CHAPTER 23

679 6 0
                                    

MY ABUSIVE AND HEARTLESS MAFIA HUSBAND

CHAPTER 23-

//- THALIA'S POV-//

A WEEKS AGO!.

Hindi ako mapakali na sa mga titig ni Yra sa akin, animo'y may gusto siyang sabihin pero hindi nito magawa.

Nandito kami sa isang sikat na restaurant, ewan ko sa kaniya bakit bigla siyang nag aya na gumala.

Mabuti nalang at wala sa bahay si Caden kaya nakatakas ako, pero mamaya pag uwi ko...sigurado akong magagalit siya dahil hindi ako nakapag paalam.

Hindi ko naman kase siya makontak.

"Yra, ano ba kasing sasabihin mo at bakit hindi kailangang malaman ni Caden na nakipagkita ako sayo?" seryosong tanong ko ng bigla siyang inis na napahilamos.

"Basta kahit anong mangyari hindi niya pwedeng malaman" usal nito.

"Pero ano nga? Ano bang dapat kong malaman?" Tanong ko ulit.

"Si Caden kase..."

"Ano? Ano bang meron kay Caden?" tila kumunot ang noo ko dahil sa kinikilos nito.

Napapansin ko ang kaba sa bawat titig nito sa mga mata ko.

Napapansin ko na, mula pa nung ilang araw ang paulit ulit nitong pagtawag dahil sa gusto niyang sabihin tungkol sa asawa ko.

Ano bang tinatago ni Caden sa akin na alam niya?

Pero imposible naman na meron pa.

Dahil kitang kita ko sa mga kilos ni Caden na seryoso at nagbago na siya.

Alam kong gusto niyang maging mabuting asawa at ama, ramdam ko yun.

Sumimsim si Yra ng iniinom nitong alak mula sa harapan ko.

Tsk..

"Ayan alak pa...kita mong nasa restaurant tayo oh! Ano ba kase nangyayar~" hindi ko nagawang ituloy ang mga dapat kong sabihin ng magsalita siya.

"Lumayo kana kay Caden" seryosong salita nito.

Hindi ko agad iyon naproseso sa utak ko, hanggang sa pagak akong tumawa at sininghalan siya.

"B-bakit?"

"Basta...Thalia, tumakas kana...wag mong hayaan na may masamang mangyari sa anak mo" bulong nito.

"Yra...walang masamang mangyayari dahil nagbago na si Caden at alam mo~" hindi ko natuloy ng magsalita ulit siya.

"Nagbago?! Hindi siya nagbago Thalia!! Gag* siya...niloloko ka lang niya at pwede kang masaktan sa anumang kilos na plano niya" saad nito ng napataas ang kilay ko.

"Yra alam ko naman na hindi mo gusto si Caden pero wag mo namang siraan siya sa harapan ko" usal ko ng pagak itong natawa.

"Siraan? Ako??sinisiraan ko siya?? Sana nga ganun lang eh...Thalia nandito ako sa harapan mo para bigyan ka ng abiso na lumayo kana sa kaniya ano ba!! Makinig ka naman sakin" asik nito ng tumaas na ang boses niya.

"So nakipagkita ka sakin para sabihin yan? Yra mahal ako ni Caden....mahal niya ang batang nasa sinapupunan ko kaya kung ano man yang nasa isip mo hindi nya yun gagawin" sambit ko ng napakagat labi siya.

"Kahit na sabihin kong nakita ko siya kasama si sam??" saad nito na nagpatigil sa akin

Parang namanhid ang katawan kong napakunot noo sa kaniya.

"Yra wala na silang relasy~".

"MERON PA THALIA! AT KITANG KITA NG MGA MATA KO KUNG PAANO SILA KA SWEET SA ISAT ISA" sambit nito ng napailing iling ako.

MY ABUSIVE AND HEARTLESS HUSBAND Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon