CHAPTER 58

564 3 0
                                    

MY ABUSIVE AND HEARTLESS MAFIA HUSBAND

CHAPTER 58

//- THALIA'S POV-//

Paano nangyari yun? Ibig sabihin may ibang babae noon si Caden at iniwan nya ang babaeng yun noong nagpakasal kami?

Pero bakit kailangang idamay yung bata?!.Andaming tanong sa isip ko pero ibinalewala ko yun at nagawang titigan ng walang pagsasawa ang babaeng nasa harapan ko.

Kitang kita ko ang pagka misteryoso ng mukha niya, masungit ang kilay niya pero sobrang ako ng bawat titig niya.

Mapula ang labi at matangkad siya.

Umalis ito sa harapan ko ng nagawa kong magpumiglas na makawala sa kinauupuan ko, pilit inaalis ang mga tali sa kamay at paa ko.

"Kailangan kong makatakas dito" sambit na salita ko ng impit akong napadaing sa sakit ng sugat sa ulo ko.

Hanggang sa sundan ko ng tingin ang babaeng iyon at malayo na siya, hindi ko maalis ang tali sa katawan ko pero nagawa kong ihakbang ang upuan palapit sa isang bagay.

It was her phone.

Kailangan kong tawagan si Caden.Kailangan kong humingi ng tulong para makaalis dito.

Nanginginig ang kamay ko habang pilit na indial ang cellphone number ni Caden...Matagal itong nagring at sa wakas ay sinagot niya na rin ito.

________

//-CADEN'S POV-//

Malakas akong nagpakawala ng buntong hininga sa kawalan kasabay ng madiing pagbagsak ko ng bote sa sahig.

Ramdam ko na ang kalasingan ko kaya nagawa kong ihiga ang sarili ko sa mahabang sofa at marahang pumikit nang biglang~.

*KRIIIINGGGG

Napkunot noo akong napatingin sa maliit na lamesang nasa harapan ko ng marinig ang pagvibrate ng cellphone ko.

Hindi ko sana ito papansinin pero tila may kung anong nagtutulak sa akin na sagutin iyon, marahan ko itong kinapa para kunin at nakita ko ang....

Unknown number???.

Baka wrong call lang?.

"Who's th~".

"C-caden...caden t-tulungan mo ako" pagmamakaawa ng isang boses na nagpalaki ng mata ko.

Parang namanhid ang buo kong katawan sa takot at kaba sa mga oras na iyon.

"T-tha....thalia?" nanginginig ang boses kong sambit sa pangalan niya.

Rinig na rinig ko ang pag iyak niya sa kabilang linya na tila nagpataas ng balahibo ko.

"Caden...tulungan mo ako, tulungan mo ako parang awa m-mo na...cad~". Hindi nito nagawang ituloy ng bigla kong hinagis ang cellphone at mabilis na umakyat sa kwarto.

"MANANG!!MANANG" malakas na sigaw ko.

"Sir..."

"YUNG ILAW...F*CK...BUKSAN MO YUNG ILAW ANO BA" galit na sigaw ko

"Sir...nawalan po yata ng kuryente" sabi nito ng umawang ang labi ko.

Madilim ang kwarto ko at tila sumabay pa ang malakas na pag ihip ng hangin.

"Thalia...alam kong malaki ang kasalanan ko, alam kong nasaktan kita naging gago ako pero hindi ko sinasadya yun...sorry sorry sa lahat!..wag kana magparamdam please...please" pikit matang sambit ko.

"Minahal kita...Sobrang minahal kita, marami akong nagawang mali dahil sa pagmamahal na yun" sabi ko pa.

"At handa akong gawin lahat dahil sa pagmamahal...Thalia please...yung anak natin, s-sa kaniya ka nalang magparamdam" pagmamakaawa ko pa ng biglang bumukas ang ilaw at tumambad sa harapan ko si Manang na nakakunot noo.

"Sir?? Ano pong nangyayari?" Tanong nito.

"Si...si Thalia nagmumulto siya" sabi ko.

"Hala ka sir??totoo ba??saan??nandito ba sya sa kwarto mo??" tanong nito ng umiling iling ako.

"S-she called me...and..."

"Ano sir?"

"H-humihingi siya ng tulong" saad ko ng malakas itong tumawa na ikinasinghal ko.

"Its not funny" asik ko saka tumayo at pasinghal na umupo sa kama, ng tumalikod ito kaya bahagya akong napahintong napatingin sa isang cabinet.

Dahan dahan akong lumakad papunta doon at binuksan ang isang drawer, tumambad sa harapan ko ang matagal ko ng tinatago...na pilit kong ibinaon sa limot.

Yes...

Hindi lang si sam at thalia ang babae sa buhay ko, dahil mas may nauna pa...

And it was Roxie, nabuntis ko siya....at ipinamukhang pinatay ko na ang bata pero ang totoo nasa bahay ampunan iyon.

It's been a year's passed.

Matapos nang mga panggugulo niya ay taon din siyang nanahimik sa pananakot ko.

Na ipapakulong at papatayin ko siya...

At sa sekretong relasyon na 'yon ay walang ibang nakaka alam...

Kundi ako lang...

Tahimik ko itong ibinalik sa loob ng drawer nang biglang pumasok si Manang.

"Sir...may tumatawag sa telepono" sabi nito.

"Who??" seryosong tanong ko.

"Babae po sir" sabi nito ng tumango ako at saka bumaba para masagot iyon.

Nakakatakot...

Nakakakaba!

Bakit!!..

Totoo bang narinig ko ang boses ni Thalia?

O minumulto niya lang ako dahil sa dami ng kasalanan ko sa kaniya!?.

Nanginginig ang boses kong hinawakan ang telepono at inilapat sa tenga ko.

"Y-yes...who's this" garagal na salita ko.

"Caden...cad~" nanlaking muli ang mata ko dahil sa boses na iyon ni Thalia.

"ANO BA!!..TIGILAN MO NA AKO, WAG KANA MAGPARAMDAM...WAG MO AKONG TAKUTIN" sigaw ko saka akmang ibababa iyon ng biglang umiiyak siya sa kabilang linya, kasabay ng malakas na pagtawa ng isang babaeng kinunutan ko ng noo.

"Masyado ka namang takot sa multong inaakala mo" salita ng babaeng tila pamilyar sa akin na tinaasan ko ng kilay.

"Who's this??"...

"Matagal akong nanahimik Caden, pero bumalik ako para singilin ka!!.." sambit nito ng nanlaki ang mata ko.

"R-roxie??"

"Hawak ko ang asawa mo!!.." saad nito ng nangunot ang noo ko.

"Asawa? Sinong asawa?patay na ang asawa ko" sambit ko ng muling malakas na tumawa siya.

Kakaiba ang tawa na iyon ng pinatay nya na ito, kaya halos napuno ako ng tanong sa sarili ko...

P-paano nangyari yun?.

TO BE CONTINUE

MY ABUSIVE AND HEARTLESS HUSBAND Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon