CHAPTER 25

818 8 0
                                    

MY ABUSIVE AND HEARTLESS MAFIA HUSBAND

CHAPTER 25

//- CADEN'S POV-//

KINABUKASAN;

Naalimpungatan ako ng gising dahil sa sunod sunod na katok mula sa pintuan ko, tila binalot ng kaba ang dibdib kong kaagad na bumalikwas na binuksan iyon

"What" asik na bungad ko ng makita si Manang.

Alalang alala ang mukha nito ng magsalita siya.

"Sir...tumawag po yung doctor at pinapatawag kayo...si Maam Thalia daw po" sambit nito ng kumunot ang noo ko.

"Bakit si Thalia? What the hell happened?" Tanong ko pa.

"Sir...ang hirap po ipaliwanag kayo nalang po ang pumunta" saad pa niya ng tumango ako

Nagmamadali akong nag ayos ng sarili ko, sobrang bilis na rin ng pagmamaneho ng kotse papunta sa ospital na kung nasaan si Thalia.

Awang awa ako sa kalagayan niya.

Pero wala akong magawa...

"For Thalia Ruiz Cheng please" usal ko sa isang nurse ng ibigay nito ang room number ng pasyente.

Pero mula sa labas ng kwarto na iyon...nandito ang mga magulang ni Thalia na kinunutan ko ng noo sa nakita kong nanlulumong mga mukha nila.

Animo'y may kung anong hindi kaaya ayang nangyari.

"Tit~" hindi ko pa man nagawang tapusin ang mga gustong salitang lumabas sa bibig ko ng sampalin ako ng Papa ni Thalia.

Namanhid ang buo kong katawan sa lakas na iyon ng magsalita siya.

"Pumayag akong pakasalan mo ang anak ko kahit alam kong hindi mo siya kayang mahalin...pero anong kaluluwa at puso ang meron ka para hayaan siyang magdusa!" Asik nito ng napaawang ang labi ko.

Pero nahinto ako at kaagad pumasok sa pintuan ng kwarto sa narinig kong pagsigaw na mula roon.

Nanindig ang balahibo ko....si Thalia na ngayon ay pinipilit na pakalmahin sa pagwawala na ginagawa niya.

"YUNG BABY KO! YUNG BABY KO, N-NASA LABAS YUNG BABY KO!!..PAKAWALAN NYO AKO! BITAWAN NYO AKO" sigaw nito.

"Miss..Wala na po ang baby ny~"~

"SINUNGALING KA!!.BUHAY ANG ANAK KO!! BUHAY ANG ANAK KO" sigaw pa nito ng akmang tutusukan siya ng pang patulog ng malakas akong tumikhim dahilan para maagaw ko ang atensyon nila.

"What happened to her?" Tanong ko sa doctor ng makalapit ako.

"Tumatakas siya kanina...dala dala ang sanggol ng isang babae, pinagkakamalan niyang baby nya" saad nito ng kumunot ang noo kong napatingin mula kay Thalia.

She's depressed.
Kitang kita ko ang pagkaputla ng balat niya...madiin akong napalunok ng tinanguan ang mga doctor kaya umalis sila at naiwan kami ni Thalia.

"Mahirap ipaliwanag, pero maniwala ka naman...wala na ang bata, patay~" hindi ko yun nagawang tapusin ng humahagulgol siyang napatitig sa mga mata ko.

"TSNGIN KA! WALA KANG KWENTA!! WALA KANG PUSO..WALA KANG KALULUWA...BAKIT? CADEN BAKIT? BAKIT ANG DALI DALI SAYO NA MAWALA YUNG BABY KO?? BAKIT??BAKIT PARANG AKO LANG YUNG NASASAKTAN? DUROG NA DUROG NA AKO, PLEASE....IBALIK NIYO SAKIN YUNG BABY KO!!" Pagmamakaawa nito ng bahagya akong napaiwas ng tingin sa kaniya.

Hindi ko kayang pag usapan ang bagay na iyon lalo na at mahina pa siya....

And minutes left...

Pumasok ang isa kong kaibigan na dala ang pagkain na pinabili ko for Thalia...

MY ABUSIVE AND HEARTLESS HUSBAND Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon