CHAPTER 31

709 5 0
                                    

MY ABUSIVE AND HEARTLESS MAFIA HUSBAND

CHAPTER 31-

//- THALIA'S POV-//

"Kung gusto mong magtagumpay sa plano mo dapat alam mo ang unang rules sa gagawin mo...wag mong ipakita sa harapan nila na mahina ka, na lampa ka pa rin tulad ng dati. Tandaan mo Thalia taon na ang nakalipas at dapat ipamukha mo na hindi kana apektado sa mga salitang lumalabas sa bibig nila" saad ni Drex ng huminto ang kotse nito sa tapat ng bahay ko.

Bahagya akong napatango ng mapait akong kumawala ng ngisi sa kaniya.

"Thankyou" usal ko ng bigla itong napataas noong pinisil ang kamay ko na hawak pa rin nito hanggang ngayon.

"I will do everything for you. Pwede mo akong gamitin kahit kelan mo gusto" usal pa nito ng bigla akong napaiwas ng tingin sa pagtitig nito sa mga mata ko.

Ramdam ko Drex.

Ramdam na ramdam ko, pero hindi pa ako handa para makipagrelasyon sayo.

Napabitaw ako sa kamay niya at walang pakundangan na mabilis bumaba sa kotse nito.

"S-sige na umuwi kana...." saad ko pa ng napasinghap ito ng hangin na ngumiti.

"Okay, tawagan mo lang ako kapag may kailangan ka..dahil kahit ano pang ginagawa ko sa mga oras na yun, handa akong iwanan para sayo" saad nito saka mabilis na pinaharurot ang kotse papalayo sa village.

Nang makapasok ako sa bahay..nadatnan ko mula sa sala si Yra na nakangiting sumisimsim ng kape, mapang asar ang tingin nito kaya ako napairap.

"Hoy! Ano na namang ngiti yan" asik ko.

"Ano kayo naba??" Tanong niya.

"Hala...anong pinagsasabi mo" asik ko ng umupo ako sa sofa.

"Sus indenial..alam mo kung anong pinagsasabi ko, halata naman na may gusto si Drex sayo eh...so ano? Keri mo bang mahalin siya?" Tanong nito ng tila namanhid ang katawan kong napatigil sa tinanong niya.

"H-ha? Yra kilabutan ka nga sa sinasabi mo...kung ano man relasyon namin ni Drex, parte yun ng plan~" hindi ko nagawang ituloy ng magsalita sya.

"Oo nga bhest...parte yun ng plano, pero para kay Drex parte pa rin ba yun? First of all alam natin pareho na may gusto siya sayo, so ano hindi kaba naaawa na nagagamit mo yung nararamdaman nyo to take you revenge from your ex husband?" Salita nito ng natigilan akong napailing iling.

"Gaya ng sabi ko...it's all part of the plan" salita ko pa bago naglakad papunta sa kusina.

_______

//-DREX'S POV-//

Mabilis ang naging pagpapaharurot ko ng kotse pero hindi ko maiwasang pigilan ang lakas ng kabog sa dibdib ko.

Tsngina..
Kinikilig ako yes!.Damn it, hindi ko alam pero nakakabakla pala kapag nahawakan mo na yung kamay ng taong gustong gusto mo.

Para akong mababaliw sa saya.

Madiin akong napapikit kasabay ng pagbigla kong preno ng makita si Sam at Caden sa harapan ng mansyon ng bahay namin.

Tsk...

Hinatid nya pa talaga yung kapatid ko.
Mabilis akong bumaba sa kotse ng nakita kong nakapasok na si Sam.

Nanlilisik matang napatingin si Caden sa akin ng pagak nya akong tinawanan.

"Where's Thalia?" tanong niya ng ako naman yung tumawa.

"Hinatid ko na! Ikaw bakit nandito ka" inis kong tanong ng mayabang siyang pumorma na sumandal sa kotse niya.

"Hinatid ko rin si Sam" saad nito..matagal bago nanahimik ang pagitan naming dalawa hanggang sa....

"Lakas mo din eh noh! Talagang kumapit ka para magkaroon ng pagkakataon na agawin si Thalia" sumbat nito ng kumunot ang noo ko.

"Wala akong inagaw sayo, iniwan mo siya nung mga panah~".

"Kaya umepal ka ganun? Eh gag* ka pala eh" saad nito ng bigla akong napa asik.

"Ikaw ang gago sating dalawa! Hindi ako...wag mo akong asikan na parang inagawan kita ng asawa dahil unang una, nakipag divorce ka at sumama kay Sam! Ni wala kang pake nung mg~" hindi ko nagawang ituloy ng magsalita siya.

"DAHIL NAIPIT AKO SA SITWASYON!" lumakas ang boses nito..."hindi ko siya iniwan ng walang dahilan Drex...tsngina, kahit ganito ako kagago may nararamdaman din ako kay Thalia" sumbat nito ng makita ang pamumula ng mata niya sa harap ko.

It was the first time...

Na tila maiiyak siya....

"Umalis ako dahil ayoko siyang mapahamak! Pero hindi ibig sabihin nun pinili ko na sumama kay Sam at maging masa~" hindi nito nagawang ituloy ng pagak akong nagsalita.

"Past is past! And she wouldn't ever be comeback!" Asik ko ng bigla niya akong asikan

"Mahal ko siya" saad nito ng namanhid ang katawan kong napatitig sa kaniya.

"Ano??"

"You f*cking heard me! At hindi ko hahayaan na matuloy ang kasal nyo!..." sambit nito bago ako tinalikuran at mabilis na pinatakbo ang kotse papalayo.

Napasinghal akong napasipa mula sa gulong ng kotse ko bago nakapasok sa bahay.

Dumiretso ako sa kwarto ni Sam ng nanlaki ang mata nito sa pagbungad ko.

"What are you doi~" hindi pa man nito nagawang ituloy ng sipain ko na yung ilang gamit nito na ikinanlaki ng mata niya.

"KUYA!!" saad nito ng napataas ang kilay ko.

"Bakit ka bumalik? Bakit kayo bumalik??..Ha may plano na naman ba kayo kay Thalia??..." asik na tanong ko ng umirap ito.

"Tsk...talagang kumakampi kapa kay Thalia kesa sa akin na kapati~"..

"Hindi kita kapatid alam mo yan" saad ko ng nanlaki ang mata nitong napatigil.

"EDI HINDI!!..NANDITO AKO PARA KUNIN ANG ILANG GAMIT KO"..saad niya ng bigla siyang akmang tatalikuran ako ng hablutin ko ang braso niya.

"Bat kaba nagpapakatanga kay Caden?? Hindi ka niya mahal" usal ko ng tawanan niya ako.

"Eh ikaw?? Bakit ka nagpapagamit kay Thalia? Bakit Kuya...mahal kabà nya?" tanong nito ng napatigil ako at nabitawan siya.

________

//-CADEN'S POV-//

F*ck...Hell..
Ikakasal sila? Magkakapamilya? Magkaka anak?!.tsngina hindi pwede!.

Para akong mababaliw sa kakaisip at hindi ko na kayang pigilan ang inis ko, lalo na ng makarating ako mula sa isang bar na paborito ko noon na puntahan.

Inaya ko yung mga tropa ko pero kahit isa wala manlang sumipot.

Nasa isang madilim na gilid ako ng bar at tumutungga ng beer, pilit na inaalis ang sama ng loob sa dibdib ko pero hindi ko magawa.

Mas nagiging masakit...sa bawat pikit si Thalia lang ang nasa isip.

She changed a lot.

Ang ganda nya...

Ang sexy niya...

F*ck!!..

Bakit nga ba hindi kita nagawang ipaglaban..

Pero alam ko ang dahilan...naipit ako sa sitwasyon na inisip lang kita..

Para mailigtas ang bata...

Tsnginang rason...ang babaw!.

But damn it...

Ayokong mapunta siya sa iba, hindi ko kayang makita na masaya na siya sa iba..

Gagawin ko ang lahat para maging karapat dapat ako sa kaniya..

TO BE CONTINUE

MY ABUSIVE AND HEARTLESS HUSBAND Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon