BONUS CHAPTER FIVE
JAZZLENE
"Are you sure? Bakit? May problema ka ba rito sa hotel?" May halong concern ang tono ni Ate Brianna nang banggitin ko sa kaniya ang plano kong pag-re-resign. Plano pa lang naman, hindi pa talaga ako sure.
Bahagya akong ngumiti. "Hindi. Walang problema. Ano lang, uh, personal problem," sagot ko, hoping na huwag na siyang mang-ungkat pa. Mukhang nahalata naman niya na hindi ako handang magsabi kaya hindi na siya nang-usisa pa.
Pagdating ng lunch break namin, nakatanggap ako ng message kay Adam, pinapupunta niya ako sa office niya para sabayan siyang kumain since narito siya ngayon sa hotel. As usual, pasimple ulit ang pagpunta ko roon. Kunwari ay may inutos sa akin si Sir Mikko, dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin alam ng mga tao rito na may relasyon kaming dalawa.
Pagdating ko sa opisina niya, naabutan ko siyang nakapuwesto na roon sa sofa na nasa center. Naihain na rin niya ang pagkain sa salaming mesa kung saan kami lagi kumakain sa tuwing narito ako.
"How's my princess doing today?" Malapad ang ngiti niya sa akin nang bumaling siya sa direksiyon ko. Bago pa man ako makalapit, tumayo siya sa upuan niya at sinalubong ako ng yakap.
"Okay lang," tipid at walang buhay kong sagot.
Iginiya niya ako papunta sa sofa para makapagsimula kaming kumain. Kung dati-rati ay magkaharap kami, this time ay magkatabi kami. Tumabi siya sa akin at siya ang naglagay ng pagkain sa plato ko. Pero kahit gaano pa kasarap ang mga putaheng nakahain sa harap ko, wala pa rin akong gana. Hanggang ngayon kasi ay magulo pa ang isip ko.Gusto ko siyang kausapin, mayroon kaming mahalagang bagay na dapat pag-usapan, pero hindi ko alam kung paano ko bubuksan sa kaniya. Kinakabahan ako. Pati ang balak kong pag-re-resign ay hindi pa niya alam. Bukod kay Sir Mikko at Ate Brianna, wala pa akong ibang napagsabihan ng balak kong 'yon.
"Baby, what's wrong?" he snapped. Hindi ko namalayang nakatitig na pala siya sa 'kin, habang nakatitig naman ako sa pagkaing ipinrepare niya para sa 'kin. "Hanggang ngayon ba binubuswit ka pa rin ni Zane dahil sa nangyari?"
I sighed as I turned to him. Ang tinutukoy niya ay 'yong araw na pinatulog niya si Kuya Zane at nagising ito sa araw mismo ng flight niya. Then, si Kuya Zane, walang kamalay-malay na halos dalawang araw siyang tulog. Ang akala niya ay isang araw lang ang lumipas, kaya nang makita niya ang date sa screen ng phone niya, nagalit pa siya sa amin at inakalang pinrank namin siya para palitan ang date roon. Galit na galit ito sa amin noong araw na 'yon and he even banned Adam from coming into our house. Ako man ay napagalitan ni Kuya Zane at sinumbong pa ako kay Mom at Dad na doon nag-overnight si Adam. But that was almost two months ago. Hindi na 'yon ang pinoproblema ko dahil lumipas naman na 'yon at okay naman na ulit kami sa bahay. Medyo naka-move on na rin si Kuya Zane kaya nakakapunta na roon si Adam simula pa noong isang buwan.
"Jazz," napabuntong-hininga rin siya, "kung hindi ka magsasalita, wala akong magagawa para i-solve kung ano man ang bumabagabag sa 'yo." He took my hand, placed it in his lap and squeezed it gently. "Akala mo ba hindi ko napapansin na isang linggo ka nang mailap sa 'kin? Parang lagi kang wala sa sarili. Ano ba'ng problema? May nagawa ba 'ko?"
"Adam..." Nagsimula nang magluha ang mga mata ko. This is it. Hindi ko na rin kayang sarilinin ang bagay na dalawang linggo ko nang pinoproblema, na dapat sana ay problema naming dalawa. "Mukhang... mukhang kailangan ko nang mag-resign."
Agad nagsalubong ang kilay niya sa pagtataka, pero may halong concern sa mga mata niya. "What? Why? I mean, what's wrong? Do you have a problem here—"
"I'm preggy."
"Preggy? What's that supposed to mean?"
"Pregnant! Buntis ako, Adam." Napaiyak na ako, pero tahimik lang, habang nakatingin sa kaniya sa kagustuhan kong makita ang reaksyon niya. But his expression was unreadable. Nakatitig lang siya sa akin.
Ito 'yong dalawang linggo ko nang pinoproblema dahil hindi ko alam kung paano sasabihin sa mga magulang ko, knowing na very traditional sila and religious. Ayaw nila ng ganito. Siguradong hindi sila matutuwa na nabuntis agad ako nang hindi pa kami kasal ni Adam.
"Are you kidding me, Jazzie? Paano 'yon nangyari? You have birth control implant."
Umiling ako nang sunud-sunod, umaagos ang luha ko. "W-Wala na 'yon. Ipinatanggal ko 'yon after a month matapos kang bugbugin nila kuya sa bahay namin. N-Naisip ko kasi na hindi ko na 'yon kailangan dahil hindi naman na tayo magkikita that time."
"Why... didn't you tell me?"
I sobbed. "Hindi ko rin naalala, Adam. Nawala na 'yon sa isip ko dahil medyo matagal na rin ang lumipas, lalo pa at ang tagal mo sa Singapore. Hindi na 'yon sumagi pa sa isip ko. Nito ko lang na-realize noong na-delay na monthly period ko, at... may kakaiba na akong nararamdaman. I... I took a pregnancy test, and it was... positive."
"Fuck," he muttered, disappointment stamped on his face. Iyon ang nagtulak sa akin para pahirin ang luha ko sa pisngi. Hindi ko nagustuhan ang reaksyon niya kaya napatayo ako sa upuan ko. Sinundan niya ako ng tingin, nakatingala siya sa 'kin.
"Bakit ganiyan ang reaksyon mo? A-Ayaw mo sa bata?"
He quickly massaged his temple before answering. "It's not like that, Jazz. I, I, uh... I wasn't expecting this."
"No one does, Adam. Pero kagagawan natin 'to pareho, kaya bakit parang wala sa loob mong tanggapin?" An unexplainable pain settles deep in my stomach at the thought of him not wanting our baby.
Tumayo siya sa upuan niya at hinarap ako. He reached for my hands while looking into my eyes. "Jazzie, I told you, it's not like that. I'm just... I'm not ready to share you with anyone. Nagsisimula pa lang tayo. We—"
"So?" I interjected, cutting him off. "So, what now, Adam?" I raised an eyebrow. "Ano'ng gusto mong mangyari? Tatanggihan mo 'yong bata dahil sa makasarili mong dahilan? Dahil lang sa ayaw mong may kahati sa 'kin? Bakit? Ibang tao ba 'tong dinadala ko? Iba ba 'to sa 'yo? Sperm mo 'to, ulol! Laman at dugo mo! Ngayon, kung ayaw mo sa kaniya, ayaw ko rin sa 'yo! Mag-isa ka! Hindi mo 'ko masosolo! A*shole!"
Umiiyak akong tumakbo palabas sa opisina niya. Narinig ko pa ang mahina niyang pagmumura bago ang kalatok ng sapatos niya sa tiles para sundan ako. "Jazz, hold on!"
Hindi ko siya pinakinggan. Sumakay ako sa elevator at sinikap kong mai-close 'yon bago pa niya ako abutan. Pagdating ko sa lobby, tinungo ko ang front desk para kuhanin ang bag ko. Nagulat pa si Ate Brianna at Ate Aidee nang makita nila akong umiiyak, bakas ang pagtataka sa mukha nila. Pero hindi nila nagawang magtanong dahil naabutan ako ni Adam at hinigit nito ang braso ko para iharap ako sa kaniya. Hinihingal siya.
"I'm so sorry, Jazz. Let's talk it out, okay?"
"Talk it out your face!" Um-echo sa lobby ang napalakas kong boses, dahilan nang tila pagtigil ng mundo sa paligid namin. Hindi lamang mga empleyado sa hotel ang naagaw ang atensyon, maging ang ilang guest na nasa paligid. Bakas sa mukha nila ang pagtataka sa pagtaas ko ng boses sa kinikilala nilang boss, pero wala akong pakialam.
BINABASA MO ANG
THE RUTHLESS BILLIONAIRE BABYSITS ME (R18+)
Romance🔞BAWAL SA BATA🔞 •READ AT YOUR OWN RISK! •COMPLETED Highest ranking: #1 Plottwist, #1 brothersbestfriend, #1 lovehaterelationship Adam Meadows is a ruthless billionaire, with a heart hardened by a relentless thirst for vengeance. Consumed by the...