Chapter Forty-Three

21.2K 282 9
                                    

CHAPTER FORTY-THREE

JAZZLENE

Noong sinabi ni Adam na susunduin niya ako, I felt a surge of excitement. I imagined us spending time together, talking, and maybe annoying each other. Pero noong dinagdag niya na kailangan niya ako sa kama, my heart sank with disappointment. I couldn't pinpoint why I felt this way; after all, I knew from the beginning that this was our setup, our arrangement. I was just a bed warmer to him, his powerless s*x slave.

Lumabas ako sa kuwarto ko, suot ang pajama set na floral ang design at kulay light pink. Tumungo ako sa kitchen at pumuslit ng isang beer ni Daddy sa refrigerator 'tsaka ako lumabas ng bahay. Sa porch ako pumuwesto at bago ako naupo sa rocking chair na naroon ay sinadya ko munang patayin ang ilaw para hindi ako makita ni Adam kapag dumating na siya.

Papayag kaya si Adam kung aayaw na ako? Palalayain niya kaya ako kung sabihin kong ayoko nang maging s*x slave niya?

Hindi alam nina Mommy at Daddy na narito pa ako sa labas dahil kanina pa sila tulog. Actually, maaga silang natulog dahil aalis sila bukas ng madaling-araw. Kaya hindi ako gaanong nag-aalala sa paglabas ko mamaya at pagsama kay Adam sa penthouse niya. Sigurado naman ding ihahatid niya agad ako pauwi.

Ilang sandali pa ang lumipas, may narinig na akong sasakyang palapit. My heart quickened, a mix of longing and resignation. Dahil madilim sa kinauupuan ko, hindi niya ako nakikita, pero natatanaw ko siya. Tanaw kong bumaba siya sa sasakyan niya at dinukot ang phone sa bulsa. Ilang segundo lang ay may na-receive na akong message mula sa kaniya.

FROM ADAM:

Dito na ako. Come out.

Agad akong nag-reply sa kaniya.

TO ADAM:

Nag-dinner ka na ba?

FROM ADAM:

Not yet.

Napabuga ako ng hangin. Hindi na ako nag-reply sa kaniya at tumayo na sa rocking chair. Pumasok ako sa loob ng bahay at dumeretso sa kusina para ipagbalot siya ng dinner sa isa sa mga magagandang baunan ni mommy. Bitbit ko 'yon paglabas ko sa gate.

"Pinagbaon kita ng pagkain para makakain ka. Susubuan na lang kita sa sasakyan." Saglit siyang napatitig sa 'kin, pero tumango rin bago kami sabay na pumasok sa loob.

Habang nagda-drive siya, abala akong sinusubuan siya. Mukhang gutom kaya hindi nag-iinarte kahit malamig na ang pagkain.

Pagdating namin sa penthouse niya, dineretso ko muna sa kusina ang babaunang hawak ko dahil wala na 'yon laman. Si Adam naman ay nagpaalam na maliligo saglit. Doon ko na lang daw siya hintayin sa kuwarto niya sa taas pagkatapos kong hugasan ang baunan.

Pero dahil may mga nakatambak pa na hugasin sa sink niya, hindi ako nakasunod agad sa kaniya sa taas. Pati 'yon ay hinugasan ko na rin. Noong natapos ako, 'tsaka pa lamang ako umakyat.

I knocked on the door twice. As I waited, I couldn't help but feel a flutter of anticipation mixed with a lingering sense of unease. It took a while for him to open the door siguro ay dahil nasa shower pa siya.

A few moments later, the door finally opened, and I was met with a sight that took my breath away. Adam stood there, looking like he had just stepped out of a steamy bathroom. A towel was hanging loosely around his waist, water droplets still clinging to his skin and hair. His chest glistened, and a few stray drops of water made their way down his toned abdomen. I was momentarily stunned, a mix of awe and a sudden rush of desire washing over me.

"Bakit kumatok ka pa? Hindi ko naman ini-lock ang pinto." Lumihis siya para makapasok ako.

"Mabuti na 'yong naninigurado. Malay ko ba kung nagsha-shabu ka sa loob at ayaw mong makita ko," I joked.

THE RUTHLESS BILLIONAIRE BABYSITS ME (R18+) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon