Chapter Forty-Seven

21.1K 261 11
                                    

CHAPTER FORTY-SEVEN

ADAM MEADOWS

Sa ilang araw na lumipas, I was still consumed by the need to figure out who was responsible for my parents death. Every waking moment, every thought was fixated on this single goal. I had to know who orchestrated the tragedy that tore my life apart.

Determined to find answers, I went to the jail myself. The two men who had delivered the gas tank to our house were locked up there, and I needed to confront them. As I walked through the cold, sterile corridors of the prison, my heart pounded with a mix of rage and anticipation.

When I finally saw them, sitting behind the bars, my blood boiled. T*ngina. I felt a deep and intense anger surge through me. My vision blurred for a moment, and all I wanted to do was pull out a gun and blow their heads off right there and then. The image of their lifeless bodies, a small recompense for the pain they caused, flashed through my mind. Pero pinigil ko ang sarili ko. Hindi ko pa sila puwedeng tapusin dahil kailangan ko pa sila.

I took a deep breath, trying to steady my trembling hands and calm my racing heart. I couldn't let my anger take over. Not yet. I walked closer to the bars, my eyes never leaving theirs. Wala akong makitang anumang pagsisisi sa kanila. Imbes, pagtataka ang nakikita ko. Nagtataka sila kung sino ako.

Hindi nila ako kilala dahil nagbilin ako sa police officer na huwag banggitin kung sino ang bibisita ngayon sa kanila. Pare-pareho kaming nakupo nang tahimik, at mula sa nakapagitang rehas sa amin, nagtanong ang isa sa kanila.

"Sino ka?"

T*ngina mo.

Pilit kong kinalma ang sarili. Siguro kung hindi ko na sila kailangan, hindi ako magdadalawang-isip na tapusin na sila ngayon.

"Who ordered—" I paused a bit. "Sino'ng nag-utos sa inyo?" I continue, my voice low but firm. Nang hindi sila kumibo, nagpatuloy ako. "Meadows family. The serial murder. Sino'ng nag-utos sa inyo?"

Natulala silang dalawa, pero sandali lamang. Halos ilang segundo lang at nakabawi rin sila. Bahagya pang natawa ang isa na para bang isang malaking biro ang krimeng ginawa nila. T*ngina.

"Nag-utos? Sino ka ba?" matigas at kampanteng sagot ng lalaking mahaba ang buhok at kulot.

"Sino ako?" I got out of the chair and moved closer to the bars, my voice low and filled with barely contained fury. "Ako ang panganay na anak ng mag-asawang pinatay n'yo. Kapatid ko ang batang babaeng inalisan n'yo ng karapatang makilala ang mga magulang na bumuo sa kaniya. I'm the one who lost my parents because of your senseless act."

Both men fell silent, their eyes wide with shock and fear. One of them swallowed hard, his Adam's apple bobbing nervously. "P-Panganay... na anak?" he stammered; anxiety clear in his voice.

I gripped the cold metal bars tightly, feeling the rage simmering just beneath the surface. "Oo. Ako ang panganay na anak at natirang buhay sa pamilya ko dahil mga tanga kayo. Kinuha n'yo lahat sa 'kin. Magulang ko, kinabukasan namin ng kapatid ko kasama sila, at katahimikan. Kaya ngayon, kailangan n'yo akong tulungan para hanapin ang taong nag-utos sa inyo. Ang taong humubog sa inyo para maging mamamatay-tao."

"Wala kaming alam sa sinasabi mo," kampanteng sagot ng isa, na akala mo ba ay nawawalang laruan lang ang tinatanong ko.

Muli akong sumandal sa upuan ko at pinagkrus ang mga kamay sa harap. Tinitigan ko sila habang nakataas ang kabilang bahagi ng labi ko. "Oo. Alam ko. Alam kong itatanggi n'yo 'yan. Hindi naman ako tanga tulad n'yo. Kaya, magkuwentuhan muna tayo. Icebreaker ba." Nginisihan ko sila pareho bago ko ibaling ang buong atensyon ko sa lalaking nasa bandang kaliwa ko at malinaw na binanggit sa kaniya ang address ng bahay nila kung saan nakatira ang pamilya niya. "39 years old na asawa, may tatlong anak. Grade 12, grade 10 at grade 6. Dalawa ang with honors at 'yong grade six, valedictorian na nangangarap maging pulis. Lahat pumapasok sa iisang school at alas-singko ng hapon ang uwi, deretso sa palengke para tulungan ang Mama nila na magsara ng puwesto."

THE RUTHLESS BILLIONAIRE BABYSITS ME (R18+) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon