CHAPTER 44

506 3 0
                                    

MY ABUSIVE AND HEARTLESS MAFIA HUSBAND

CHAPTER 44

//- THALIA'S POV-/

"HOW DARE YOU! MALANDI KA TALAGA!! ALAM MO, KAHIT ANONG TAAS PA NG NARATING MO, KAHIT ANONG GANDA PA NG MUKHA MO! HINDING HINDI KANA BABALIKAN NI CADEN, AT ANG MAS MASAKIT?? HINDI KA MAGKAKAROON NG ANAK NA KAGA~" hindi nito nagawang ituloy ng bigla akong tumawa ng pasinghal bago nagsalita.

"Tssss.. Baka mabaliw ka sa mga sasabihin ko?" panghahamon ko na ikinakunot noo niya.

"Na ano?? Na nilalandi mo si Caden para bumalik sayo? Ah the hell kawa~". Hindi nito natapos ng magsalita ako.

"No! Hindi ako ang lumalandi eh!! Tsss kung ikaw at ako...sa tingin ko ikaw ang mas kawawa, dahil hindi ka naman mahal ni Caden eh, you know what? Kung nasaan sya kagabi??.." saad ko ng napakunot noo siya.

"Nasa bahay ko! Dinaramdam ang malakas na ulan at nagmamakaawa na kausapin ako at bumalik sa kaniya" gigil na sabi ko ng tumawa siya.

"Bumalik sayo? Tsk! Kapal din ng pagmumukha mo, sinungaling ka..ambisyosyang palaka!!" sambit nito ng tumawa lang ako at umirap.

"Ayokong magsayang ng laway sayo! Bakit kaya hindi mo tanungin si Caden?? Pero teka nasaan nga pala sy~" hindi ko nagawang tapusin ng lumapit si Jackie.

"Maam Thalia, hindi po makaka attend si Sir Caden sa board meeting dahil nilalagnat daw po" sabi ni Jackie na tinanguan ko, muli kong sinulyapan si sam.

"See?" Saad ko saka siya tinalikuran.

Nang makapasok ako sa opisina ko, halos sumabog ang pagtawa ko sa ilang hibla ng buhok na nasa kamay ko.

Tsk! Sarap nyang kalbuhin.

Nilabas ko ang cellphone ko at tinawagan si Yra.

"Bhest, anong balita??" tanong nito.

"May hawak na ako na magagamit kay Sam!...ako na mismo ang lalakad sa ospital para dalhin ito, i need to know the truth" saad ko pa bago iyon pinatay.

Pero bago ako naka alis, nagkaroon muna ng board meeting para sa gagawing bagong project nitong business, at ayun hindi natapos ang alitan namin ni Sam dahil bida bida siya sa mga sinabi ko..tsss.

"This meeting is now closed, you may now leave" utos ko sa malamig na boses, akmang lalakad ako ng makita ko si Sam na nanlilisik sa aking na nakatitig.

"What! Ano na namang trip mo?" Asik ko.

"Ang tsnga mo talaga noh! Ang oa mong humawak ng negosyo, for your information hindi basura tong business para gawin mong chaka na kagaya mo" singhal niya ng naningkit ang mata kong mapait na ngumisi.

"Ano bang pinuputok ng butchi mo??..tsss...Ano sam??galit ba yan sakin o selos?!" Natatawang tanong ko ng gigil niya akong tinalikuran.

Mabilis na rin akong nagtungo sa ospital para dalhin ang mga kailangan kong ipatest, kasama ko si Yra.

"Kelan po namin pwedeng makuha ang resulta doc?" Tanong ni Yra sa doctor na nasa harapan namin.

"Matagal ang proseso ng Dna! Pero sa oras na matapos na namin ito, tatawag kami kaagad" sabi nito na tinanguan ko lang.

Pagkalabas mula roon napakunot noo akong napatitig sa kawalan ng dahil sa inis sa dibdib ko.

"Hindi ko na mahintay kung ano ang magiging resulta" saad ko pa.

"Bhest, tumawag ka sa akin kagabi diba?so anong nangyari??..." tanong ni Yra na bahagya kong ikinaseryoso ng mukha.

Naalala ko kung anong ginawa ni Caden that night na hindi nagpatulog sa akin, na hindi pa nga kami hiwalay at kasal pa kami.

Pero paano si Drex?

Ayoko siyang masaktan, ayokong maramdaman nya kung paano ang lokohin

Pero paano si Caden??!..

Shit...gulong gulo na ang isip ko, dahil tila hindi ako makapaniwala ngayon na nasa ganito akong sitwasyon, na kailangang timbangin kung sino ba sa kanilang dalawa.

Mahal ko si Drex, masaya ako sa lahat ng ginawa niya.Pero mahal ko si Caden, dahil siya ang unang lalaking minahal ko...Pero sino ba sa kanila??..

Dahan dahan akong naglakad palabas mula sa ospital ng magring ang cellphone ko, kaya ko ito sinagot.

"Who's this" masungit ang bungad na salita ko.

"Love, it's me" bungad na salita ni Drex mula sa kabilang linya na kinunutan ko ng noo.

"D-drex!!..Hi, how are you?" tanong ko pa.

"Can i see you?" tanong nito ng tumaas ang kilay ko.

"Ha? W-why??..may problema ba?" Tanong ko pa.

"Gusto lang kitang makita, please Thalia! Nasa condo ako punt~" hindi pa man nito nagawang tapusin na magsalita ng nawalan ako ng cignal dahilan para maputol ang linya.

"Oh shit" pagmumura ko saka lumakad para maghanap pero wala talaga!!..hanggang sa mapatingin ako kay Yra.

"Sino ba yun?" Tanong nya.

"Si Drex tumatawag" saad ko ng nagkacignal ako, akmang ididial ko ang numero ni Drex ng nag pop up nalang bigla sa screen ang unknown number na kinunutan ko ng noo.

Hindi ko sana sasagutin 'yon ng naka dalawang beses nang nagriring

"Hello? Who's this" saad ko.

"H-hello....T-tita Thalia" bungad ng isang boses ng bata na ikinanlaki ng mata ko.

It was Anica.

"Anica??...hey how are yo~".

"Tita...si daddy po k-kase....nilalagnat siya, and he said...t-tawagan daw po kita" sambit nito ng tumaas bigla ang kilay ko.

"W-what??...Baby, I'm busy...si Mommy mo nalang ang taw~".

"Tita Please...he needs you po" pagmamakaawa nito ng napatingin ako kay Yra na kumibit balikat.

"O-okay...i will" sambit ko bago ibinaba iyon.

"Pupunta ka?? Paano si Drex, Thalia may boy~" hindi nagawang tapusin ni Yra ng magsalita ako.

"Yra, bata yung kausap ko! Isa pa...bibisita lang ako, gusto ko rin makita si Anica" salita ko ng bigla siyang napailing iling sa naging desisyon ko.

Nagpaalam na ako kay Yra at mabilis na pinaharurot ang sasakyan papunta sa village ng Montenegro.

Hindi na nagulat ang ilang kasambahay dahil kilala na rin naman nila ako.

"Where's Anica?" Tanong ko.

"Maam, nasa kwarto po ni Sir Caden.." salita nito na tinanguan ko lang.

Alam ko na ang pasikot sikot sa bahay na ito, kaya nang lumakad ako dumiretso ako sa kwarto dati ni Caden, dito ko nakita si Anica na nakatitig lang kay Caden na nagpangiti sa akin.

"T-titaa" tuwang tuwang sambit nito ng yumakap siya sa akin.

"How's your daddy?" Tanong ko.

"Nilalagnat po! At ayaw nyang kumain at uminom ng gamot" nguso ni Anica na ikinakunot noo ko.

"Sige na baby, ako na bahala sa kaniya ha" salita ko ng umalis na ito sa kwarto, napatingin ako kay Caden na nakabalot lang ng kumot na tinaasan ko ng kilay.

"Bakit ako pa pinatawag mo? Andyan naman si Sam bakit hindi nalang sya?!..Saka bakit hindi ka kumain at uminom ng gam~" hindi ko nagawang ituloy ng maramdaman ang biglang paghawak nito sa kamay ko, sobrang init nito na ikinakunot noo ko.

"Ang init mo" saad ko.

TO BE CONTINUE

TEAM DREX OR CADEN?!

MY ABUSIVE AND HEARTLESS HUSBAND Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon