CHAPTER 20

794 3 0
                                    

MY ABUSIVE AND HEARTLESS MAFIA HUSBAND

CHAPTER 20:

//- THALIA'S POV-//

THREE MONTHS PASSED.
at masasabi kong hindi naging madali ang pagbubuntis ko, lalo na at mahirap itong itago sa mga taong nakakasalamuha ko.

Kasalukuyan akong naglalakad papunta sa locker room para kunin ang ilang libro na gagamitin ko sa susunod na subject, madiin kong hawak hawak ang isang paper bag na binigay kanina ni Caden na gamot para sa batang nasa sinapupunan ko... Pero bahagya akong napatigil sa paglalakad ng may isang babae ang walang pakundangang binuhusan ako ng malamig na tubig dahilan para mapaawang ang labi ko sa gulat sa ginawa nito.

It was Sam....

Caden's girlfriend.

Kitang kita ko ang panlilisik ng mga mata nito habang nasa paligid niya ang tatlong babaeng mukhang clown sa itsura nila.

"Sabihin mo nga sakin Thalia, nilalandi mo ba ang boyfriend ko" asik at diretsong tanong nito na bahagya kong ikinaawang labi.

Nilalandi?

"Sam...wala akong nilalan~".

"Meron! Napaka impokrita mo talaga eh noh!!..Ano bang ginawa mo sa boyfriend ko ha!!" Singhal nito ng napasinghap ako ng hangin na kinunutan siya ng noo.

"Sam...ayoko ng gulo, wala akong ginagawa! At isa pa...kahit anong sabihin mo, asawa ko si Cad~" hindi ko pa man ito nagawang ituloy ng malakas na ginawad niya ang kamao mula sa mukha ko, tila namanhid ako sa kinatatayuan kong napapikit na napatingin sa kaniya.

"HINDI KA NYA MAHAL THALIA! TANDAAN MO YAN! AT HINDING HINDI KA NYA MAMAHALIN!! WAG KANG UMASA AT UMASTANG PINIPILI KA NIYA! DAHIL AKO...AKO PA RIN ANG GIRLFRIEND NIYA" sambit nito ng akma pang hahablutin nito ang buhok ko ay malakas ko siyang naitulak.

"Sa paningin ng diyos, at ng tao...kabit ka Sam! Kaya wag na wag mo akong pagbubuhatan ng kamay at sasabihang nilalandi ko ang sarili kong asawa!!" Asik ko pa ng tumawa siya.

"Kapal naman ng mukha mo noh! So ano??..akala mo mahal ka ni Caden ganun?" Tanong nito ng mariin akong napalunok na hindi nakapagsalita.

"Nakikita mo toh ha?" Sigaw nya ng itaas nito ang kamay nyang may su0t na engagement ring...."ididivorced ka nya at magpapakasal kaming dalawa!!" Sambit nito ng asikan niya ako.

Hindi ako nagdalawang isip na talikuran siya, pero nanlaki ang mata ko sa biglang paghablot nito sa bag ko...dahilan na rin para mabitawan ko ang paper bag na iyon na naglalaman ng mga pills for my pregnancy.

Kumunot ang noo nito ng mabilis akong kumilos para agawin iyon, pero mas nauna siya...at itinulak niya ako.

"WHAT THIS??!...PILLS FOR PREGNANT??..BUNTIS KABA!!" asik nitong tanong ng nanlaki ang mata ko sa pagsigaw niya, animo'y nagsilapit ang ilang studyante sa narinig ng mga ito na ikinamanhid katawan kong napatingin sa paligid.

"S-sam....sam akin na ya~".

Hindi ko nagawang ituloy ng bigla niya akong itinulak at saka tinitigan.

"Totoo nga? Buntis ka!!..kaya pala tumataba ka!!...diba!! Sinong ama??" Tanong nito na ikinatigil ko, parang hindi ako nakapagsalita sa tanong niyang iyon...gustong bumuka ng bibig ko pero tila hindi ko magawa...hanggang sa isang lalaki ang humablot sa kamay ko at humarang sa harapan ni Sam.

"Drex!" Saad ni sam.

"Stop this Sam!!.." asik ni Drex ng tawanan siya nito.

"Drex...bakit mo ba pinagtatangg0l yang babaeng yan?" Asik ni Sam ng hindi kumibo ang lalaking nasa harapan ko..

MY ABUSIVE AND HEARTLESS HUSBAND Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon