Yanni's POV
1 week na ako sa hospital, ang tagal noh? Sawang sawa na ako dito. Kasama ko ngayon sila Carl and Stephen, nandito kami sa garden ng hospital, nakawheelchair ako para hindi ako masyadong mapagod.
"Sana pagnawala ako, wag niyo akong kalimutan ha" sabi ko sakanila.
"Yanni, wag ka ngang magsalita ng ganyan" sabi naman ni Carl, ngumiti naman ako sakanya.
"Tanggap ko narin naman e, alam kong hindi na ako tatagal" sabi ko sakanya.
"CR lang ako" sabi naman ni Stephen.
"Ano naman nangyare dun?" tanong naman ni Carl.
"Bingi ka ba? Ang sabi nga niya ay magccr siya." sabi ko naman, bigla nalang akong hindi makahinga.
"C-Carl" banggit ko ng pangalan niya, tumingin naman siya sakin at nung nakita niya ako bigla siyang nagpanic.
"Yanni, anong masakit? Namumutla ka, dadalhin na kita sa room mo" bigla niya naman akong binuhat at nagmadali siyang pumunta sa room ko.
Stephen's POV
"Sana pagnawala ako, wag niyo akong kalimutan ha" napatingin naman ako kay Yanni nung sinabi niya yan, nakangiti pa siya nung sinabi niya yan.
"Yanni, wag ka ngang magsalita ng ganyan" sabi naman ni Carl, pero ngumiti pa siya kay Carl.
"Tanggap ko narin naman e, alam kong hindi na ako tatagal" tanggap niya na? Buti pa siya tanggap niya na, samantalang ako hindi parin. Ayokong isipin na pwede siyang mawala sakin, masyadong masakit pag iniwan niya ako.
"CR lang ako" tas pumunta na akong cr, naghugas lang ako ng mukha at bumalik na ako kanila Yanni pero pagkabalik ko dun, wala na sila, yung wheelchair nalang yung nandun.
"YANNI!" sigaw ko pero walang sumagot kaya tumakbo ako papuntang room niya. Sana mali yung naiisip ko, hindi pwede...
Nung malapit na ako sa room ni Yanni, nakita ko sila Tita at Carl sa labas, si Tita ay humahagulgol. Ayoko, hindi ko pa kaya.. Please Lord, wag... Wag niyo po siyang kunin sa amin.. sa akin, hindi ko kaya. Kahit konting oras pa po, wag lang ngayon. Birthday na birthday ko bukas, bakit kailangan ko pang masaktan?
Lumapit ako sa room niya, nandun na yung doctor, nakikita ko siya dahil sa bintana sa harap at bukas yung pinto. Naiiyak ako, hindi ko na napigilan at sunod sunod nang tumulo yung mga luha ko, sobrang sakit na makita siya nagkakaganyan, nahihirapan na siya pero gusto ko siyang lumaban para sa amin, ayokong iwan niya kami, hindi ko kayang mawala siya sa tabi ko.
"Yanni! Lumaban ka. Please? Wag mo akong iwan, kailangan kita" sabi ko, maririnig niya kaya yun? Sana.. Sana marinig niya yun, sana marinig niya yung mga pag-iyak namin para lumaban siya, para hindi niya kami iwan.
Lumabas na yung doctor kaya kaming lahat ay lumapit sakanya. Umiling siya... Hindi.. Hindi yun totoo, hindi pwede.
"Sorry, pero hindi na nakayanan ng pasyente" nung narinig ko yan, parang gumuho yung mundo ko. Mali lang yung pagkakarinig ko dba? Hindi yun totoo, hindi niya ako iiwan.
Pumasok ako sa room ni Yanni, at hinawakan ko siya sa mukha at hawak ko naman yung isa niyang kamay.
"Yanni! Yanni naman, gumising ka na. Dba magbobonding pa tayo? Sabi mo namiss mo ako, yung palagi tayong magkasama. Y-Yanni" medyo nagcracrack na yung boses ko dahil sa kakaiyak.
"Y-Yanni, wag mo akong iwan. Promise ko pag g-gumising ka, tatanggapin ko na h-hanggang magbestfriend na lang tayo. Magiging m-masaya na ako para sainyo ni Carl. Yanni naman, wag mo akong s-saktan ng ganito, sobrang sakit n-naman e" may humawak naman sa balikat ko, pero hindi ko ito pinansin.
"Pre" tinignan ko si Carl, may inabot naman siyang envelope sakin.
"Pinabibigay ni Yanni" sabi niya, ano namang laman nito?
"Tanggapin nalang natin na wala na siya, wala na tayong magagawa." sa sinabi niyang yun, naiinis ako.. Kwinelyuhan ko naman siya.
"Tanggapin? Ganun lang ba yun kadali?" sabi ko sakanya, tinanggal niya naman yung pagkakahawak ko sa kwelyo niya.
"Bakit? Akala mo ikaw lang ang nasasaktan?? Takte! Mahal na mahal ko si Yanni pero wala akong magawa, wala akong magawa para gumaling siya." ngayon ko lang narealize na umiiyak rin siya, pagkatapos niya yun sabihin ay umalis na siya. Kailangan ko na ba talagang tanggapin na wala na siya? Parang ang hirap naman, gusto kong makasama siya.