Yanni's POV
Simula nung nalaman ni Stephen na may sakit ako, palagi siyang sumasama sa akin. Kung saan ako pupunta, nandun rin siya. Kahit sa bahay, pumupunta rin siya para icheck kung okay ba ako. Hindi ko siya tinataboy kasi alam kong hindi rin naman siya titigil. Aaminin ko, masaya ako na sobra siyang concern sakin. Syempre, sino ba naman hindi sasaya kung yung taong mahal mo ay may pake sayo?
Pero gusto ko siyang pigilan, ayokong lumala yung nararamdaman niya para sakin. Kaya minsan, tuwing magkakasama kaming tatlo nila Carl, nagiging sweet kami ni Carl sa isa't isa para masaktan siya. Ang sama ko talaga, pati si Carl dinadamay ko >.<
At ngayon, June 5 na, birthday ko ngayon at next week is 3rd yr. college na kami. Ang bilis ng panahon, parang kelan lang sobrang close namin ni Stephen pero ngayon hindi na masyado.
At dahil birthday ko, nandito kami sa isang beach resort na kami ang may ari. Lahat ng close friends koat mga relatives ko nandito. Pati si Stephen nandito, bestfriend ko parin naman yun e kahit parang hindi na. Napasigh naman ako.
"Oh? Bakit parang may problema ka yata?" tapos umupo siya sa tabi ko, nakaupo kasi ako sa buhangin.
"Wala, okay lang ako Carl. Si Stephen?" sabi ko naman sakanya.
"Nandun lang, kausap sila Patrick" sabi niya naman.
"Ahh, sige. Maglalakad lang ako ha" sabi ko tas tumayo na ako pero hinawakan niya ako sa kamay.
"Sasama ako" sabi niya tapos tumayo na rin siya.
"Wag na, dito ka nalang. Pag may naghanap sakin sabihin mo naglibot lang ako ha" tapos ngumiti ako sakanya.
"Okay, mag-iingat ka ha" sabi niya, nagnod naman ako tas naglakad na ako pero sumigaw siya.
"YANNI! TAWAGAN MO LANG AKO KUNG MAY KAILANGAN KA HA." sigaw niya.
"OPO!" sabi ko tas naglakad na ulit ako.
Habang naglalakad ako, nakaramdam ako ng pagod.
"Nakakapagod naman magentertain ng bisita" sabi ko sa sarili ko. Weird ba? Kinakausap ko yung sarili ko? Ganito talaga ako :)
Nung medyo malayo na yung nalakad ko, naglakad na ako pabalik pero biglang hindi ako makahinga. Ano ba naman? Wrong timing naman yung pag atake ng sakit ko e, nasa kwarto ko pa yung gamot. Tumigil na ako sa paglalakad tas hanggang sa magblurd na yung paningin ko.
Carl's POV
Hinihintay ko si Yanni na makabalik pero wala parin siya. Ang tagal naman nun? Nung makasalubong ko si Stephen, tinanung ko agad siya.
"Stephen, nakita mo ba si Yanni?" tanong ko sakanya.
"Yan nga rin yung tatanong ko sayo e, kanina ko pa kasi siya hinahanap" pagkatapos niya magsalita, tumakbo ka agad ako.
"YANNI" sigaw ko pero walang sumasagot.
"Shit naman! Nasan ka na ba Yanni?" tinawagan ko na siya ng ilang beses pero walang sumasagot. Nung nakita ko naman siya, lumapit kaagad ako sakanya.
"Yanni! Yanni" tas tinapik ko siya sa mukha pero hindi siya gumising kaya binuhat ko na siya.
"Yanni naman kasi e, dapat pinasama mo na ako sayo. Ano ba kasing pinaggagawa mo?" sabi ko kahit alam kong hindi niya ako marinig.
"Carl? Anong nangyare kay Yanni?" tanong ni Stephen nung nakita niya kami.
"Nakita ko nalang siyang walang malay, sabihin mo kanila tita na pupunta ako ng hospital" sabi ko tas inihiga ko si Yanni sa back seat.
"Sasama ako, tatawagan ko nalang sila tita" sabi niya tas sumakay narin siya sa kotse.
"Hello Tita... Opo, pupunta po kami ng hospital ngayon... Nawalan po kasi ng malay si Yanni... Sige po, bye" rinig kong sabi ni Stephen.
"Anong sabi ni tita?" tanong ko.
"Susunod nalang daw sila" sabi niya.
---
Vote and comment po ha. Malapit na talagang matapos. Hahaha :D