CHAPTER 60

804 2 0
                                    

MY ABUSIVE AND HEARTLESS MAFIA HUSBAND

CHAPTER 60

//- SAM'S POV-//

"Impokrita kang babae ka, buhay kapa at nagpapakita kapa talaga sa akin ha! Pagkatapos ng mga ginawa mo sa buhay ng bestfriend ko" asik ni Yra ng makalapit ako sa kaniya.

Inis akong umirap at walang pakundangan na hinarang siya sa daraanan nito.

"We need to talk" sambit ko ng singhalan niya ako.

"At para saan pa Sam ha?!.Para sabihin na iurong namin yung kaso sayo? Oh my ghost no way! Mabulok ka sa kulungan kasama ang mga hangal na tao" saad nito ng akmang maglalakad ng higitin ko ang braso nito, muntik nitong sampalin ang mukha ko ng inunahan ko siyang gawin iyon dahil sa inis.

"You can't f*cking slap me" singhal ko.

"Araaayy...hayop ka talaga, yung pisngi ko" pag iinarte nito ng umirap ako

"Hindi ako nagpakita sayo para gumawa ng kagagahan, gusto kitang makausap about your bestfriend. Alam ko kung nasaan sya" saad nito.

"Malamang nasa kabaong" sambit nito ng pagak akong natawa.

"Iyon ang pagkakamaling akala niyo. Hindi pa patay si Thalia" salita ko ng pagak siyang natawa at itinulak ako.

"Siraulo kaba! Alam mo katulad mo si Caden noh! Nasisiraan ng ulo, siguro dahil na rin sa dami ng kasalanan nyo sa kaibigan ko" pag irap niya ng magsalita ako.

"Hindi pa sira ang ulo ko, buhay si Thalia...at alam ko kung nasaan siya, hawak sila ng isang babae kasamang bihag dito si Caden" salita ko ng nangunot ang noo niya.

"Hay naku Sam, baliw kana" salita nito ng tuluyang lumakad papalayo ng napangisi ako.

"Hindi kaba nagtataka? Bakit hindi pinayagan ng doctor na makita ang mukha niya??..dahil hindi siya si Thalia, dahil hindi pa patay si Thalia...tingin mo ba haharap ako dito ngayon para lang magsabi ng walang kwentang bagay without knowing na pinapatarget nyo ako sa mga pulis?" salita ko ng hinarap niya ako.

"Pwes, nasaan siya" tanong nito.

Hindi ako nagdalawang isip na lumapit sa kaniya at ngumiting napaasik.

"Sa isang kondisyon" salita ko, tinaasan niya lang ako ng kilay. "Iurong nyo ang kaso laban sa akin" dagdag ko saka inilahad ang kamay ko sa harapan niya.

"Basta siguraduhin mong totoo ang sinasabi mo" sambit nito ng pumayag siya.

_______

//-THALIA'S POV-//

Sobrang dilim ng paligid pero rinig na rinig namin ang malakas na ingay ng tatlong lalaki na nasa labas ng pintuang abala sa pagsusugal kasabay ng pag iinom ng alak.

Napasinghap ako ng hangin at saka nagpupumilit na makawala sa pagkakatali sa kamay ko, hanggang sa...

"Are you hungry?" seryosong tanong ni Caden ng umirap akong napa asik.

Nakatali kaming dalawa at magkatalikod.

Kaya hindi ko makita ang mukha niya.

"Walang kwenta kung mabusog ako, ang kailangan nating pag isipan ay kung paano tayo makakatakas dito" salita ko ng tumawa siya.

Tsk, napaka siraulo.

Ano bang nakakatawa sa sinabi ko!?.

"You know what, akala ko talaga patay kana...akala ko iniwan mo na kami, si Yra iniyakan ka niya, sinisisi niya ako kung bakit ka nawala sana lang daw ako nalang namatay..." salita nito ng nanahimik akong gustong pakinggan ang mga salita niya.

"Sana nga ako nalang, sa dami ng kasalanan ko sayo sana ako nalang...Hindi ko pinatay ang anak ni Roxie, nilayo ko lang ang bata sa kaniya dahil wanted sya sa paggamit ng pinagbabawal na gamot...she's a part of sendicate" sambit nito ng nangunot ang noo ko.

"Kung hindi patay ang bata, nasaan sya??" Tanong ko.

"Nasa bahay ampunan" salita ko.

"Kailangan ni Roxie na malaman na buhay ang anak niya, baka sakaling pakawalan nya tayong dal~" hindi ko nagawang ituloy ng magsalita siya.

"You don't know her..hindi mo alam kung anong kaya niyang gawin, i hurt her...minahal niya ako at nilaro ko yung pagmamahal na yun kasi sabi ko, i never be serious about love...until you came" sabi nito nang natigilan ako.

"Inako ko yung bata sa sinapupunan niya kahit alam kong hindi ako ang ama, pero nung nagkaroon ng pagkakataon na maikasal ka sa akin...iniwan ko lahat, kinalimutan ko lahat dahil mahal kita" sabi niya.

"Mahal??...Anong klaseng pagmamahal Caden? Bakit ang sakit mong magparamdam ng pagmamahal" sambit ko ng magsalita siyang umihip ng hangin.

"Because i need to do that" salita nito ng pagak akong natawa.

"Walang kwenta yung pagmamahal mo"

"Pero malaki ang kwenta mo sa buhay ko, wala kang alam sa nararamdaman ko right? Dahil ang tumatak sayo yung pagiging heartless ko, isang asawang walang kwenta...pero sa totoo lang, mas masakit na saktan mo yung taong mahal mo...minahal kita sa paraan na alam ko Thalia, minahal kita ng palihim, minahal kita kahit ilang ulit kong sabihin sa sarili ko na hindi pwede" salita nito.

"Tungkol kay Anica, niligtas ko s~".

"Inilayo mo siya sa akin, kasi gusto mong angkinin~".

"Give me a chance to explain please." Salita nito ng nanahimik ako.

"Masakit sa akin yun, kasi alam kong magagalit ka sa oras na malaman mo...but i didn't haven't choice to do that" saad nito ng bigla itong pumiyok sa pagsasalita, ramdam ko ang likuran nitong tila bahagyang gumalaw na ikinaawang ng labi ko.

T-teka...umiiyak ba sya?!.

"Minahal kita Caden, ginawa ko lahat sayo...nung mga oras na nagmamakaawa akong tama na, nakinig kaba?ni minsan ba naawa ka? Hindi diba??" Salita ko.

"Kapag ba ako yung namatay, mapapatawad mo ba ako?" tanong nito na ikinanlaki ng mata ko, animo'y namanhid ang buo kong katawan na napatulala sa kawalan.

Hanggang sa~..

"PSSST...CADEN, THALIA" isang pagsipol mula sa gilid ang kumawala dahilan para pareho kaming mapatingin ni Caden dito.

And it was Yra.

Bahagyang nanlaki ang mata ko ng ngumisi siya at kasabay nito ang ilang putukan na kumawala sa labas.

"Ano yun" tanong ng isang lalaki na narinig ang pag alingawngaw na iyon kaya agad silang tumayo pero napaawang ang labi ko ng isang pagputok ng baril ang kumawala sa kanila at napahandusay ito sa harapan namin.

"Drex, you're here" ngisi ko.

"Tsss" asik ni Caden ng lumapit si Yra at pinapakawalan ako sa pagkakatali ko nang biglang...

" AKALA NYO MAKAKATAKAS KAYO, F*CKING NO WAY MAMAMATAY MUNA ANG ISA SA INYO AND THAT'S YOU" turo ni Roxie ng iamba nito ang baril sa akin, mariin akong napapikit para saluhin ang putok ng baril na iyon..

Malakas na umalingawngaw....pero wala akong naramdaman kaya dahan dahan akong napamulat ng mata ng makita si Caden sa harapan kong may tama ng baril.

"C-caden" garagal na saad ko.

TO BE CONTINUE

MY ABUSIVE AND HEARTLESS HUSBAND Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon