CHAPTER 36

636 6 0
                                    

MY ABUSIVE AND HEARTLESS MAFIA HUSBAND

CHAPTER 36: accidentally

//- CADEN'S POV-//

MINUTES LEFT;

Hindi ko pa rin magawang ipasok sa kokote ko ang mga nangyari, the way she looks at me alam kong may hinanakit siya, alam kong kakaiba pa rin yung mga titig niya.

Pero bakit niya nagawang halikan si Drex? Ibig sabihin hindi siya nagbibiro sa mga sinabi niya? Na mahal niya na nga ang kaibigan ko? Paano ako? Paano kami? Kung alam ko sa sarili ko na kasal pa rin kaming dalawa.

The divorce paper is fake

Kaya pagmamay ari ko pa rin siya, she's still my wife.I'm still his husband.

Para akong namanhid sa kinatatayuan ko ng sinundan ko sila ng tingin, napahiya akong pinulot ang bulaklak mula sa sahig saka lumapit sa isang kasambahay na animo'y kinikilig sakin.

"Sir??" saad nito ng iabot ko sa kaniya yung hawak ko.

"She didn't appreciate it. Sayo na" sambit ko saka tumalikod.

"Sir? Talaga po??" Saad nito ng tumango lang ako pero hindi na ako kumibo at nagsalita pa.

Pinaharurot ko na rin ang kotse pauwi sa mansyon dahil balak ko pang sunduin ang anak ko, in short anak namin ni Thalia.

Isa pang problema ko..

Kung paano ko nga ba sila paglalapitin, kung paano ko ipaparamdam kay Thalia na buhay ang anak naming dalawa.

"Where's my daughter" malamig ang tono ng boses kong tanong.

"Sir nasa loob po kasama si Misis Montenegro" usal nito ng bahagya akong tinanguan siya, at mula sa pagpasok ko...nakita ko si Mama at ang anak kong tila nagkakalabuan sa pag uusap.

Kitang kita ko ang galit ni Mama.

"ANG KULIT MO TALAGANG BATA KA EH NOH! WALA KANG SILBI, PURO KA LARO AYAN TULOY! NABASAG YUNG VASE...WALA KA TALAGANG KWENTAAA!!" saad nito ng tila nanlaki na ang mata ko sa ginawang pagpingot ni Mama sa tenga ng bata.

"MA!!" sigaw ko ng hinila ang anak ko papalayo sa kaniya. "Ano ba? Pati ba naman bata papatulan nyo pa" singhal ko ng umirap siya at maarteng napatitig sa akin.

"Paano naman kase ang tanga tanga! Ilang beses ko ng binawal pero ayaw magpapigil! Ewan ko ba...pero ang init init ng ulo ko sa batang yan!" Saad nito ng nanlaki ang mata ko sa kaba

Kung gaano kainit ang ulo niya kay Thalia ganun rin sa bata.Kaya dapat lang na hindi pa pwedeng malaman ng karamihan ang sekretong tinatago ko.Na buhay ang anak namin.

Umiiyak ang anak ko ng bigla ko siyang pinakuha sa isang kasambahay, seryoso akong tumingin kay Mama.

"Wag nyo naman na sanang patulan yung bata. Nakakasakit naman kayo, pati ba naman anak ko pagbubuntungan nyo ng galit" saad ko ng suminghal siya.

"Eh bakit hindi??!..Isa pa! Bakit ano itong nababalitaan ko?na si Thalia daw ang kabusiness in partner mo? Are you damn f*cking crazy?" Singhal nito ng napataas ang kilay ko.

"Management ang gumawa ng hakbang hind~".

"Then do everything para mapalayas siya sa kompanya! Pahirapan mo siya, saktan mo siya...every~" hindi pa man nito nagawang ituloy ng asik akong pagak na tumawa.

"Ma! Iba na si Thalia! Kung noon kayang kaya natin siyang saktan at apakan pwes ngayon hindi na! Ano ba tama na! It's been years passed, nananahimik na yung tao!" Saad ko ng asikan niya ako.

"Bakit? Naaawa kaba? Natatakot kaba sa kan~".

"Im not!." Walang ganang sagot ko saka ito tinalikuran.

MY ABUSIVE AND HEARTLESS HUSBAND Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon