CHAPTER 21

725 8 0
                                    

MY ABUSIVE AND HEARTLESS MAFIA HUSBAND

CHAPTER 21- KEMIKAL

//- CADEN'S POV-//

Madiing nakayukom ang kamao ko kasabay nito ang walang pakundangang pagtapon ko sa upos ng sigarilyo na kanina ko pa hinihithit dahil sa inis na nararamdaman ko.

What the hell is he.
Anong balak niyang palabasin? Ang agawin si Thalia sa poder ko, f*ck damn it no.

Akin ang asawa ko.

"Tol, saan ka pupunta" sigaw ng isa kong kaibigan ng hindi ko siya pinansin.

Tila nag aapoy ang mga mata kong nanlilisik na napasinghal kay Drex na ngayon ay palabas mula sa bahay niya.

"HOY!" sigaw ko para agawin ang atensyon nito, nangunot ang noo niya at akmang magsasalita ng inunahan ko ito ng malakas na pagsuntok sa mukha niya.

Bumagsak siya sa sahig ng hindi pa ako napuno, isang paghablot mula sa damit niya ng itinayo ko siya.

"Anong balak mong gawin ha!!" Singhal na tanong ko ng maangas siyang ngumisi na nagpunas dugo sa labi nitong pumutok dahil sa ginawa ko.

"Ano bang pinagsasabi mo!" Singhal niya ng itinulak niya ako.

"Tsngina...alam mo kung anong sinasabi ko, may balak kang agawin si Thalia ganun! May balak kang sumipsip sa relasy~" hindi ko pa man nagawang tapusin ng singhalan niya ako.

"Tsngina ka rin! Asawa mo?!..relasyon?!..Caden, baliw kaba ha! Pagkatapos ng mga pananakit mo yang ego mo pa rin iniisip mo, alam mo! Hindi mo siya mahal eh...takot ka lang malamangan, takot kang maagawan!!..Oo, may balak akong agawin mula sayo si Thalia, because she f*cking didn't deserve a man like you!!.." sumbat nito ng tila nag init ang dugo kong tinitigan siya.

"Pwes, wala kang maaagaw! Dadaan ka muna sa kamao ko" sambit ko ng pagak niya akong tinawanan.

"Kahit impyerno pa daanan ko...walang makakapigil kapag ginusto ko" saad nito ng ngumisi siya.

"Akin si Thalia!! So back off!" Singhal ko ng angasan niya ako.

"Alam mo kung sino mas nauna sa atin Caden! Alam mo kung gaano ko kagusto si Thalia!!..umepal ka nga lang diba!!.." saad nito ng tila napahinto ako sa pagsasalitang pagmumura.

Walang kahit anong salita ang lumabas sa bibig ko ng mabilis akong tinalikuran siya. Hindi ko magawang alisin ang inis mula sa dibdib ko lalo na sa mga sinabi nito.

Mabilis ang pagpapatakbo ko ng kotse ng biglang madiin ding pagpreno ang ginawa ko...malakas akong napahampas mula sa manobela ng napahilamos ako sa mukha ko.

"DAMN IT" sigaw ko.

"Kinakalaban ka talaga ni Drex" usal ng lalaking nasa tabi ko.

Ewan ko ba sa asungot na toh...
Bigla nalang sumama na sugurin ko si Drex tsk!

"Pwes, sisiguraduhin kong hindi siya mananalo." Sambit ko habang madiin ang tingin mula sa kawalan.

"Subukan mo rin kaya maging sweet kay Thalia! Dude, she's a girl...baka dumating ang isang araw na magustuhan nya na si Drex sa mga ginagawa nito" saad pa ng lalaking ito na ikinakunot noo ko.

Damn it!.
Hell no!

Kagat labi akong napatingin mula sa paligid, hindi ko alam pero tila napangiti ako sa nakita kong....mga mangga na nasa isang tabi na nilalako ng matandang babae.

"Buy that" turo ko dun saka binigyan ng pera itong kasama ko.

"Ha? Sabi ko sweet hindi ko sinabing bigyan mo ng mangga" sambit nito ng asikan ko siya.

MY ABUSIVE AND HEARTLESS HUSBAND Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon