CHAPTER SIXTEEN
ADAM MEADOWS
I wasn't quite sure kung ano ang nabakas ko sa mukha ni Jazz kagabi noong sinabi ko sa kaniya na baka hindi ako makauwi sa bahay nila. Para siyang nalungkot. Or did I just hallucinate? Pero bakit naman siya malulungkot? Siya nga itong gustong magpaalis sa akin sa bahay nila dahil bukambibig niya na kaya na niya ang sarili.
Gusto ko sana siyang imbitahin at isama sa bahay namin, pero hindi ko alam kung paano. I don't even bring women to my penthouse, so how would it work at my place with my parents and my sister around? Plus, I had no clue how to explain things to Mom, Dad, or my sister if they asked who I was with.
Kilala nila ang mga kuya ni Jazz dahil naipakilala ko na ang tatlo sa kanila noon pang high school kami. Alam nilang matalik kong kaibigan ang tatlong Hart pero si Jazz ay hindi nila kilala. Ang alam lang nila ay may kapatid pang babae sila Zane, but they've never met her because I only ever brought those three idiots to the house—back then. Plus, Jazz was still pretty young at the time.
Kunot ang noo ko sa pag-iisip, pero agad kong naramdamang nabanat 'yon dahil sa pagngisi ko nang maalala na naman ang nangyari kagabi. Si Jazz. 'Yong nahulog sa sahig matapos niyang ilagay sa sink ang pinagkainan niya. Hilaw na karne ng manok na inilagay niya sa plastic at siya niyang ginawang palaman sa dibdib niya.
Hanggang ngayon ay natatawa pa rin ako kapag naaalala ko 'yon. Kaya pala noong magkaharap kami sa pinto pa lang matapos ko siyang pagbuksan, napansin kong parang may kakaiba na sa kaniya, particular sa dibdib niya. Obvious na nilagyan niya 'yon ng pampaumbok. Pero bakit kasi hilaw na karne ng manok pa?
I was dying to ask her last night kung bakit 'yon pa ang naisip niyang gamitin, pero hindi ko na nagawa dahil sumisigaw siyang nagtatakbo palayo para umakyat sa kuwarto niya. I understand her, though. Because if I were in her shoes, baka ibitin ko na lang ang sarili ko sa lubid dahil sa kahihiyan.
Pero bakit niya 'yon ginawa? Was she trying to impress me? Dahil ininsulto ko ang dibdib niya? 'Yon ba ang pinagkaabalahan niya kaya niya ako matagal na hindi pinansin?
Napansin ko kasi ang pag-iwas niya sa 'kin simula no'ng hindi ako umuwi sa bahay nila no'ng gabi na may schedule kami ni Lexi—my f*ck buddy. Pagkatapos ng two rounds namin sa hotel kung saan kami nag-check in, I went straight back to the office to wrap up the work I'd been putting off kaya naging busy ako. But ever since then, it felt like Jazz had built a wall between us.
Kagabi niya lang ulit ako kinausap, no'ng kumatok siya sa kuwarto ko para yayain akong kumain. Timing pa ang pagkakahulog ng chicken breast sa dibdib niya para gawing magaan ang pakiramdam ko, kahit na para sa kaniya alam kong mabigat ang nangyari.
"Sir Adam?" Nag-angat ako ng tingin nang marinig ko ang boses ni Ezra. Hindi ko namalayang pumasok siya sa office.
"Yes?" I asked, serious.
Kunot ang noo niya akong tiningnan, na parang nawi-weirdo-han sa 'kin. "Do you have a problem, sir?"
"No. I don't. Why?"
"Kanina pa po kayo nakangiti at natatawa."
F*ck. I glanced down at my watch and saw the time. 6 p.m. ang out niya at 5:55 na. "It's almost time. You can go home." I nudged my chin at the door para palabasin na siya. I feel embarrassed dahil ito ang unang beses na naabutan niya akong napapangiti at natatawang mag-isa. It was weird for me, too.
Noong sumara na ang pinto, tumayo na rin ako sa working chair ko at iniligpit na ang laptop sa desk ko maging ang ilang proposals na ni-re-review ko kanina. Uuwi na rin ako ngayon dahil kanina ko pa natanggap ang message ni Mom, pati ng kapatid kong si Fritzie na nasa bahay na sila. Madalang lang kaming magkita-kita dahil occasional lang ang pag-uwi nila sa bansa dahil busy rin si Mom at Dad sa business naming naka-base sa Australia, kaya naman gusto kong ilaan ang oras ko ngayon sa kanila.
BINABASA MO ANG
THE RUTHLESS BILLIONAIRE BABYSITS ME (R18+)
Romance🔞BAWAL SA BATA🔞 •READ AT YOUR OWN RISK! •COMPLETED Highest ranking: #1 Plottwist, #1 brothersbestfriend, #1 lovehaterelationship Adam Meadows is a ruthless billionaire, with a heart hardened by a relentless thirst for vengeance. Consumed by the...