CHAPTER 34

630 5 0
                                    

MY ABUSIVE AND HEARTLESS MAFIA HUSBAND

CHAPTER 34

//- CADEN'S POV-//

Nakatulala lang ako sa hangin, tila hindi ko magawang alisin sa isip ko si Thalia.

Damn it.I don't know this fucking feeling, pero sobra akong naapektuhan sa ginawa nito kanina, the way she bites her lips.Napasinghap ako ng hangin at madiing napapikit ng bahagya akong napakunot noo ng makita si Sam sa harapan ko.

"What" singhal ko ng pagak niya akong tinawanan.

"At talagang pumayag ka na si Thalia ang kabusiness in partner mo?" Singhal nito ng napa taas ang noo ko.

"Wala akong magagawa, ang management ang pumi~" hindi ko nagawang ituloy ng pinanlisikan niya ako.

"Wala kang magawa o ginusto mo?! Caden it's been a year at talagang siya pa rin ba?" Asik nito ng marahan akong tumayo at igting pangang tinitigan siya.

"Sam, tumigil ka nga sa pinagsasabi mo! Pagod ako" saad ko saka akmang tatalikuran ito ng magsalita siya.

"Hindi kana mahal ni Thalia Caden! Kaya pwede ba, stay away from her...dahil malalim na ang sugat at galit niya sayo" saad nito ng hindi ko naiwasang matawa bago siya hinarap.

"Ano bang pake mo sa nararamdaman ko Sam? Pumayag ako sa gusto mong magpaka ina sa anak ko, pero wala akong sinabi na mamahalin kita! Nagkamali ako, nasaktan ko si Thalia, yes. I admitted pero minahal ko siya ng ako lang ang nakaka alam, akin pa rin si Thalia" saad ko ng tuluyan na akong iniwanan siya.

________

//-SAM'S POV-//

Pasinghal akong napaupo sa sofa at nanlilisik na sinundan ng titig si Caden. F*ck! Hindi siya pwedeng bumalik kay Thalia, ilang taon kong tiniis ang nararamdaman ko at ayoko na mauwi lang ang lahat sa wala.

I will do everything para tuluyan kayong magkasira..At sisiguraduhin ko na mamamatay muna ang isa sa kanila bago mangyaring magka ayos sila.

________

//-THALIA'S POV-//

Itinabi ko ang manika na iyon, hindi ko alam kung sino bang tao ang gagawa ng bagay na iyon.Pero...alam kong kagagawan ito ni Sam, para ano? Ipamukha sa akin na may anak siya na masaya sila, habang ako heto?namumuhay sa poot at galit na paghihiganti.

"Saan lakad mo?" tanong ni Yra ng pababa na ako sa hagdan.

Nakasuot ako ng fit red dress saka tinalbugan ng make up, ewan ko kay Drex kung bakit pero tumawag siya kanina at may gusto daw siyang sabihin hindi ko alam kung tungkol saan.

"May lakad kami ni Drex" sambit ko ng biglang mapang asar itong napatawa.

"Ano yan date??" Tanong niya ng asikan ko ito.

"Yra, magkaibigan lang kami ni Dre~" hindi ko nagawang ituloy ng magsalita siya.

"Kaibigan lang tingin mo, eh siya??..kaibigan din ba?" Saad nito ng napatigil ako bago suminghap ng hangin.

"Hindi pa ako handang makipag relasyon" saad ko

"Hindi pa?? Bakit? Kase umaasa ka pa rin kay Caden ganun ba?" Tanong pa nito ng tila napaawang ang labi ko sa sinabi niya.

"Ano?! Hindi ako umaas~"..

"Pwes gawin mo! Ipamukha mo sakin na mali ang inaakala ko" saad pa nito ng irapan ko nalang siya bago lumabas ng narinig ko ang pagbusina ng kotse.

Mula sa labas.
Tanaw na tanaw ko si Drex na tila abot langit ang ngiti na ikinakunot noo ko

"Drex? Saan ba lakad natin?!" Tanong ko ng bigla nitong inilahad ang kamay niya sa harapan ko.

"Hindi na surprise kapag sinabi ko sayo, by the way...you look so hot and gorgeous" sambit nito ng ngumiti lang ako ng mapait.

Nang makasakay ako sa kotse naging mabilis ang pagharurot nito papunta sa isang lugar na hindi ko inaasahan

Sa park.

Sobrang dilim ng paligid, nang mapakunot akong napatingin kay Drex sa biglang paglabas ng panyo nito sa bulsa niya.

"D-drex??" garagal na salita ko dahil sa kaba sa kung ano man ang gagawin niya.

Bumaba ako sa kotse na may takip na panyo ang mata ko dahil gusto nitong masorpresa ako

"Drex saan ba kasi!" natatawang sabi ko ng tumigil na kami sa paglalakad, dahan dahan nitong tinanggal ang panyo sa mga mata ko at tumambad sa harapan ko ang maraming lobo, magandang disenyo...mga pictures ko at kung ano ano pang nakakabigla.

"Drex anong ibig sab~" hindi ko nagawang ituloy ng bigla siyang lumuhod sa harapan ko kasabay ng paglakas ng musika na nasa kotse niya, tila kakaibang kaba sa dibdib ko ang nararamdaman ko sa paglabas ng maliit na kahon sa bulsa niya.

"Thalia, alam kong naging masakit ang nakaraan mo sa kamay ng isang lalaking minsan mong minahal, pero maaari ba...na hayaan mo akong magpakatotoo sa nararamdaman ko sayo?!.." saad nito.

"Drex, hindi pa ako~".

"Hindi kita pinipilit na sagutin ako" natatawang sabi niya ng kumunot ang noo ko..."i just want to feel the feeling na totoong girlfriend kita kahit hindi boyfriend ang tingin mo sa akin. Thalia Ruiz Cheng, can you be my girlfriend?. Aangkinin ka, aalagaan ka, mamahalin at sasambahin ka, can i be your temporary boyfriend?" Saad pa nito ng tila napataas ang kilay ko.

"D-drex masasaktan k~'..

"Parte ng pag ibig ang masaktan. At handa akong paulit ulit na masaktan maramdaman lang na akin ka! Promise, sa oras na may iba, sa oras na mahal mo pa rin siya at kailangan mong pumili between me and Caden! Pangako...lalayo ako, pero hayaan mong kahit na sana sandali! Maging boyfriend mo ako? Again, Thalia Ruiz Cheng...can you be my girlfriend" tanong nito ng tila napaangat ako ng tingin sa lakas ng kabog sa dibdib ko.

At tila nanlaki ang mga mata ko sa pag ikot ng mata ko sa paligid....isang lalaking hindi ko inaaasahan ang nakita kong nakatitig mula sa akin

He smiled bitterly nang tila namanhid akong napaiwas mula sa kaniya.

Anong ginagawa niya dito??.

"Y-yes...Yes Drex" hindi ko alam kung bakit iyon nalang ang lumabas sa bibig ko...

At nung niyakap ako ni Drex....sa puntong iyon ay tumalikod si Caden na nasa hindi kalayuan mula sa kinaroroonan namin.

TO BE CONTINUE

MY ABUSIVE AND HEARTLESS HUSBAND Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon