Chapter Eighteen

26.8K 404 19
                                    

CHAPTER EIGHTEEN

ADAM MEADOWS

TAHIMIK kong pinanonood si Jazz while I lounged on the couch, one arm draped over the back, top few buttons of my shirt unbuttoned. A lazy smile graced my face as I watched her sing her heart out.

"And I said,"

Hindi ko alam kung pang-ilang kanta na niya 'to.

"Romeo, take me somewhere we can be alone."

Pagkatapos kasi naming kumain kanina sa seafood restaurant, nagyaya siya sa isang karaoke bar.

"I'll be waiting, all there's left to do is run."

At simula pa kanina matapos niyang tumagay nang tatlong beses, nagsimula na siyang kumanta. Parang kumuha lang siya ng confidence sa alcohol bago siya magwala sa kuwartong kinaroroonan naming dalawa.

"You'll be the prince, and I'll be the princess!"

And judging by the songs she sung, she was a fan of Taylor Swift.

"It's a love story, baby, just say yes."

Inabot ko ang baso ko na may alak at muli 'yon tinungga, pero ang mga mata ko ay nanatiling na kay Jazzlene. Ito ang unang pagkakataon na nakapunta ako sa ganitong lugar. Unang pagkakataon din na nakita ko siyang ganito. She's fearless. Para siyang nakawala sa lungga niya.

Sa bagay, medyo mahigpit din kasi sa kaniya ang parents niya pagdating sa mga paggimik niya kaya siguro sinusulit niya ang pagkakataon.

"Ayaw mo ba talagang kumanta?"

Finally, binitiwan na niya ang mic. Bumalik siya sa couch, sa tabi ko at dumukwang para dumukot sa chicharong bulaklak, na naging isa sa mga paborito ko simula noong nakilala ko ang mga kuya niya. Sila kasi ang nagpatikim sa 'kin no'n.

"Kanta ka na kahit isa lang. Parinig ng boses mo na bumibirit." She laughed a bit 'tsaka niya kinuha ang mic sa tabi niya at iniabot sa 'kin.

Pero agad ko 'yon tinanggihan. "No. I don't sing. Ikaw na lang. Kantahin mo na lahat 'yang nasa song book para magsawa ka na at makauwi na tayo."

"Hindi tayo uuwi hangga't hindi ka kumakanta kahit isa lang."

"Then I guess I'll go home alone," sagot ko sa kaniya 'tsaka ako tumayo at lumabas sa karaoke room. Akala niya yata matatakot niya ako.

"Adam, hintay!"

-ˋˏ✄┈┈┈┈

PASADO alas-diyes ng gabi nang makauwi kami. Paghinto ng sasakyan ko sa tapat ng bahay nila, inalis niya agad ang seatbelt pero hindi pa siya bumaba. She turned to me, smiling. May tama siya dahil sa nainom niya kanina kaya nakangingiti siya sa 'kin nang ganito ngayon. But I know she isn't that drunk dahil deretso pa naman siyang nakapaglakad kanina.

"Sama ka sa 'kin sa loob. May ipakikita 'ko sa 'yo." Binuksan niya ang pinto sa side niya. 

Wala na sana akong planong bumaba, but I was curious kaya sinundan ko siya sa loob ng bahay nila. Pagdating namin sa kusina, may inilabas siya sa refrigerator nila sa bandang ibaba.

Cake. 

Kulay black at pink ang icing no'n at may maliliit na choclate hearts sa ibabaw. Agad siyang napangiti at binuhat ang cake para iharap sa 'kin. Nilagyan niya ito ng maliit na kandila bago sindihan then she started singing happy birthday habang tahimik akong nakatitig sa kaniya.

"Make a wish and blow your candle birthday boy. Ako ang nag-bake nito, pero nahiya akong dalhin sa inyo kanina dahil baka hindi mo magustuhan ang design ko, kaya binilhan na lang kita tulad ng bilin ni Mommy."

THE RUTHLESS BILLIONAIRE BABYSITS ME (R18+) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon