CHAPTER TWENTY-SIX
JAZZLENE
TWO days na kaming hindi nagkikita ni Adam dahil kasama ko sina Mommy at Daddy sa bahay. Anyway, kaya hindi nakauwi agad sina Mom after nilang magpunta sa VIP Art Preview ay dahil kagagawan ng assistant ni Adam. Ang loko, sinabotahe ang sasakyan ni Dad para hindi magamit pauwi. Then, nagpanggap itong taxi driver.Habang nakasakay sa kaniya pauwi sina Mom at Dad, nakita nila ang flyer kuno na sinadyang iwanan ni Ezra sa backseat about sa libreng accommodation sa hotel kapag couple ang mag-c-check in at nasa sampung taon nang nagsasama, with free buffet and other services. Dinaldal ni Ezra ang parents ko at nakumbinsing doon magpahatid kaya safe kami ni Adam noong gabing 'yon.
Sa dalawang araw na narito sila, hindi muna umuwi rito si Adam. Ang sabi niya kina Mom ay doon muna siya sa bahay nila dahil marami rin daw siyang kailangan asikasuhin sa Meadows Group. At sa dalawang araw na narito ang parents ko, si Daddy muna ang naghahatid at sumusundo sa akin sa school. Ganunpaman, hindi ko kinalilimutang mag-text kay Adam para i-update siya sa mga ganap ko sa buhay. Hindi dahil 'yon ang usapan namin nang pumayag siyang bantayan ako, kundi dahil kasama rin 'yon sa kontratang pinirmahan ko.
Kailangan ko siyang i-update sa mga ginagawa ko, lahat kailangan kong ipaalam sa kaniya. Pero ang nakaiinis lang, kapag ako na ang nagtanong sa kaniya kung ano'ng ginagawa niya at kung nasaan siya ay hindi niya ako ni-re-reply-an. Oo, alam ko naman kung bakit. Dahil nasa kontrata rin 'yon na bawal ko siyang kuwestyonin sa mga pinagkakaabalahan niya o sa whereabouts niya.
"So, kumusta na 'yong 'Seducing Adam Operation' mo?" tanong ni Leigh sa 'kin. Nasa loob kami ng classroom, nag-re-retouch bago lumabas dahil break time na.
I shrugged. "Ewan ko. Mukhang malabo. Siguro bakla siya kaya hindi umepek 'yong chicken breasts ko," I lied.
Natawa silang tatlo. Wala silang alam sa arrangement namin ni Adam at hindi ko 'yon puwedeng sabihin sa kanila kahit pa mga kaibigan ko sila. Wala akong choice kundi ang magsinungaling.
"Ang bobo naman kasi ng move mo, Jazz. Bakit chicken breast ang pinalaman mo sa dibdib mo? Puwede namang medyas na lang!" Si Violet, nag-a-apply ng lip tint.
"Baka mamaya niyan, 'yon pa ang dahilan kaya hindi umepek. Baka na-turn off sa chicken breasts si Adam," komento ni Leigh. Palabas na kami ngayon sa classroom para pumunta sa food court.
"Or baka nagkamali lang tayo ng akala kay Adam? Baka hindi niya talaga type si Jazz. Baka 'yong mga times noon na nahuhuli natin siyang nakatitig kay Jazz, baka normal niya lang na gawain 'yon." Si Camille.
Habang patuloy ang tsismisan nila tungkol sa aming dalawa ni Adam, natuon naman ang atensyon ko sa phone ko dahil nag-vibrate 'yon sa loob ng bulsa ng skirt ko. I took it out and saw a message from Mom.
FROM MOMMY:
Anak, napaaga ang alis namin ng Dad mo. Mamaya pa sanang gabi, pero bumiyahe na kami ngayon. Nagluto na ako ng food para may dinner ka mamayang gabi. Medyo marami 'yon kaya kung uuwi r'yan si Adam, pakainin mo rin. Commute ka na lang agad pauwi, or kapag maagang umuwi si Adam, makisuyo kang daanan ka r'yan sa school. Mag-iingat ka, ha? Love you, darling!
TO MOMMY:
Okay, mom. Ingat din kayo ni dad. Love you too!
Sunod kong hinanap sa contacts ko ang number ni Adam, tineks ko siya para ipaalam na walang susundo sa akin mamaya.
Noong nasa food court na kami at nakabili na ng pagkain ay pumwesto na kami sa bakanteng mesa. Ngunit bago ko simulan ang pagkain ko, muling nag-vibrate ang phone ko.
BINABASA MO ANG
THE RUTHLESS BILLIONAIRE BABYSITS ME (R18+)
Romance🔞BAWAL SA BATA🔞 •READ AT YOUR OWN RISK! •COMPLETED Highest ranking: #1 Plottwist, #1 brothersbestfriend, #1 lovehaterelationship Adam Meadows is a ruthless billionaire, with a heart hardened by a relentless thirst for vengeance. Consumed by the...