Yanni's POV
"Mahal kita Stephen" nagulat ako ng dumilat siya. Gising pa pala siya? Pero mas nagulat ako sa sagot niya.
"Mahal rin naman kita e" nung marinig ko yan, gusto kong sumigaw dahil sa sobrang kilig.
"Mahal mo ako?" tanong ko.
"Oo naman, BESTFRIEND kita e" pero sa sagot niya, gusto kong umiyak. Mahal nya nga ako, pero bilang best friend lang. Ang sakit naman, hanggang bestfriend lang ba talaga kami?
"Ahh, oo nga noh. I love you Bestfriend" ako, ngumiti siya tas ginulo niya yung buhok ko.
"Matulog na nga tayo, Goodnight Yanni" siya.
"Goodnight rin" ako tas humiga na ako, pero nakatingin ako sa ibang side, yung hindi sakanya. Tas tumulo na yung luha ko na kanina ko pang pinipigilan.
Ang sakit isipin na mahal ka niya bilang bestfriend lang. </3
-----
Paggising ko, wala na akong katabi. Bumaba na ako para hanapin si Stephen, nakita ko siya sa kusina.
"Stephen, anong linuluto mo?" tanong ko sakanya.
"Bacon" sagot niya.
"Talaga? Yey! My favourite!" ako ^_^
"Tapos na" sabi ni Stephen tas linagay nya na yung food namin sa table.
"Kain na tayo" ako, tas nagpray na ako.
Pagkatapos namin kumain, naghugas na siya ng pinagkainan namin. Sabi ko nga ako na lang pero inaasar niya lang ako "Ikaw? Maghuhugas? Baka mabasag pa ung mga pinggan e" sabi niya tas tumawa, hindi kasi ako marunong maghugas e. Pero okay lang kahit inasar niya ako, atleast napatawa ko siya kahit alam kong nasasaktan parin siya sa nangyari sakanila ni Mika.
Pagkatapos namin mag ayos para sa school, sumakay na kami ng kotse niya and pumunta na ng school. Nung naglalakad kami sa hallway nakita namin si Mika, tinignan ko si Stephen pero nagsmile lang siya sakin, yung smile na mahahalata mo na nasasaktan siya. Yinakap ko siya.
"Bakit Yanni?" tanong niya.
"Wala, gusto lang kitang yakapin" sagot ko.
"Hahaha, ganun ba? Sge, yayakapin rin kita" tas yinakap niya ako. Napangiti ako, dahil kahit papano, ginagawa niya yung lahat para makalimutan niya si Mika, nagssmile siya kahit mahirap sakanya. Alam kong ginagawa niya lang yun para kahit papano, matago niya yung sakit na nararamdaman niya.
"Thank you Yanni" bulong niya, pero sakto lang para marinig ko yun.
"Wala yun." tas pumasok na kami ng room.
Nagdiscuss lang yung prof namin ng kung ano ano and break time na :')
"Stephen, tara na?" tanong ko sakanya.
"Sige" siya
Bumili na kami ng food then umupo na kami sa vacant seat.
"Yanni" siya, tinignan ko naman siya.
"Bakit?" tanong ko.
"Paano ba makalimot ng isang tao?" tanong niya
"Hindi mo naman makakalimutan yung isang tao e, pero pagnagkaamnesia ka, pwede pa" sagot ko.
"Paano ba magkaamnesia?" tanong niya.
"Seriously Stephen? Gusto mo magkaamnesia?" tanong ko, medyo tumawa siya.
"Baliw, hindi noh. Nagtatanung lang eh" siya.
"Grabe, kinabahan ako dun ah." Ako
"Bakit naman?" tanong niya
"Syempre, ayokong magkaamnesia ka. Makakalimutan mo ako e" ako
"Don't worry, pagnagkaamnesia ako, hindi kita isasama sa makakalimutan ko. Masyado kang importante sakin noh" siya, feeling ko namumula na ako dahill sa sinabi niya.
"Okay ka lang ba? Bakit ka namumula?" tanong nya. Hindi ko lang pala nafefeel, totoo na pala. Shizz! >_<
"Ahh. Wala toh" ako
"Sure ka? Baka may sakit ka?" tanong niya tas linagay yung kamay niya sa forehead ko.
"Medyo mainit ka lang naman pero mas lalo kang namula, sure kang okay ka lang?" tanong niya ulit.
"Okay lang ako" sagot ko tas yumuko nalang habang kumakain. Sobrang pula ko ba kanina? Nakakainis naman kasi e, kinilig ako sa sinabi niya. Heheheh .
Pagkatapos namin kumain, bumalik na kami sa room.
"Ang tagal naman mag uwian" Stephen
"Oo nga e" ako.
"Yanni, picture tayo" siya, tas linabas niya yung phone niya.
"Sgesge" ako.
"1,2,3... Smileee" siya, tinignan ko yung picture namin. Pareho kaming nakapeace.
"On mo bluetooth mo, tas gawin mong wallpaper ha." siya.
"Hahahaha. Sige" ako.
"Ayan, pareho na tayo ng wallpaper. Tas pareho pa tayo nakaband aid" tumawa kami.
"Ay, oo nga noh. Nakaband aid pala tayo ngayon" ako.
"Ang ganda naman ng bestfriend ko" siya.
"Hahaha, syempre. Gwapo yung Bestfriend e" ako.
"Buti alam mo. Hahaha" siya.
Tinignan ko siya habang tumatawa, ang saya sa pakiramdam na makita siyang tumatawa. Sana palagi nalang siya masaya, ayokong makita siyang nasasaktan, lalo na pag ang dahilan ay si Mika, nasasaktan rin ako.