MY ABUSIVE AND HEARTLESS MAFIA HUSBAND
CHAPTER 30:
//- THALIA'S POV-//
Kakaibang ngisi ang kumawala sa labi ko ng makita ang mga mata ni Caden na nakatitig sa mga kamay kong nakahawak kay Drex.
Nag uusap sila tungkol sa kompanya kung paano ito patatakbuhin.
Pero...ang mga mata niya ay hindi nito maiwasang mapatingin sa akin.
It's been a year...
Yes a f*cking years..
Pero nandito pa rin sa dibdib ko yung sakit at kirot nung mga panahon na iniwan niya ako, nung bagsak na bagsak ako at sumama siya sa iba.
Nung namatay yung anak ko na tila wala siyang pake elam...
Pero bakit! Bakit sa kabila ng paghahanda kong maging matigas sa harapan niya, hindi ko maiwasang sumikip ang dibdib ko ng makita ang singsing sa daliri nito.
Ibig bang sabihin kasal na sila ni Sam?
At yes...may anak sila...
Samantalang 'yong anak namin namatay siya.
Napasinghap ako ng hangin ng maramdaman ang pagpisil ni Drex sa kamay ko, napabalik ako sa reyalidad at mapait na napangisi.
Hindi na ako magiging marupok...
Iyan ang naging litanya ko...
Pero ang totoo...nasasaktan pa rin ako.
"So...gaano na kayo katagal?" isang seryosong salita na kumawala sa labi ni Caden na ikinaawang ng labi ko.
Hindi ko inaasahan na tatanungin nya iyon
Bakit? Anong pake niya?.
"M-matagal na..." saad ko saka pilit na ngumiti sa harapan niya.
"Sobrang tagal na namin ni Thalia...at balak ko na talaga syang pakasalan para naman hindi na siya maagaw ng iba" saad ni Drex ng pagak na tumawa si Caden na ikinakunot noo ko.
"Ikaw naman yung mang aagaw diba?" Asik na salita nito ng napataas ang kilay ko sa sinabi niya.
"Matagal na kami...at gusto na naming magkaroon ng pamilya, lalo na ang magka anak" salita ko ng tila may kung anong bahid ng sakit sa mga mata ni Caden ang dumaan bago nagsalita.
"Ganun nalang yun? Magkaka anak kayo??.." saad nito ng biglang napakunot noo ako.
"Ilang taon palang ang nakalipas simula ng namatay yung a-anak...natin diba?" Saad ni Caden ng tila nanlisik ang mga mata kong napatitig sa kaniya.
"Anak ko! Caden anak ko lang sya...at ang lakas naman ng loob mong sabihin na ilang taon lang? Ano tingin mo sakin?na madali lang makalimot sa sakit na pinagdaanan ko? Oh the hell are you??..samantalang kakamatay nya lang nung umalis ka at sumama kay sam!" Singhal ko ng madiin siyang napalunok.
"I have a reason to do th~".
"Reason. Tsnginang reason yan Caden! Anak ko yung namatay...a-akala ko may kwenta kang ama pero wala...para akong mababaliw sa sakit nung nawala siya samantalang ikaw??anong ginawa mo? Ha??..sumama ka kay Sam sa ibang bansa para panagutan yung pinagbubuntis niya diba...yun ang walang kwentang rason mo"saad ko ng bigla nalang tumulo ang luha sa mga mata ko ng hindi ko inaasahan.
Napatingin ako kay Drex ng bigla niya akong hinawakan sa kamay at hinila papalayo mula roon
At pagdating sa kotse...hindi ko naiwasang tuluyang mapahagulgol..
"Hindi mo dapat ipakita na mahina ka sa harapan niya..." saad nito ng napatigil ako.
"P-paano ko pipigilan? Kung sa bawat salita nya parang sinasabi nya ang dali lang para sa akin? Samantalang siya...ilang araw lang umalis na siya" saad ko ng naramdaman ko ang pagharap ni Drex at pinunasan ang luha sa pisngi ko.
"Hayaan mo siyang sabihin kung anong gusto niya...kilala mo ang sarili mo! All you need to do is to make him suffer...gantihan mo siya sa paraan na alam mo! Dahil kahit anong iyak at paliwanag mo, sarado ang utak niya para pakinggan ang daing mo" saad nito ng napatitig ako sa kawalan.
^_________^
//-CADEN'S POV-//
Napatulala akong sinundan ng tingin ang paglabas ni Thalia at Drex mula sa restaurant.
I never expect that happened.
Pero animo'y may kung anong kirot sa dibdib ko kaya bahagya akong napaupo at napatitig mula sa kawalan.
Ako dapat yun...
Madiin akong napayukom sa kamao ko ng makita nalang bigla ang isang maliit na bag sa kinauupuan kanina ni Thalia, kaya halos magmadali na rin akong lumabas para ihabol ito.
Hanggang sa...
Nakita ko ang kotse ni Drex, dahan dahan na bumagal ang paghakbang ko ng naninikip ang dibdib ko sa nakita ko...
Ang paglapit ni Drex para pigilan ang luha ni Thalia, ang kung paano ito patahanin sa pag iyak niya.
I know...
She didn't deserve me...
At alam kong hindi na maibabalik yung dati...
Pero bakit ako nasasaktan ngayon na hawak na siya ng iba.
Napatulala lang ako ng bigla akong napakunot noo ng unti unting tumatakbo ang kotse nila papalayo...
Naging mabagal ang tibok ng dibdib kong unti unting napatitig sa kawalan hawak ang bag ni Thalia.
"Sir...hindi pa po kayo nakabayad" saad ng humahabol sa akin na staff mula sa restaurant na iyon na tinanguan ko.
Nang makabayad ako...iniwan ko nalang yung bag doon baka sakaling balikan nila...
TO BE CONTINUE
BINABASA MO ANG
MY ABUSIVE AND HEARTLESS HUSBAND
Roman d'amourmagagawa mo pabang mahalin ang taong tila ginawang impyerno ang buhay mo.