CHAPTER 54

565 2 0
                                    

MY ABUSIVE AND HEARTLESS MAFIA HUSBAND

CHAPTER 54

//- CADEN'S POV-//

Sa paghila ko ng tali kay Anica ay kasabay ng pagbitaw ng kapit ni Thalia.Parang tumigil ang kabog ng dibdib ko, ni hindi ko nagawang gumalaw sa kinatatayuan ko ng biglang bumagsak si Thalia sa baba na ikinabagok ng ulo nito.

"Thalia" salitang kumawala sa labi ko.

"CADEN SI THALIA!!" sigaw ni Drex na kaagad tumakbo pababa.

Nang makasunod ako sa kaniya dahan dahang tila bumagal ang hakbang na ginagawa ko, sa puntong kakaibang kabog sa dibdib ko ng makita ang kalagayan ni Thalia.Tila hindi ko magawang tagalan ang pagtitig sa kaniya.

"DREX! TUMAWAG KA NG AMBULANSYA!" sigaw ko ng kinunutan nya ako ng noo

"No! Hindi ko siya iiwan ikaw ang tumawag ng ambulansya" balik nito ng madiin kong hinila ang damit nito.

"Ano ba! Makinig ka sakin hindi ako nakikipag kopetensya sayo! Nasa panganib si Thalia and we need to take her in hospital" asik ko ng itinulak ko siya.

Nang makalabas siya...agad akong lumapit kay Thalia na duguan na ang ulo nito, halos hindi ko magawang alisin ang panginginig ng kamay ko na gustuhin kong hawakan ang mukha niya.

"T-thal...Thalia" saad ko ng biglang lumapit si Anica.

"D-daddy...it was her right? She's my mommy" saad ni Anica ng tumango tango ako.

"Yes...she is" sambit ko.

"Mommy" iyak ni Anica ng napaawang ang labi ko.

"Thalia please....lumaban ka! Wag mo naman kaming iwanan, im sorry for hiding you our daughter...just please don't f*cking die babawi pa ako...sa mga k-kasalanan at pagkukulang ko" saad ko ng biglang dumausdos ang luha sa mga mata ko.

Sa dinami dami ng kasalanang ginawa ko, bakit siya pa yung nasa ganitong sitwasyon.

Bakit hindi nalang ako?!.

___

//HOSPITAL//

Punong puno na ng dugo ang damit ko habang sinusundan ang pagtulak sa kinahihigaan ni Thalia na dinadala ito sa operating room ng mga nurses.

"P-pakibilisan naman oh, baka maubusan siya ng dugo" salita ko.

"Sir...kailangan pa po namin siyang kuhanan ng informat~".

"Tsnginang impormasyon yan! Pwede bang unahin nyo munang operahan yung pasyente" sigaw ko ng tumango tango sila.

Nang makapasok sa operating room...ay nagtagal pa iyon na hindi ko na kayang hintayin.

"Ano ba, simulan nyo na yung operasyo~".

"Sir...it was a public hospital you need to wait~" hindi nito natuloy ng bigla akong lumabas sa kwartong iyon at walang pag aalinlangang mabilis na hinanap ang doctor.

"IKAW BA YUNG DOCTOR" tanong ko ng manlaki ang mata nito.

"Oo" saad nito.

"OPERAHAN MO YUNG ASAWA KO! NGAYON N~~".

"AKO ANG NAUNA! AKO DAPAT ANG UNAHIN DITO ANG SAKIT SAKIT NG TIYAN KO" sabi ng isang babae ng biglang naagaw ng isang babaeng nurse ang atensyon ko, dito walang pakundangan kong inagaw ang hawak nitong pangbakuna ng itutok ko ito sa doctor.

"UUNAHIN MO ANG ASAWA KO O PAPATAYIN KITA" saad na pananakot ko kaya bigla itong napa taas kamay saka ako tinanguan.

Inuna nila sa linya si Thalia pero hindi ako pinayagan ng mga nurse na makapasok sa loob.

Kaya nandito ako sa labas at palakad lakad na naghihintay.

Pumapatak ang bawat segundo, minuto...pero wala pa rin ni isang lumalabas sa kanila.

Bahagya akong napaupo sa isang waiting chair bago napahilamos sa mukha ko ng may pag aalala.

"You can't die Thalia! Hindi ka pwedeng mamatay" bulong ko nang hindi inaasahang pumasok sa isip ko ang mga nakaraan.

The way i hurt her.

Na ginawa kong miserable ang buhay nya...

Napa angat ako ng tingin sa kisame para pigilan ang pagpatak ng luha ko pero hindi ko magawa, hanggang sa....mula sa salamin sa operating room ang bumukas dahil sa paghila ng nurse sa kurtina nito.

Napatayo ako at sumilip mula roon ng makita ang mga nangyayari.

Halos mamanhid ang katawan ko sa kaba....

"What the hell!!..Thalia please...please lumaban ka!!" madiing salita ko habang madiin din ang hawak ko sa salamin.

Hindi ko na mapigil ang sakit sa dibdib ko ng ilang beses nilang kuryentehin ang dibdib nito para magkaroon ng numero ang machine ng heartbeat nito

"THALIA!!..WAG KA NAMANG MADAYA, ANDAMI KONG NAGAWANG MALI ANDAMI KONG KASALANAN...PLEASE...PLEASE WAG NGAYON, BABAWI PA AKO!!..YAYAKAPIN MO PA YUNG ANAK MO! YAYAKAPIN KA PA NIYA, MAGSASAMA PA KAYO" salita ko ng biglang lumabas ang isang nurse na inabangan ko.

"N-nurse...how's she?" Tanong ko.

"Under operation pa rin po ang pasyente aabutin po ito ng six hours...pero hindi po namin maipapangako na mabuhuhay siya sa pagkakabagok ng ulo niya" sambit nito bago ako tinalikuran ng umawang ang labi kong napabagsak balikat.

Hanggang sa dumating si Yra.

Humagulgol ito ng iyak.

"Kasalanan mo toh! Hay*p ka!!..sa oras na mamatay ang bestfriend ko, wala akong ibang sisisihin kumdi ikaw" saad nito ng namumula ang mata kong napatango tango.

"Ano! Iiyak iyak ka?kinokosensya kaba Caden??..sa totoo lang! Andami ng sakit niyang pinagdaanan!!..sa tuwing sinasaktan mo siya hirap na hirap na siya, bugbog sarado ginawa mong aso!!..minsan sa campus noon alam mo ba ha!!..tumatakas siya sa mansyon to take an exam para lang makapasa!!..Wala kang kwentang lalaki" sambit nito ng biglang naging masikip ang dibdib ko.

"Kung may pagkakataon man...o kung meron mang imposibleng dapat mangyari, kung ako ba o sya??!..hindi ako magdadalawang isip na ibuwis ang buhay ko sa kaniya" sambit ko ng pagak itong natawa.

Hanggang sa~...

Sunod sunod na nurse ang lumabas...at pumapasok ng mapatingin kaming pareho ni Yra sa salamin.

"Bhest!...bhest please...please lumaban ka...Malakas ka alam ko lalaban ka" saad ni Yra na hindi nito mapigil ang pag iyak niya.

Hanggang sa....biglang bumitaw ang doctor sa pagkuryenteng dampi sa dibdib ni Thalia, may kung anong salita ang binitawan nito ng nanlaki ang mata ko.

No...

No she's not dead!.

Mabilis akong pumasok sa loob.

"Sir...sir bawal po kayo di~".

"BITAWAN NYO AKO TSNGINA" sigaw ko ng bigla akong lumapit kay Thalia.

Kitang kita ko ang mukha nitong wala ng malay ng umaagos ang luha ko.

"Hindi ka pwedeng mamatay" sigaw ko ng inagaw ko ang hawak ng doctor.

Tumitig ako kay Thalia.

"GALIT KA SAKIN THALIA! GAGANTIHAN MO PA AKO!!..THALIA HINDI KA PWEDENG MAMATAY" salita ko ng idampi ko ang kuryenteng iyon sa dibdib niya.

Ilang beses kong ginawa iyon.

"THALIA!!..THALIA...PLEASE..." saad ko pa ng muling dinampi ng unti unti akong nanghinang bumitaw at tuluyang napaluhod sa sahig ng biglang tuluyang nawala ang lahat....

"Four minutes" saad ng doctor ng siya naman ang gumawa noon, hanggang sa kinaladkad ako ng mga nurse palabas.

Nawalan ako ng pag asa...

Pilit isinasalba ang buhay ni Thalia na mukhang malabo na!.

TO BE CONTINUE

(SAD ENDING NABA THIS)

MY ABUSIVE AND HEARTLESS HUSBAND Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon