi" tinignan ko siya, pero nakatingin lang siya sakin na parang hindi makapaniwala.

"Carl" sabi niya, medyo natawa naman ako dun.

"Grabe, sa dami kong sinabi sayo Carl lang yung kaya mong sabihin" sabi ko sakanya, napakamot naman siya ng ulo.

"Hindi ko kasi alam ung dapat kong sabihin e, ano bang pwede kong sabihin?" tanong niya.

"Pwede mo namang sabihin Mahal rin kita Carl" pabiro kong sabi.

"Ha?" siya.

"Hahahahahaha! Grabe! Yung itsura mo, sineryoso mo naman? Joke lang yun" sabi ko naman, tas siya naman yung tumawa.

"Hahahaahha! Ang galing mo magjoke Carl, akala ko totoo na yung sinabi mo e. Akala ko talaga mahal mo ako. Hahahahaha" napakunot naman ako sa sinabi niya.

"Totoo yung sinabi ko Yanni, mahal talaga kita" sabi ko sakanya.

"Sorry" tas yumuko siya.

"Bakit ka nagsosorry? Sorry ba yung pangreject mo? Hindi pa nga ako nanliligaw, basted na agad ako. Hahahaha. Okay lang noh. Hindi ko naman sinabing mahalin mo rin ako, ayaw lang kitang masaktan. Basta friends pa rin ha?" sabi ko sakanya.

"Ha? Oo naman, 2nd bestfriend kita e" sabi niya.

"Oo nga, hanggang 2nd lang naman ako palagi e, puro siya yung no. 1 mo. Oh! Ayan ka nanaman sa itsura mong yan e" sabi ko, parang ewan kasi yung itsura niya. 

"Eh kasi naman e, ikaw kasi e" sabi niya, tas sinuntok niya ng mahina yung braso ko pero yinakap ko siya.

"Carl?" siya.

"Payakap lang saglit" sabi ko, yinakap niya rin naman ako.

"Thank you" sabi niya.

"Para san?" tanong ko sakanya.

"Para sa lahat, kasi tuwing malungkot ako ikaw palagi yung nagpapasaya sa akin e" sabi niya, ginulo ko naman yung buhok niya.

"Wala yun, para sayo naman e" tas ngumiti ako sakanya.

Ang sakit naman, hanggang thank you lang siya. Pero okay na rin yun, kahit hanggang magkaibigan lang kami, masaya na ako. 

I'm Just His BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon