Stephen's POV
Alam niyo ba kung gaano kahirap tanggapin na wala na siya? Sobrang hirap... Sobrang hirap isipin na iniwan niya na ako. Ang hirap isipin na hindi ko na makikita yung ngiti niya na nagpapangiti sakin. Sabi niya mahal niya ako, pero bakit iniwan niya ako? Sabi niya ayaw niya akong masaktan, pero bakit nasasaktan ako ng dahil sakanya?
Kinuha ko yung envelope na binigay sakin ni Carl nung araw na yun, yung pinakamalungkot na araw para sakin. Kinuha ko yung letter na sinulat ni Yanni para sakin, ilang beses ko na bang binabasa yung letter niya para sakin? Halos araw-araw at gabi-gabi ko na itong binabasa pero ganun parin yung epekto sakin, ang sakit parin.. ang hirap parin tanggapin na wala na siya. Kakabukas ko palang ng letter, tumulo na yung luha ko. Takte! Bakit ba ang iyakin ko? Sinimulan ko nang basahin ito.
Dear Stephen,
Stephen... OYYYY! Paano ba ako magsisimula? Hmm. Hindi ko alam yung sasabihin ko sayo... Uhmmm. Sorry nalang kaya? Sorry Stephen, sorry talaga. Alam kong nasasaktan kita ng sobra.. Alam kong nasasaktan ka sa pag-iwas ko sayo dati, pero yun lang kasi yung naisip kong gawin para mawala yung nararamdaman mo para sakin, para hindi ka na masaktan ng sobra pagwala na ako.. Sorry rin kasi sinabi kong tutulungan kitang kalimutan si Mika pero nung minahal mo nga ako, iniwan naman kita. Bakit kasi ako yung minahal mo? Pwede namang iba dba? Naiinis ako sa sarili ko, kasalanan ko pala kung bakit mo ako minahal.. Sana.. sana magmahal ka na ng iba, pero sana wag mo akong kalimutan ha..
Alam mo bang mahal kita? Mahal na mahal kita, hindi si Carl yung mahal ko kundi ikaw... Ikaw lang naman ang minahal ko at mamahalin ko parin e.. Kaya Stephen, kahit wala na dyan ako sa tabi mo, kahit hindi mo na ako nakikita, tandaan mo na palagi kitang mamahalin at susuportahan kita kung saan ka masaya... Hoy ikaw Stephennnn! Maging masaya ka ha, ayokong masaktan ka.. Ayokong nasasaktan ka, naiintindihan mo ba ako? OYYY! Mahal kita Bestfriend <3
- Yanni
Basang basa na yung papel dahil sa kakaiyak ko, pero natatawa ako sa sarili ko.. Kahit ilang beses na itong nababasa, hindi parin nasisira kasi palagi ko itong pinapatuyo para mabasa ko ulit. Tinignan ko ung scrapbook na ginawa niya, puro pictures namin or kaya stolen shots ko. Binasa ko ung nakasulat sa last page.. "Mahal kita Stephen" pumikit ako, pero mukha niya yung nakita ko. Jong ina! Kaya ko pa bang magmahal ng iba? 10 months na siyang wala pero siya parin ung mahal ko.. Tinignan ko yung picture namin dalawa at ngumiti kahit masakit.. at sinabi ung mga katagang iyon..
"Mahal na mahal kita Yanni.. You'll always be my bestfriend"
---
Hey guyssssss! Tapos na ung IJHB :D Sorry po kung matagal akong hnd nagUD and kung hindi po sobrang ganda nung epilogue. Salamat po sa lahat ng nagbasa ng IJHB kahit hindi sobrang ganda nung story... Sana po supportahan nio pa ung on-going stories ko. Thank youuuuu, mahal ko po kayoooooo <3