Chapter 23

6.2K 126 11
                                    

Yanni's POV

 Ilang months na ang nakalipas... Ilang months nalang, bakasyon na ulit. Ilang months nalang ba yung natitira para sakin? O baka naman weeks nalang or days? Ano ba naman itong mga pinagiisip ko? Minsan, naiisip ko na sana mamatay nalang ako, ayoko nang mahirapan pero sa tuwing naiisip ko lang yun, naiiyak lang ako. At ngayon, hindi ko na napigilan, napaluha nalang ako.

"Yanni, umiiyak ka nanaman" sabi ni Carl, nakaupo kami sa damuhan ng campus, break time naman namin  at mahaba pa naman yung oras kaya dito muna kami pumunta.

"Sorry Carl, nakikita mo nanaman akong umiiyak" sabi ko naman tas pinunasan yung pisngi ko. Ngumiti lang siya sakin.

"Uhmmm. Carl, E.K tayo sa saturday, kasama yung mga classmates ko. Okay lang sayo?" tanong ko sakanya. Sana pumayag siya.

"Oo naman, kahit palagi pa tayong nandun e" tapos ngumiti siya sakin. Kung pwede lang sana e, kung kaya ko pa, palagi akong pupunta dun.

Yinaya ko na siyang bumalik sa room namin, hinatid niya lang ako sa room ko tapos pumunta na siya sa room niya. Wala pa naman yung prof namin and lahat narin naman ng classmates ko nandito kaya pumunta ako sa harap.

"GUYSSSS!" sigaw ko sakanila, napatigil naman sila sa mga ginagawa nila at tumingin sakin.

"Sama kayo sa saturday? E.K tayong lahat" sabi ko.

"Ha? Ano bang meron?" tanong ni Toby.

"Birthday mo ba Yanni?" tanong naman ni Lyka, binatukan naman siya ni Sai.

"Baliw! Sa June nga birthday niya dba? Pero Yanni, ano bang meron?" tanon naman ni Sai.

"Hmmm. Wala lang, gusto ko lang magbonding tayong lahat. Ano? Sama kayo? My treat" nung sinabi kong "My treat" madaming nagsaya. Hahahaha.

"Treat mo? Sama na kaming lahat, dba guys?" sabi naman ni Jake.

"Oo naman" pag-aagree ng lahat.

"Sure na yan ha." sabi ko naman.

"Sure na sure! Libre e" sabi nila, natawa nalang ako and saktong dumatting na yung prof namin at umupo na ako sa upuan ko.

"Yan, bakit ka nagyayaya na mag E.K.?" tanong nang katabi ko.. Si Stephen.

"Wala naman, gusto ko lang magbonding tayong lahat" tapos ngumiti ako sakanya. Gusto kong makasama ko silang lahat, ieenjoy ko na yung mga oras ko na kasama sila habang may oras pa. 

----

Nasa E.K na kaming lahat, yung transpo ay sakin. Van namin yung ginamit, dalawang van lang naman kaya okay lang, pumunta lang sila sa bahay tapos dumiretso na kami dito.

"Guys, kain muna tayo?" tanong ko sakanila, 2:30 na kasi ngayon. Mga 1 kasi kami umalis ng bahay, hindi pa naman kami kumakain ng lunch ngayon.

"Osige, kain tayo sa pizza hut" sabi ni Raina, nag-agree naman yung iba kaya dun nalang kami kumain and syempre, ako yung nagbayad. Nung natapos na kami, nag-isip na kami kung anong ride yung pupuntahin namin.

"Uhmmm, guys. Sa rio grande muna kaya? Tutal busog pa naman tayo, hindi naman yun nakakahilo e" pagsuggest ni Carl, nag-agree naman yung lahat kaya dun na kami pumila kaagad.

Nung kami na yung sasakay, hinila ko si Carl and Stephen tsaka hinawakan ko sila sa braso. Mukha namang nagulat si Stephen.

"Gusto ko tayo yung magkakatabi ha" tas tinignan ko sila atsaka ngumiti, si Stephen mukhang gulat parin. 

"Gusto ko lang makasama yung mga bestfriends ko." sabi ko naman.

"Yanni, bakit feeling---" hindi ko na pinatapos si Carl sa sasabihin niya at hinila ko na sila.

"Tara na, sakay na tayo. Guys, bahala nalang kayo kung sino sino magkakasama ha" tapos umupo na kami, magkakatabi kaming tatlo nila Stephen tapos yung limang kasama namin ay sila Sai, Lyka, Raina, Toby and Jake.

"Namiss ko yung mga panahon na ganito tayo, yung palagi tayong magkasama." sabi ko at tumingin kay Stephen.

"Namiss mo na? Hindi mo na ba ako itataboy?" tanong niya sakin, ngumiti naman ako sakanya.

"Hindi na noh, namiss ko yata ang bestfriend ko" sabi ko, ngumiti siya sakin tsaka pininch yung nose ko.

"Wag kang mag-alala, kahit kelan pwede tayo mag ganito" ngumiti ako sakanya pero nawala rin yung ngiti ko nung naalala ko na hindi na pala kami pwede magbonding masyado... Hinawakan ko yung kamay nila Carl at Stephen, sila yung mga sobrang importanteng tao sakin na hindi ko kamag-anak.

"Yanni?" sabay pa silang dalawa kaya medyo tumawa sila.

"Gusto kong magkahawak tayong tatlo buong araw" sabi ko naman sakanila.

Nung natapos na kami sa rio grande, nagpalit na kami ng damit. Buti nalang may extra kaming lahat. At syempre hindi na kami magkahawak ng kamay nila Carl pero pagtapos namin magbihis, hinawakan ko agad yung kamay nila, yung iba nga nanunukso pero ngumiti lang ako sakanila.

"San na tayo next?" tanong ko sakanila.

"Space shuttle tayooooo" sabay sabay nilang sabi kay dun na kami pumili. Nung natapos na kmi sa space shuttle, grabe feeling ko matutumba na ako anytime.

"Okay ka lang ba?" tanong ni Carl sakin, nagnod naman ako.

"Kung pagod ka na Yanni, pwede ka naman magpahinga nalang e. Sasamahan ka namin ni Carl" sabi naman ni Stephen.

"Ano ba kayo? Okay lang ako noh at ayoko naman maging KJ" sabi ko kahit pagod na talaga ako. Sumakay nalang kami sa ibang rides hanggang sa magse7 na at napagod na yung iba.

"Guys. Thank you for this day, nag-enjoy talaga ako" at pagkatapos ko yan sabihin, nawalan na ako ng malay.

------

Guys, bakit hindi na kayo masyadong nagcocomment? Nakakalungkot T.T Hahahaha, vote nd comment kayo ha. Thank youuuuuuuu ^_^

I'm Just His BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon