CHAPTER 32

630 6 0
                                    

MY ABUSIVE AND HEARTLESS MAFIA HUSBAND

CHAPTER 32;

//- CADEN'S POV-//

Kinabukasan.

Nakasandal ako mula sa isang pader habang naghihintay dito sa parking lot.

It's already seven am in the morning pero nakakapagtaka na wala pa rin si Thalia Ruiz Cheng.

My wife.

Siya ang kabusiness in partner ko, kaya dapat lang na palagi siyang bumibisita dito sa kompanya ko.

At ito na rin siguro ang gagawin kong daan to make her mine again.

Napasinghap ako ng hangin at walang ganang kumagat labi bago pinatay ang hinihithit kong sigarilyo sa pagdating ng isang itim na kotse.

Gumuhit kaagad ang ngiti sa labi ko at akmang lalapit mula don ng tila dahan dahan na namanhid ang buo kong katawan sa nakita ko.

It was Thalia and Drex...
Na magkahawak ang kamay na papalapit mula sa kinaroroonan ko.

"Caden? Bakit nandito kapa?! May hinihintay kaba?" Saad ni Thalia ng tila nanindig ang balahibo kong malakas na tumikhim at umiling.

"Ah...w-wala...kakarating ko lang din" saad ko saka ngumiti ng mapait ng tumango siya.

"Hmm okay" saad nito ng tumalikod na ako para maglakad papasok sa gusali.

Pero hindi ko maiwasan na bagalan ang bawat paghakbang ko sa mga boses at salitang tila tumutusok sa dibdib ko.

"Ingat ka, i loveyou" salita ni Drex.

"Yes. I will, ingat ka rin...at iloveyou" saad ni Thalia ng napayukom kamao akong napapikit bago seryosong lumakad.

Baliw na kung baliw.

But it was hurt...

Seeing her with someone.

Napasandal ako mula sa elevator ng makasakay ako papunta sa third floor, pero hindi ko maiwasang mapatitig sa babaeng papasok ngayon sa kinaroroonan ko...

Damn it.

Nananadya ba siya?

Pinilit kong sumeryoso at wag gumawa ng kahit na anong kilos pero hindi ko kaya..

Dahil ramdam na ramdam ko ang inis sa kaniya

Bakit??

Bakit si Drex?

Bakit ikakasal na sila.?..

Andaming tanong sa isip ko hanggang sa kusa nalang na parang bumukas ang bibig ko..

"Mahal mo ba siya?" hindi ko naiwasang tanungin iyon sa kaniya

Pagak siyang natawa ng titigan ko ito sa mga mata

"Ako ba tinatanong mo" saad nito ng napakunot ang noo ko.

"Meron pabang ibang tao bukod satin dito?! Ulitin ko, mahal mo ba?" Tanong ko pa ng napairap ito at sininghalan ako.

"Magpapakasal ba ako sa kaniya kung hindi?! Mahal ko si Drex...mahal na mahal na mahal, at kahit kelan hindi nya pinaramdam sakin na hindi pilit yung pagmamah~" hindi nito nagawang ituloy ng tumawa ako.

"Tinatanong ko lang naman kung mahal mo, di ko naman sinabi na ikumpara mo ako sa ginagawa niya.. i know myself...and i know my mistake" asik ko ng suminghal siya

"Then? Masyado ka kasing guilty! Isa pa...oo gustong gusto kita nun, patay na patay na patay ako nun...kaya nga ako nagpakatanga sayo eh, pero nung nawala ka? Naisip ko...bakit nga ba ako nagpapakatanga sayo, without knowing na may lalaki naman palang nasa tabi tabi lang at naghihintay na makalaya ako sa taong kagaya mo" saad nito kasabay ng pagbukas ng elevator ay nauna siyang naglakad.

Napailing iling akong sinundan siya ng tingin.

Hanggang sa....

Kusa siyang napatigil sa opisina ko na ngayon ay nakabukas

Kumunot ang noo ko dahil tila may kung ano siyang nakita mula roon na ikinakunot noo niya.

"Daddyy" isang boses ng bata ang tumambad sa akin ng nanlaki ang mata ko sa nakita ko.

Teka..

Bakit siya nandito??..

Eh ang alam ko ako ang nauna dito...

"Sam? Bakit mo siya dinal~" hindi ko nagawang tapusin ng magsalita siya.

_______

__//THALIA'S POV/____

Tila paulit ulit na sinasaksak ang dibdib ko ng makita ang batang nasa harapan ko na ngayon ay nasa tabi ni Caden.

"Dinala ko siya dito kase gusto ka niyang makita" saad ni sam ng bahagya akong napatitig sa batang babae.

She's so cute and adorable.

Kamukhang kamukha ni Caden...

Kung buhay ba ang anak namin...kasing laki niya na rin?.

"Daddy, may binili si Mommy for you!" Usal ng bata ng napatingin ako kay Sam.

Bahagya akong napaiwas ng tingin sa biglang paghalik ni Caden sa pisngi nito kaya kaagad akong mabilis na lumakad.

Hindi ko alam...pero ramdam na ramdam ko ang sakit sa dibdib ko.

Hanggang sa...makapasok ako sa opisina ko at napahawak mula sa lamesa, sobrang bilis ng kabog sa dibdib ko ng napatitig ako sa kawalan.

Minutes left...

Rinig na rinig ko ang asaran mula sa opisina ni Caden ng tila hindi ko magawang magfocus sa kung anong ginagawa ko...

"Maam, hindi ka ba kakain??" Tanong ni Jackie ng bahagya akong umiling.

"Can you please close the do~" hindi ko nagawang ituloy iyon ng pumasok si Caden sa kinaroroonan ko.

Umakto akong seryoso sa harapan niya ng ilahad nito sa akin ang hawak niya...

A piece of cake..

"What's that" singhal ko.

"Cake, di kapa lumalabas para kumain" saad nito ng asik akong tumawa

"Wala akong pake kung ano yan, saka hindi ko naman sinabi na dalhan mo ako dito diba? So can you please leave me alone!!..." singhal ko ng ngumiti siya.

"Bakit ba ang init ng ul~" hindi nito nagawang ituloy ng bigla kong tinapon iyon sa harapan niya.

"FIND MY F*CKING CARE!!..UMALIS KA DITO, AND DON'T ACT LIKE WE ARE CLOSE!!..PWEDE BA" saad ko ng napailing iling siya..

"Nag aalala lang ak~"..~

"I have a boyfriend"

"Wala akong pake kung may boyfriend ka! Di ako takot sa kaniya! Dinalhan kita ng pagkain kasi alam ko pag~" hindi ulit nito natapos ng pagak ko siyang tinawanan.

"Leave" asik ko saka tinuro ang pintuan

"Hindi mo ako kailangang dalhan nyan...dahil Drex will handle my needs" asik ko pa ng napasinghap siya

"Okay!" Cold nitong sabi at akmang lalabas ng pumasok ang batang babae at masama akong tinitigan, nasa likod nito si sam na hindi ko inaasahan

"Why are you shouting my daddy! You're a monster...a ugly mons"~ hindi nito natuloy ang sinasabi sa akin ng pigilan siya ni Caden.

"B-baby...stop i~".

"No daddy! Inaaway ka po niya, bad sya...monster siya" saad pa nito ng tila napaawang ang labi kong napabagsak upo.

Hanggang sa...mapahilamos ako sa mukha ko.

__________

//-CADEN'S POV-//

"Baby, diba sabi ng daddy bawal ang makipag away sa matanda" saad ko ng bigla siyang ngumuso.

"Pero daddy inaaw~".

"Hindi nya ako inaaway, kaya dapat hindi mo siya pinagsabihan ng masakit na salita, kasi masasakt~"..

"Caden...hayaan mo na siya...bata lang naman yan eh isa pa...pinagtatanggol ka lang niy~" hindi natuloy ni sam ng asikan kong hablutin ang braso nito.

TO BE CONTINUE

MY ABUSIVE AND HEARTLESS HUSBAND Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon