CHAPTER 14

630 4 0
                                    

MY ABUSIVE AND HEARTLESS MAFIA HUSBAND

CHAPTER 14- safety

//- THALIA'S POV-//

It's been hour passed.
Pero nakayuko akong nakagapos ang mga kamay ko sa isang bakal na rehas mula sa kwartong madilim na pinagkaladkaran sa akin.Pilit kong kinakalas iyon, pero tila niloloko ko lamang ang sarili kong makakatakas ako sa lugar na ito.

Madiin akong napapikit kasabay ng malakas na pagsipa sa isang upuan na nasa harapan ko, malakas itong nagpakawala ng ingay na dahilan ng pagpasok ng isang lalaking kunot na kunot ang noo.

"Hoy! Ano problema mo!" Sigaw na tanong niya ng nagmamakaawang tumitig ako sa mga mata niya.

Gusto kong makatakas sa lugar na ito...ayokong masaktan at mawala ang batang nasa sinapupunan ko.

"Pakawalan nyo na ako, parang awa nyo na!!...sige na pleasee...please maawa naman kayo sa akin" sambit ko ng pagak niya akong tinawanan.

"Maawa? Hindi uso ang awa sa ganitong patakaran iha! Ang mas mabuting gawin mo, ipagdasal mong susunduin ka ng magaling at mayabang mong asawa" sambit nito na ikinalukot ng mukha ko.

Susunduin?
Pagkatapos ng mga salitang binitawan nya?! Magagawa ba nya akong iligtas! Damn it no! Isa siyang demonyo, a heartless a abusive...kaya imposible, baka nga nagsasaya si Caden ngay0n na hindi na sya mahihirapan pang saktan ako!!.

"Bakit ako pa! Bakit sa dinami dami ng tao bakit ako nalang palagi?!..pakawalan nyo ako dito!!" Pagwawala ko sa lakas ng sigaw ko, malakas na paghablot sa buhok ko ang ginawa nito at saka ako dinuro.

"ANG INGAY MO AH! GUSTO MO BANG MASAKTAN HA!!..TSNGINA KA NAKAKARINDI" singhal nito ng mariin akong napapikit sa biglang pag amba nito ng sampal sa mukha ko, pero hindi iyon nagawang ituloy ng malakas at biglang bumukas ang pintuan.

"PAKAWALAN MO YAN!!..MAY MGA GRUP0NG PAPARATING" saad ng isang kasamahan nito na ikinanlaki ng mata ko.

"ANO?!"

"SINUGOD AT PINASOK TAYO" saad pa niya ng biglang naglabas ng baril ang lalaking nasa harapan ko, nanlaki ng bahagya ang mata ko sa kaba ng itinutok nito sa akin ang baril na iyon.

Malakas na kumabog ang dibdib ko sa mga sumunod na nangyari...malakas na pagtawa kasabay ng pagkalas nya sa tali sa kamay ko, pero nagkaroon ako ng tsansa sa oras na iyon ng sinipa ang pang ibaba nito at inakmang takasan siya..

But i was f*cking wrong!!..hindi ako makakatakas sa lugar na ito ng wala akong kahit na anong galos na matatamasa, isang baril ang tumutok sa mukha ko, isang lalaking nakabonet ang humarang sa akin mula sa pintuan na ikinanlaki ng mata ko.

"W-wag! Please wag" saad ko ng itaas ko ang kamay ko pero malakas ding umalingawngaw ang putok ng baril na tila ikinabagsak balikat kong ikinaupo mula sa sahig dahil sa takot.....isang putok ang kumawala sa baril niya at namatay ang lalaking nasa likuran ko.

Pero....
Ang lalaking nakabonet na iyon ay biglang tinalikuran ako at walang pakundangang mabilis na umalis bago dumating ang mga pulis na ipinagtaka ko, nakatakas at nakawala ako sa lugar na iyon ng ligtas.....
Pero hindi ako pinalaya, bagkus...inihatid ako sa mansyon ni Caden Ramos Montenegro my husband.

Nangangatog ang tuhod kong dahan dahan na naglakad sa mansyon na iyon ng umawang ang labi ko, halos mangiyak ngiyak ako sa mga nakita ko kung paano siya nakaupo sa sofa...while kissing her girlfriend in my front...parang dinurog ang puso kong napakagat labing napatitig sa kaniya.

"WHAT THE F*CKING YOU STARING" isang boses na kumawala sa kaniya ng tumingin siya sa akin.

"C-caden....i...i was kidnapped" sambit ko sa garagal na boses ng pagak niya akong tinawanan, walang anumalyang tumay0 ito at saka ako inangasan na sininghalan.

"At ano naman?!..."

"I.....i thought y-you can....sa~" hindi ko pa man nagawang ituloy ng magsalita siya.

"I will save you ganun? The hell...bakit kita ililigtas? Sino kaba??...can you please stop that drama, hindi ka naman namatay diba!!...tsk! Umalis ka sa harapan ko" asik na singhal niya ng talikuran niya ako.

"K-kahit katiting lang na awa wala ka?! Wala kaba talagang puso caden?!...g-gugustuhin mo talagang mamatay ako noh!!...bakit hindi mo palang gawin yun ngayon? Yung minsanan lang yung sakit sa dibdib" saad ko ng napalunok siya.

"U-umaasa ako....a-akala ko kase....ililigtas mo ako eh, akala ko....kahit awa manlang meron ka, pero wala eh...ang tigas ng puso mo" saad ko napabuga ako ng hangin at pumasok sa kwarto kong nanghihinang napabagsak sa kama.

Nagtagal akong nakatitig sa kisame...hanggang sa napaisip ako sa lalaking nakabonet kanina...

Who's that man.
Kahit mga mata niya hindi ko nakita, because he is wearing an black eye glasses.

_______

//-CADEN'S POV-//

Sinundan ko siya ng tingin kung paano nanghihina ang katawan nyang umakyat sa hagdan, saka ako napatingin sa babaeng nasa sofa na ngay0n ay inaakit pa ako sa mga titig niya.

"Caden, let's contin~" hindi nito nagawang ituloy ng inis kong hinagis ang unan sa pagmumukha niya.

"Get out" asik ko ng biglang naging masama ang titig nya.

"What?! Pagkatapos mo akong madaliin na pumunta dito to have s*x with you tapos papalayas~" hindi nito natuloy ng inis akong napahilamos sa mukha ko.

"You f*cking heard me right! Get out...kung ayaw mong kaladkarin kita palabas!" Saad na pagbabanta ko ng irapan niya ako.

"Caden what the f*cking you problem ha! Nasisiraan kana ba ng ulo...kanina nagmamadali ka dib~" asik nito.

"Kanina yun, nawalan na ako ng gana ngayon...now get out" saad ko pa ng itinulak ko siya palabas sa pintuan.

Nang makita kung wala na siya, inis akong napaupo sa sofa at malakas ding bumuga ng hangin na napatitig sa kawalang pinunasan ang labi ko. Wala akong ganang napatingin sa hagdan ng makita ko si Manang.

"Manang" tawag ko sa kaniya.

"Sir bakit po?" Tanong nito ng napakamot ulo ako.

"M-magluto ka ng...."

"Nang ano sir?"

"Thalia's favorite!!" Saad ko saka tumalikod ng biglang lumingon ulit...

"Ako ang magdadala, call me if the food is ready" saad ko pa bago tuluyang naglakad sa hagdan para pumunta sa taas.

Pumunta ako sa malapit na kwarto kung saan si Thalia, at napahinto ako kung paano narinig ang paghagulgol nito....hanggang sa nagtungo ako sa kwarto ko at hinubad ang damit ko, tumambad sa harapan ko ang sariwang sugat na mula sa tagiliran ko dahil sa tama ng baril na iyon kanina...damn it!!..

I was saved her.

Pero wala akong balak ipaalam iyon, at walang dapat na maka alam....

Kumuha ako ng alcohol mula sa katabing kama at walang anumalyang nagtungo mula sa banyo para gamutin ang sugat na iyon, hindi ko magawang pigilan ang pagsigaw dahil sa sakit...pero tsngina!!..

Hindi pa ako tapos sa grupong 'yon.

Nanlilisik ang mga mata kong napatitig sa malaking salamin kasabay ng kakaibang mapang asar na pagngisi....

TO BE CONTINUE

MY ABUSIVE AND HEARTLESS HUSBAND Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon