CHAPTER 2

1.1K 14 0
                                    

MY ABUSIVE AND HEARTLESS MAFIA HUSBAND

CHAPTER 2

//-THALIA'S POV-//

KINABUKASAN:

"Naku iha, ang dami mong pasa. Hindi kaba nagsasawa sa pananakit ng asawa mo sayo, tignan mo ang sarili mo" saad ni Manang ng tignan ako nito.

Hindi ko iyon pinansin dahil tila gutom na gutom ako.Ayokong maabutan ako ni Caden sa ginagawa ko, dahil siguradong sasaktan na naman niya ako.

"Mahal mo ba si Sir Caden?" isang tanong dahilan para matigilan akong ngumuya ng pagkain.

Animo'y namanhid ang katawan kong napatingin sa tatlong kasambahay na nakatitig lang sa akin.

Kung paano nila nasasaksihan ang pagka martir na meron ako.

Paano ko ba sasabihin na hindi.

Na hindi ko siya mahal, na napilitan lang akong magpakasal sa kaniya.

Pero paano?!..

Kung alam ko sa sarili ko na si Caden Montenegro ang pangarap kong lalaki noon na mapasa akin, samantalang ngayong asawa ko na siya ay nagbago ito.

Sa kabila ng gwapo at maamo niyang mukha, isa siyang demonyong handang patayin ako sa sakit at pagpapahirap niya.

Madiin akong napasinghap ng hangin at saka hindi nagawang magsalita, at sa ilang minuto lang...nagmamadali akong bumalik mula sa kwarto.Naluluha kong tinitigan ang nagkalat na basura mula dito, ang alikabok....at ang dumi ng kwarto.Nasa isa akong kulungan, kulungan na kung saan ako palaging ginagawang tila basurahan nang mismong asawa ko.

Nanginginig ang kamay kong madiing hinawakan ang braso ko na ngayon ay may malaking sugat sa ginawang pagtusok ng karayom ni Caden kahapon.

He is my jealous husband.

Ayaw nyang may kung sino sinong lalaki ang lumalapit sa akin, sobrang higpit niya....at kahit anong salita ang sabihin ko, hindi niya ako magawang pakinggan.

He really obsessed in me.

No, hindi sa akin...kundi sa katawan kong ayaw nyang mabitawan.

It's already 9am in the morning, kaya naman nang wala pa si Caden. Nagpasya akong lumabas muna ng mansyon at pumunta sa opisina niya para dalhan siya ng pagkain.

Yung paborito niyang ulam na alam kong magugustuhan niya...abot langit ang ngiti ko, hindi ko rin magawang sisihin ang mga magulang ko kung bakit ako napunta sa ganitong sitwasyon, dahil unang una...ako rin ang nagdiin na maikasal kaming dalawa ni Caden.

Nang makasakay ako sa taxi, ramdam ko ang lakas ng kabog nitong dibdib ko. Pero nakakunot lang ang noo ni Manong na bahagya kong tinaasan ng kilay.

"M-manong bakit ganyan po kayo makatingin? May prob~" hindi ko ito nagawang ituloy ng magsalita siya.

"Maam, ang dami nyo pong pasa...may sakit po ba kayo?" Tanong nito na ikinanlaki ng mata ko, mabilis kong tinakpan ang ilang red mark ko mula sa leeg hanggang sa braso saka iniwasan siya.

Kaya nang makarating sa gusali ni Caden, mabilis din akong nagbayad at lumabas...kabang kaba ang dibdib ko papasok sa opisina nya, ngayon ko lang din naisipan na bumisita sa kaniya dahil busy ako sa pag aaral ko.

"Hi good morning?" isang babae ang sumalubong sa akin.

"Ah...m-miss...for Caden Montenegro" sambit ko ng kinunutan nya ako ng noo at tinignan mula ulo hanggang paa.

"Ahh...this way po, by the way do you have any appointments for him..." tanong nito na ikinailing ko.

"I-...i just want to visit my husband" salita ko ng tumaas ang kilay nya.

MY ABUSIVE AND HEARTLESS HUSBAND Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon