Chapter 19

6.5K 117 7
                                    

Yanni's POV 

Naglalakad kami ni Carl ngayon papuntang parking, uwian na namin ngayon. Pero biglang may humawak sa braso ko.

"Yanni" tinignan ko yung kamay nya nakahawak sa braso ko tas tinanggal ko yun.

"Bakit Stephen?" tas ngumiti ako sakanya.

"Hindi ka ba pupunta sa bahay?" tanong niya. 

"Bakit naman ako pupunta?" tanong ko sakanya. Alam kong birthday niya ngayon(Jan. 14) pero nagkukunwarian akong hindi ko alam. Hindi ko rin alam kung bakit ko ba siya ginaganito e.

"Hindi mo ba alam kung anong meron ngayon?" tanong niya, umiling naman ako. Nagsigh siya tas parang nalungkot.

"Birthday ko ngayon Yanni. Okay lang bang pumunta kayo ni Carl sa bahay ko?" sabi niya.

"Okay lang ba sayo?" tas tinignan ko si Carl.

"Oo naman" tas ngumiti siya sakin.

"Sige, uuwi lang kami. Tara na Carl" tapos pumunta na ako ng kotse.

-----

Nandito na kami sa bahay ni Stephen ngayon, medyo madaming tao. Syempre, lahat ng classmate namin nandito pati yung mga kavarsity niya. Yung iba nagswiswimming tas yung iba naman nakain. 

"Ang daming tao ah" sabi ng katabi ko.

"Ganun talaga si Stephen, hilig maginvite e. May kilala ka ba dito?" sabi ko naman sakanya.

"Oo naman, yung mga varsity." sabi niya sakin, pumunta naman si Stephen sa amin.

"Yanni" banggit niya sa pangalan ko.

"Osige, doon muna ako ha." sabi ni Carl tas naglakad na siya paalis.

"Wait Carl" sabi ko, tumingin naman siya sakin.

"Ano ka ba? Doon lang naman ako, babalik din ako. Okay?" nagnod nalang ako sakanya.

"Yanni, gusto mo na bang kumain?" tanong ni Stephen kaya napatingin ako sakanya.

"May carbonara?" tanong ko, ngumiti naman siya.

"Oo naman, rinequest ko yun kanila mama kasi alam kong gusto mo yun e" sabi niya sakin, napangiti naman ako.

"E ice cream and cake?" tanong ko, nagnod naman siya.

"Tara na? Samahan na kitang kumain." sabi niya sakin, nagnod nalang ako tas naglakad na kami papuntang dining room.

"Upo ka muna" tapos pumunta siya sa kitchen, pagdating niya naman may dala na siyang carbonara. Wiiieee! Carbonara <3

"Thank you" sabi ko kay Stephen tapos kumain na ako.

"Ang sarapppppppp! Sino nagluto?" sabi ko nung natapos na ako.

"Sila mama, gusto mo pa?" tanong niya sakin.

"Hindi, okay na ako. Gusto ko ng cake and ice cream" sabi ko sakanya.

"Hahahaha, osige. Mamaya na yung ice cream, cake muna ha. Wait lang" tapos pumunta na siya sa kitchen, pagbalik niya may dala na siyang cake and sarsi.

"Kain ka na ulit" sabi niya, nagnod naman ako tapos kumain na ulit ako.

"Ang takaw mo" sabi niya kaya napatigil naman ako sa pagkain.

"Matakaw ba ako?" tanong ko sakanya.

"Hahaha. Joke lang, kunin ko lang ung ice cream" sabi niya tapos pumunta ulit siya sa kitchen, ako naman kumain ulit. Ang sarap ng cake. Hahahaha :D Hindi naman sa ngayon lang ako nakakain ng cake, ganito lang ako pag cake, ice cream, carbonara and lasagna yung pagkain :')

I'm Just His BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon