CHAPTER 22

727 6 0
                                    

MY ABUSIVE AND HEARTLESS MAFIA HUSBAND

CHAPTER 22- USAPAN.

//- THALIA'S POV-//

IT'S BEEN FEW WEEKS PASSED.
Isang malaking pagbabago na hindi ko aakalain na mangyayari sa pagitan namin.

Ang hirap magtiwala.
Pero bakit ganun, mas nagiging malalim ang ngiti sa labi ko sa bawat galaw nitong ginagawa ukol sa akin.Bahagya akong napakunot noo sa biglang pagsakit ng ulo ko ng magising ako...iginala ko ang mga mata ko sa kwarto na kung nasaan ako, at tila kusa na ngang gumuhit ang ngiti sa labi ko.

Nandito ako ngayon sa kwarto ni Caden.

And guess what?.

Hindi niya na ako sinasaktan sa ilang weeks na lumipas, his been changed...at yung pagbabago na iyon ang nagdala sa akin para maging malalim kung ano ang mas nararamdaman ko sa kaniya.

"What's that smile?" isang malamig na boses ang kumawala mula sa pintuan.

Kitang kita ko ang matipuno nitong katawan na dahan dahang humahakbang papalapit sa akin.

"Hindi ko alam kung nananaginip ba ako" sambit ko ng pagak niya akong tinawanan.

Nanginginig ang kamay ko sa biglang paghaplos nito sa mukha ko, marahang hinagkan nito ang labi ko bago siya nagsalita.

"Sabi ko naman sayo diba! Magbabago ako, at magiging mabuting asawa at ama ako para sa bata" sambit nito ng napatango tango ako para sumang ayon sa sinabi niya.

It's been a week...at lumalaki na rin ang tiyan ko, kaya kinailangan kong huminto sa pag aaral para hindi na ako punahin pa ng ibang studyante, lalo na at maselan ang pagbubuntis ko.

Ang sinabi ng doctor..hindi daw maganda ang kapit ng sanggol na nasa sinapupunan ko, kaya mas maiging pag ingatan ito...pero ang ipinagtataka ko lang ngayon ay kung paano o ano ang nagtulak kay Caden para pakitunguhan niya ako na parang isang tao.

Mula sa sala...nakita ko ang mga pagkaing nakahanda mula sa lamesa, tila mapang asar akong napangitngit na tumitig kay Caden ng nakaka asar niya akong tinititigan.

"Enjoy the food!...Ako nagluto niyan, i just want to...surprise you, pero ayan lang nakayanan ko. I love you Thalia...and i would never ever hurt you again" usal nito ng mahigpit niya akong niyakap.

Mabilis ding kumawala ito dahil may pasok daw siya sa opisina, eh ako naman...hindi ako maka get over na nakatingin sa mga pagkaing nasa harapan ko.

"Ano kaya meron kay Sir Caden noh!"

"Oo nga, bakit bigla nalang naging mabait?"

"Nakakapagtaka"

Napakunot ang noo ko sa mga naging usapan ng ilang kasambahay mula sa hindi kalayuan sa akin. Napatigil lang sila ng malakas akong tumikhim.

"Ayy sorry maam" sabi ng isang katulong.

"Manang, wag po kayong nagsasalita ng ganyan lalo na kapag nasa harapan nyo si Caden...alam niyo naman ugal~". Hindi ko nagawang ituloy ng magsalita sya.

"Maam, hindi ba kayo nagtataka sa kinikilos niya? Bakit bigla siyang nagbago?" Tanong nito, bahagya kong hinaplos ang tiyan ko.

"Dahil gusto niyang maging mabuting ama" sambit nito ng tumango tango lang sila..

Nagpatuloy ako sa gusto kong gawin sa araw na iyon pero sobrang boring.

Kaya ng matapos akong kumain at maligo...napaupo ako sa sofa at napatingin sa labas.

Napakagat labi pa ako sa inis ng mag ring nalang bigla ang cellphone ko.

And it was my bestfriend.

Si Yra.

MY ABUSIVE AND HEARTLESS HUSBAND Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon