Chapter 16

95 3 4
                                    

Charles POV

Nasa ilalim kami ng malaking puno at may mga kawang nakapalibut kaya mahirapan daw kami mahanap ng mga kalaban dahil sa liblib ng lugar.
Nakahinga ako ng malalim at nilingon ang mga kasama ko. Nakita ko ang kaba atakot sa mukha ni Hance at Andria habang niyayakap ang anak ni Jeon.

Matagal kaming nag tago dito. Malaki rin kasi naman yung pinagtaguan kaya lumayo nalang muna ako sa kanila ng kaunti at nag-isip.

Nag-alala kaba?” napalingon nalang ako sa likuran ko ng makita ko si Kairo. Umupo ito at tinabihan ako.

Ano kaya nangyari kay Shin bakit ang tagal niya
Napansin ko ang pag bugtong hininga nito.

Sa tingin mo ba kinaya ni Shin na talunin sila?”balik namang tanong nito sakin.
Siguro dahil pabida yun” inis kung sabi.

Bahagyang napatawa namang itong katabi ko. “Hindi tayo sure kasi sa totoo lang kita sa mata niya na malakas siya” sabi nito.

Naputol nalang yung pag-uusap namin ng may naramdaman akong paparating. Naramdaman rin iyon ni Kairo kasi napahinto rin ito at hindi na nagsalita. Naghanda kaming dalawa samaaring mangyari.

May tao ba dito?” napabugrong hininga nalang ako sa nari ig kung pamilyar na boses.
At pumasok naman ito at nalaman ko ito yung lalaki kanina.

Asan yung mga kalaban? Napatay muba? ” tanong ko sakto pagpasok nito.

Nakatakas sila” sagot nito at tinalikuran lang ako.

Dahil sa inis ko hinawakan ko yung balikat niya at saka pinaharap sakin pagkatapos sinuntok ko ito sa mukha. Natuba ito sa malakas na suntok binigay ko sa kanya. “Akala koba kaya mo sila bakit mo siya pinatakas huh?” galit na sigaw ko sa kanya.

Young master shin”pag alalay ni Di kay shin na makatayo. Ng makatayo ito hinawakannito yung pisngi sa banda kung saan ko siya na suntok.

Lumapit ito sakin at nakipagmata sa mata. Hindi ko maiwasang tignan ito ng masama. Saka siya bumolong sakin“Sinadya ko talaga silang patakasin” sagot nito. Pero yung boses niya hindi ito yung boses na mabait bakit parang kinabahan ako na hindi ko alam bakit. Nag iba yung ihip ng hangin.
Pasinsya ng natagalan akong bumalik at natakasan ako ng mga kalabanan hindi ko sinadya po” sabay kamot nito sa batok at malaki ang ngiti na pinakawalan nito.

Wag muna alalahanin yun ang mahalaga hindi ka napano” pag-alalang sabi ni Andria dito.

Salamat sa pag-alala...” nag bow pa ito “Nga pala hindi tayo dapat mag tagal dito at dapat nating umalis at magtago at may alam akong lugar” sabi nito

At paano ka namin pagkakatiwalaan huh?” giit kung tanong sa kanya.
Wag kang mag-alala Charles si Shin ay apo ni Master at pamangkim siya ni Isuko” paliwanag ng Di sa amin.

Pero hindi parin ako magtiwala kahit apo man siya nito.
Hindi ko hihilingin na pagkatiwalaan niyo ako pero sana papayag kayo na sumunod sakin sa safe na lugar para sa inyo para hindi kayo masaktan” sabi nito.

Charles” napalingon nalang ako kay Kairo na hawak yung balikat ko “Wala naman masama kung pagkatiwalaan natin siya wala naman akong nararamdamang masama kung papayag tayo” dagdag niya.

Huminga ako ng malalim at walang magawa kung hindi pumayag “Pero kung isa kaman sa kalaban hindi ako mag dadalawang isip patayin ka” pagbabanta ko dito.

Gawin mo kung anong gusto mong gawin sakin kung tama yang hinala mo sakin
Saka ito nag simulang maunang maglakad sa amin.

Shin POV

I am The Mafia Boss (he is the mafia boss season 2)Where stories live. Discover now