CHAPTER ONE
Six years later.
JAZZLENE
TAHIMIK akong nakaupo sa bus stop shelter habang hawak ang phone ko—nag-iisip kung sino sa mga Kuya ko ang dapat kong tawagan para magpasundo. Umaagos ang luha ko at nanginginig na ang katawan ko sa ginaw dahil basang-basa ako. Hindi sa ulan. Walang ulan.
It's just that... nakasuot ako ng two-piece, basa 'yon at pinatungan ko lang ng t-shirt dahil may get together kami ng mga kaibigan ko dito sa isang hotel and resort. Ako, sina Camille, Violet at Leigh. Nakaugalian na namin na after ng exam ay nagbo-bonding kami para pambawi man lang sa mga stressful days namin.
Nakabihis na kaming apat na magkakaibigan kanina. Naka-two-piece at nakalublob na sa swimming pool when I spotted someone na hindi gaanong kalayuan sa amin. Out of curiosity ay sumilip ako sa mga siwang ng mga halamang naroon. And to my surprise, doon ko nasilip si Dominic, my boyfriend.
He was flirting with someone, someone na hindi ko akalain na papatulan niya.
Lalaki!
The way they hold hands, there was something between them! Hindi 'yon maikakaila kung paano nila tingnan ang isa't isa at kung paano sila magngitian.
I was hurt. So hurt. Parang nanghina ang buong katawan ko at hindi kinaya ang nakita ko kaya umahon ako agad-agad sa swimming pool at nagpaalam sa tatlo kong kaibigan. Nagpalusot ako na biglang sumama ang pakiramdam ko at gusto ko na lang umuwi. Gusto rin nilang umahon at samahan ako sa kuwarto namin pero pinigilan ko sila at sinabi kong ako na lang. Hindi sila puwedeng sumama. Kung sasama sila, paano ako iiyak? Siguradong bu-bully-hin lang nila ako kaysa damayan, lalo at pang-asar sila.
Dinampot ko ang cell phone ko sa sunlounge at nagawa kong umalis mag-isa nang hindi na sila nagpumilit pa. Pero on my way sa room namin, narinig kong may tumawag sa pangalan ko.
"Jazzlene?"
When I looked back, I was taken aback when I saw him. Ang walang-hiyang si Dominic. Kasama niya ang lalaking katabi niya kanina na halos kaedad niya rin. Bumaba ang tingin ko sa mga kamay nilang magkahugpong at nang mapansin niyang nakatingin ako ro'n ay agad siyang bumitiw sa kamay ng kasama.
"Babe—"
"Don't babe me!" I yelled, cutting him off. Naiiyak na ako. Nanginginig ang katawan ko sa galit. "Kadiri ka, Dom! Yuck! All this time pala niloloko mo na lang ako? Nagpapanggap kang lalaki?!" My tears fell. Mas okay pa sana kung sa babae siya nag-cheat, pero mas masakit pala kapag sa lalaki. Bakit? Ano ba'ng kulang sa 'kin? May dede at pepe ako! Itong lalaking 'to, wala! So, why?!
"Babe, I... I..." he stammered. Humakbang siya palapit sa 'kin at noong aabutin na niya ang kamay ko, sinamantala ko ang pagkakataon at pinalipad ko ang kamao ko sa mukha niya. Yes. Suntok ang ginawa ko imbes na sampal. Sinadya ko 'yon lakasan, tipong magkakaroon siya ng black eye.
Napaingit siya sa sakit ng suntok ko, pero bago pa man siya makapagsalita, hinablot ko ang puting t-shirt na nakasukbit sa balikat niya, 'tsaka ako mabilis na tumakbo palabas sa hotel. Habang palayo, iniladlad ko ang t-shirt na kinuha ko sa kaniya at 'yon ang idinoble ko sa suot kong two-peace. Nakapaa ako at hindi ko alam ngayon kung saan ako pupunta. Pero isa lang ang nasisiguro ko, hindi ako puwedeng pumunta sa room namin ng mga kaibigan ko dahil kapag nakita nila akong umiiyak doon, siguradong magsisimula na ang World War 4. Dahil may motto kaming, 'Ang kaaway ng isa, kaaway ng lahat.'
Kaya ngayon ay na stuck ako rito sa bus stop.
I mentally scrolled through my limited options. First, walang bus na dumaraan sa lugar na 'to kapag weekend. Wala ring taxi. Second, kahit may maligaw na isa, I don't have my wallet. Naiwan 'yon sa room sa hotel. Third, kung sasakay ako sa taxi na ganito ang hitsura ko, baka mapahamak lang ako. Litaw na litaw ang legs ko at bakat ang katawan ko sa manipis na t-shirt, lalo pa at halos kaaahon ko lang sa pool.
BINABASA MO ANG
THE RUTHLESS BILLIONAIRE BABYSITS ME (R18+)
Romance🔞BAWAL SA BATA🔞 •READ AT YOUR OWN RISK! •COMPLETED Highest ranking: #1 Plottwist, #1 brothersbestfriend, #1 lovehaterelationship Adam Meadows is a ruthless billionaire, with a heart hardened by a relentless thirst for vengeance. Consumed by the...