Stephen's POV
Naglalakad ako sa hallway ngayon ng makita ko si Mika na may kasamang ibang lalaki. Bakit ganun? Ang dali niya lang makahanap ng iba, pero ako nasasaktan parin.
1 week na rin ang nakalipas nung nakita ko siya sa mall na may kasamang ibang guy pero ganun parin yung sakit na nararamdaman ko, walang pagbabago. Gusto kong manakit ng kahit sinong tao na makita ko, mas gusto kong masaktan physically maski sa emotional. Masyadong mahirap pag emotional na yung nasaktan.
Pumunta ako sa isang vacant room, okay lang naman magwala dito e. Hindi narin naman ito ginagamit kaya pinagsisipa ko yung mga upuan.
"F*CK" tapos pinagsusuntok ko yung pader, nung susuntukin ko sana ulit ung pader may humawak ng braso ko.
"Stephen, tama na" sabi niya.
"Anong ginagawa mo dito Yanni?" tanong ko.
"Stephen, please! Wag mo ng saktan yung sarili mo" sabi niya, tas linagay niya yung panyo niya sa kamay ko.
"Ayan tuloy *sob* dumudugo yung *sob* kamay mo. Bakit mo ba *sob* kasi sinusuntok *sob* yung pader? Wag mo *sob* ng saktan yung sarili mo. Please?" sabi niya.
"Yanni" tas pinunasan ko yung mga luha niya.
"Please Stephen" siya
"Ang hirap kasi e, sobrang sakit parin nung nararamdaman ko. Hindi ko siya makalimutan, mahal ko parin siya kahit alam kong linoko niya lang ako. Bakit ba kasi ang hirap niyang kalimutan?" ako, tas umupo ako sa sahig. Umupo rin siya sa tabi ko.
"Nakita ko siya kanina, may kasama na siyang iba. Bakit ganun? Meron na agad siyang bago, samantalang ako. Eto, nasasaktan parin dahil sa nangyare. Ha-ha-ha. Ang hirap lang isipin na okay na siya pero ako, parang tanga na nasasaktan parin" ako, tas pinunasan ko ung luha na tumulo galing sa mata ko.
"Ano ba ito? Bigla nalang tumulo yung luha ko." tinignan ko siya, nakayuko lang siya.
"Stephen" siya, tas hinawakan niya yung kamay ko.
"Ano yun?" tanong ko sakanya.
"Pagod ka na bang masaktan?" tanong niya.
"Pagod na pagod na ako Yanni" sagot ko.
Hindi na siya nagsalita, pero ako naman yung nagsalita.
"Paano ka nakapunta dito?" tanong ko.
"Hinahanap kasi kita e, tas bigla kitang narinig na sumisigaw dito kaya pumasok ka agad ako dito" sagot niya.
"Ahhh!" ako, pero siya naman ang nagtanung.
"Ikaw, bakit ka naman pumunta dito?" tanong niya.
"Wala, gusto ko lang kasi manuntok ng kahit sno, pero ayoko naman manakit ng iba" sagot ko
"Kaya pader yung naisipan mong suntukin, para ikaw yung masaktan?" siya
"Parang ganun na nga" ako
"Bakit kasi kailangan mo pang saktan yung sarili mo? Ayan tuloy, may sugat ka ulit. Dati sa mukha ngayon sa kamay mo na, bakit ba gustong gusto mong masaktan? Ha?" tanong niya.
"Okay lang naman yung kamay ko e, hindi naman masakit" sagot ko.
"Anong okay? Hindi mo ba naiisip na mag-aalala ako para sayo?" siya, hindi ako nagsalita pero tinignan ko siya.
"Kung pagod ka ng masaktan, kalimutan mo na siya please? Tutulungan kitang makalimutan siya" sabi niya.
"Hindi naman ganun kadali yun Yanni e" ako
"Bakit kasi siya pa yung minahal mo?" tanong nya.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Bakit kasi hindi nalang ako ang mahalin mo? Mahal kita Stephen"