CHAPTER 18

830 3 0
                                    

MY ABUSIVE AND HEARTLESS MAFIA HUSBAND

CHAPTER 18: Truth

//- THALIA'S POV-//

Nangangatog ang tuhod ko habang humahakbang palapit mula sa gate ng mansyon ni Caden Montenegro, ramdam na ramdam ko ang kaba sa dibdib ko dahil na rin sa huling pag uusap namin kanina mula sa telepono. Mabilis at madiin ang salitang kumawala sa kaniya na pinapauwi niya ako.

Natatakot ako na baka saktan niya ako, natatakot ako na mawala ang batang nasa sinapupunan ko sa pananakit nito, natatakot akong malaman niya ang totoo.

Tama si Yra.
Isang anak mayaman si Caden, isang lalaking mapanakit na walang ibang ginawa kundi ang gawing impyerno ang buhay ko, kaya imposible na gugustuhin nitong magkaroon ng sanggol sa tiyan ko.

Pero hanggang kailan?
Hanggang kailan ko magagawang itago ang katotohanan sa kaniya.

"M-manang...n-nasaan po si Caden" garagal ang boses kong tanong kay Manang na nasa sala.

"Ah nasa kwarto niya iha! Kanina kapa niya hinihintay" sambit nito na mas lalo akong lukubin ng takot sa sarili ko.

Pagdating sa pintuan na iyon, kitang kita ko sa maliit na siwang ang mga mata nitong hindi ko magawang tagalang titigan.

"C-caden" tawag ko sa pangalan niya.

"Come in" malamig ang boses nitong sabi.

Agad kong tuluyang binuksan ang pintuan, nakatayo ako mula sa harapan nito ng titigan niya ako mula ulo hanggang paa.

"A-anong kailangan mo" tanong ko sa kaniya.

Nakakalokong ngumiti siya bago tumayo at walang anumalyang lumapit sa akin.

"May dapat ba akong malaman Thalia?" Tanong nito sa nakakapanindig balahibong boses na bulong sa tenga ko.

Kumunot ng bahagya ang noo ko.

"A-anong ibig mong sabih~".

"Alam mo kung anong tinutukoy ko! May kailangan ba akong malaman!" Asik niya ng napasinghap ako sa biglang pagyukom kamao nitong hinablot ang braso ko.

"C-caden...nasasak~~..araay" biglang sambit ko ng dumiin ang kuko nito sa balat ko.

"Caden...bitawan mo ako...nasasaktan ako, a-ano ba...." saad ko ng itinutulak ko siya ay mas naging agresibong hinablot ang buhok ko, gigil na gigil ang kamay nitong humawak sa panga ko.

"BUNTIS KABA!" tanong nito na ikinanlaki ng mata ko.

Kabang kaba ang dibdib ko sa mga salitang kumawala sa kaniya, halos hindi ako makahingang tiniis ang sakit na ginawad nito ng madiin akong umiling.

No!

Hindi niya pwedeng malaman.

Hindi niya pwedeng ipalaglag ang batang nasa sinapupunan ko..Hindi!.

"Caden...ano bang pinagsasabi mo, hindi ako bun~" hindi ko nagawang ituloy ng pagak siyang tumawa kasabay ng pagsampal nito sa mukha ko.

Hinang hina ang katawan kong napasandal mula sa pader ng nakita ko ang nanggigigil na mukha niyang itinaas ang pregnancy test ko.

The hell.

"THEN WHAT IS THIS! HA!! BUNTIS KA DIBA!!.." sigaw na tanong nito.

"C-caden....k-kase....~" hindi ko natapos iyon ng bigla niya akong sininghalan.

"Talagang hindi mo sasabihin sa'kin?! Ganun? Hindi mo ako hahayaan na malamang magkaka anak ako sayo? Ano Thalia?! Tatakas ka? Ilalayo mo ang batang nasa sinapupunan mo ganun ba ha" asik nito ng napaiyak akong napailing iling.

MY ABUSIVE AND HEARTLESS HUSBAND Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon