CHAPTER 19

826 5 0
                                    

MY ABUSIVE AND HEARTLESS MAFIA HUSBAND

CHAPTER 19: ALIPUSTA

//- THALIA'S POV-//

KINABUKASAN......

Mabigat ang bawat yapak na paghakbang ko mula sa kinaroroonan ni Caden, mariin kong hawak ang ipinatimpla nitong kape pero hindi ko maiwasang kabahan sa mga mariing titig nito sa akin.

Hindi ko alam kung anong plano niya matapos nitong malaman na buntis ako at siya ang ama.

Umaasa ako na sana hayaan nyang mailabas ko ang bata mula sa sinapupunan ko.

Umaasa ako na walang kahit anong pananakit na magmumula sa kaniya sa mga oras na may sanggol sa tiyan ko.

"H-heto na ang kape mo" garagal ang boses kong sabi ng ilahad iyon sa maliit na lamesa mula sa katapat nitong sofa.

Walang emosyon niya akong binalingan ng tingin ng pagak siyang suminghal na tinawanan ako.

"Anong plano mo?" tanong nito sa madiing boses na ikinakunot noo ko.

Kitang kita ko ang pagtitig nito sa tiyan ko ng napaiwas ako ng tingin mula sa kaniya.

"C-caden...buntis ako, at ikaw ang ama ng dinadala ko...hayaan mo akong mailabas~" hindi ko pa man iyon nagawang tapusin ng magsalita siya.

"Hindi kita sasaktan Thalia" salita nito na ikinaawang ng labi ko.

Akmang bubuka ang bibig ko para sumagot sa salitang binitawan nya ng tumayo ito at hinablot ang braso ko ng walang pakundangan.

"Kung sinigurado mong walang mangyayari sa batang dinadala mo!" Saad nito ng itinulak niya ako.

"C-cad~".

"Shut the f*ck up Thalia! Ilabas mo ang bata sa sinapupunan mo...yun lang, and i would not f*cking hurt you kapag wala kang ginawa sa sanggol na nasa tiyan mo! Pero sa oras na nilagay mo yan sa kapahamakan...i will make sure na gagawin kitang hayop sa sakit na ipaparanas ko sayo! Kilala mo ako Thalia" saad nito na ikinanlaki ng mata ko.

"H-hindi ko magagawang saktan ang sanggol na nasa tiyan ko Caden...dahil kahit anong mangyari, wala siyang kasalan~"...

"Then good. Mabuti na ang maliwanag, pero hindi dapat malaman ni Mama na buntis ka" asik nito ng napakunot ang noo kong napatitig sa mga mata nya.

"P-paano? Caden hindi ko naman pwedeng itago ito, dahil darating yung araw na lalaki ng lalaki yung tiy~" hindi ko ito nagawang tapusin ng magsalita siya.

"Ako ang bahala kung paano ka manganganak ng hindi nya nalalaman" salita nito saka niya ako tinalikuran.

Tuluyang umawang ang labi ko sa kaba na nasa dibdib ko pero isinawalang bahala ko nalang muna iyon dahil baka malate pa ako sa pasok ko.

Hindi na ako kumain ng agahan dahil kulang na rin ang oras ko para gawin iyon, ng matapos kong maligo at magbihis lumabas na rin ako sa village para maghanap ng masasakyan na taxi papunta sa campus.

At mula sa malaking gate, kaagad hinanap ng mga mata ko si Yra para sabihin sa kaniya na alam na ni caden ang tungkol sa sekretong ayoko sanang ipaalam sa kaniya.

"Bhest!" Isang boses mula sa likuran ko kasabay ng pagkita ko kay Yra, animo'y napatawa siya ng pagak dahil sa naging itsura ko.

"Gulat na gulat ka?" pang aasar niya ng inilingan ko siya.

"Yra....alam na ni Caden" sambit ko habang naglalakad kami sa isang pasily0 papunta sa isang locker room na ikinagulat niya.

"What? Alam nya na?!...yung alin, yung pagbubuntis mo! Ano? Anong ginawa nya?! Sinaktan ka ba nya?! Ipapalaglag ba ny~" hindi nito natuloy ng unti unting gumuhit ang ngiti sa labi ko na ikinakunot noo nito.

MY ABUSIVE AND HEARTLESS HUSBAND Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon