Chapter Fifty-Five

22.9K 266 18
                                    

CHAPTER FIFTY-FIVE

JAZZLENE

"Bakit kasi hindi mo pa patawarin kung okay naman na pala sila ulit ng parents mo?" ani Camille. Magkakatabi kami sa bar counter. Kasama ko sila ni Violet.

"Ilang buwan na ba siyang nanunuyo sa 'yo?" Si Violet, 'tsaka nito tinungga ang tequila niya.

"Uh, seven months, I think," sagot ko before I took a sip of mine. "I've also collected two hundred and ten glass flowers from him."

"How about the five million? Did you give it back to him?" Violet asked.

"No. Ayaw niyang ibalik ko." Ilang beses kong hiningi noon kay Adam ang bank account niya para mai-transfer ko ang pera niya pabalik, pero ayaw niyang ibigay. Alam ko na rin kung para saan ang perang 'yon. Actually, noong araw na i-transfer niya 'yon sa akin, pag-uwi ko sa bahay ay naalala ko rin agad ang pustahan namin noon. But I acted clueless. Hanggang ngayon ay inaakala niyang hindi ko pa rin 'yon naaalala.

"Hayaan mo na." Si Camille. "Huwag mo nang ibalik kay Adam. Tutal, barya lang naman 'yon para sa kanya. Hindi naman kawalan sa kanya ang limang milyon."

"Speaking of the devil," mahinang sabi ni Violet habang nakatanaw sa gawi ng entrance ng club. Nang ibaling namin ang tingin sa direksyong 'yon, si Adam ang nakita namin. May ilang mga kalalakihang humaharang sa kaniya na tila gustong makipag-usap, ngunit umiiling siya sa mga iyon habang palapit sa direksiyon namin, nasa akin ang tingin.

"Jazzie," tawag niya sa 'kin noong tuluyan siyang makalapit. "May I have a word with you in private, please?" he said calmly.

Umiling agad ako. "I'm with my friends, Adam."

Nagtinginan sina Violet at Camille bago nila ibaling sa akin ang tingin. 'Tsaka nila ako tinanguan, na parang sinasabing ayos lang kahit iwan ko sila saglit. Nag-angat ako ng tingin kay Adam at bahagyang napabuga ng hangin bago ako tumayo sa upuan ko.

"Saglit lang, a?" I reminded him, but he didn't respond.

I let him lead the way and just followed him until we reached the back of the club, where there was a beautiful landscape lit up by various lights, including fairy lights, illuminating the surroundings. Pero walang ibang tao rito, maliban sa aming dalawa.

Pumihit siya paharap sa 'kin at nakita kong hinagod niya ng tingin ang suot kong silk dress na kulay old rose with spaghetti strap at slit na mula sa hita ko, pababa.

"You look stunning," he whispered, breathier.

"Thanks. But let's cut to the chase, Adam." I crossed my arms. "Sabihin mo na kung ano'ng sasabihin mo para makabalik na 'ko sa mga kaibigan ko."

He sighed. "Hindi mo pa ba 'ko patatawarin? It's been seven months. Aren't you tired of avoiding me?"

"Are you?" I shot back. "Are you tired of me avoiding you? Dahil kung oo, you can stop now. Wala namang pumipilit sa 'yo na suyuin ako. Ikaw lang naman ang may gusto niyan. Ilang beses na kitang pinatigil, pero hindi ka nakikinig."

"Because I want your forgiveness, Jazz. Ang tagal na no'n at nakapagpaliwanag naman na 'ko sa 'yo kung bakit ko 'yon nagawa. Hindi pa ba 'yon sapat para maging okay na ulit tayo? What do you want me to do? I'll do everything. Tell me. Do you want me on my knees? I can do that."

"Stop!" pigil ko agad sa kaniya nang akmang luluhod siya sa harap ko, kaya hindi niya 'yon naituloy. "The only time I ever want to see a man on his knees in front of me, is when his face is between my legs. So no, I don't want you on your knees, and I don't want you to beg."

Lumalim ang paghinga niya, and he poked out his tongue to wet his lips. Suddenly, I felt uncomfortable. Kahit malamig ang simoy ng hangin ay tila nag-init ang pakiramdam ko, at alam kong gano'n din siya.

THE RUTHLESS BILLIONAIRE BABYSITS ME (R18+) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon