Chapter Forty-Five

20K 245 14
                                    

CHAPTER FORTY-FIVE

JAZZLENE

TAHIMIK kaming nakaupo sa living room. Magkatabi sina Mommy at Daddy, habang katabi ko naman si Adam. Kaharap namin ang parents ko, at naka-cross arms si Mommy habang nakatitig kay Adam, tila binabasa ang tumatakbo sa isip nito. Si Daddy naman ay bahagyang nakayuko, nakapatong ang mga siko sa ibabaw ng hita at paminsan-minsang bumubuntonghininga.

The silence was thick and uncomfortable. I could feel my heart pounding in my chest, each beat echoing loudly in my ears. Adam sat next to me, calm and composed, his face betraying none of the anxiety I felt. He seemed to be waiting for the inevitable interrogation to begin.

"Boyfriend?" ani Mommy nang ibaling niya sa akin ang tingin, hindi pa rin siya makapaniwala at bahagya pang nakataas ang kilay niya. "Kailan pa?"

I swallowed hard, feeling the weight of their scrutiny. "Uhm. Mommy, Daddy," I began, my voice trembling slightly. "Ano po kasi... n-nagsimula po lahat noong... nag-stay siya sa atin. P-Pero hindi agad-agad," I lied. Ayokong isipin nilang bantay-salakay si Adam. "Naging malapit kami dahil napadalas kaming magkasama at siya pa ang sumusundo at naghahatid sa 'kin. Uhm, w-we... didn't plan to keep it a secret, it just... happened." Oh, what a good liar, Jazz.

My mom glanced at Adam, then back at me. "And you didn't think to mention this at all? Jazzlene, we've always been open with each other. Why keep this from us? Alam ba 'to ng mga kuya mo?"

"Um, no," I admitted, my voice barely above a whisper. "I wanted to tell them, but I just... I was afraid of how they'd react, lalo na at magkakaibigan sila ni Adam. At kilala mo naman sila kuya, Mom. They can be so overprotective."

My Dad sighed deeply, rubbing his temples as if to ward off a headache. Pinaglilipat-lipat niya ang tingin sa amin ni Adam. "Gano'n na ba kalalim ang relasyon n'yo para pumunta ka rito sa bahay ni Adam nang ganitong oras?" sermon niya sa akin, dahilan para mapayuko ako. "Ano'ng klaseng babae 'yong tatakas sa bahay para lang pumunta sa bahay ng isang lalaki? Bakit hindi mo kami kinausap mabuti ng Mommy mo? Nag-alala ang Mommy mo nang magising siya at nakitang wala ka sa kuwarto mo nang puntahan ka niya ro'n. Kung hindi pa namin tsinek ang CCTV, hindi pa namin malalamang sumama ka kay Adam."

D*mn the CCTV.

"At ikaw, Adam," patuloy ni Daddy. Kay Adam na siya ngayon nakatingin. "We trusted you. Anak na rin ang turing namin sa 'yo, kaya paano mo..." Muli nitong hinilot ang sentido niya, halatang nagpipigil ng inis. Namumula ang mukha niya sa galit. "Pinapunta mo ba si Jazz dito nang ganitong oras? Hindi mo na kami nirespeto ng Tita Franxine mo."

I could feel the heat rising in my cheeks, shame and regret washing over me. "Dad, it's not like that," I began, my voice trembling. "Hindi niya ako pinapunta rito. A-Ako ang... ako ang nagpasundo sa kaniya dahil may importante kaming pag-uusapan ni Adam."

My Mom looked up again, her eyes tired but curious. "Important, you say? What could be so important that it couldn't wait until a more appropriate time? Jazz, hatinggabi na. Babae ka at lalaki si Adam. Hindi ba makapaghihintay bukas ang importante n'yong pag-uusapan? Kahit pa sabihing mag-boyfriend kayo, 'yong ganitong oras, aba, hindi tama. Nakalimutan mo na bang nag-aaral ka pa? At paano n'yo kami mapaniniwala na nag-usap lang kayo kung nagpunta ka rito na may suot na bra at ngayon wala na?" mahabang litanya ni Mommy.

Adam shifted uncomfortably beside me. "Mr. and Mrs. Hart, I understand your disappointment. It wasn't our intention to deceive you or to break your trust." Sa wakas nagsalita na siya, medyo nakahinga na ako nang maluwag. "Pero tama po si Jazzlene. Nagpunta siya rito dahil plano lang talaga naming mag-usap." Nakatingin siya sa parents ko. "Lately, hindi na kami nagkakaintindihan ni Jazz at madalas na kaming nagtatalo dahil kulang ako ng oras sa kanya."

Napalingon ako sa kaniya, napalunok habang pinagmamasdan siya.

"To be honest, Jazzlene came here to break up with me." Parehong kumunot ang noo nina Mommy at Daddy sa sinabi niya. "Hindi po kami nagkakasundo sa oras dahil masyado akong busy sa trabaho. At kaysa nagkakaroon kami ng tampuhan, Jazz and I decided to part ways and stay friends like we used to."

Para akong na-double kill. Una ay 'yong pagsunog niya sa kontrata, ngayon naman ay 'yong kunwaring break up, gayong kasasabi ko lang kanina na boyfriend ko siya. Parang gusto ko nang tumakbo pauwi sa bahay at huminga sa sarili kong mundo, 'yong ako lang mag-isa.

Mom finally broke the silence, her voice softening. "Maghihiwalay pa lang kayo o hiwalay na kayo?"

I nodded, though my heart felt heavy with the weight of the lie. Napalunok ako bago sumagot—sagot na alam kong papabor kay Adam. "Hiwalay na po kami. It was, uh, a mutual decision," sabi ko, sabay yuko sa mga kamay kong nasa ibabaw ng hita ko, nilalaro ko ang nga daliri ko because I was tense.

"Hiwalay?" Tumaas bahagya ang kilay ni Mommy. "Kung hiwalay na kayo, bakit wala kang bra? Ano 'yon? Souvenir mo kay Adam?"

Napalunok ako sa kahihiyan. "Mommy..." I whispered in resignation. Gusto ko nang matapos ang usapan pero hindi ko alam kung paano tatapusin. "Mom, malaki na po ako. Nasa tamang edad na kami ni Adam, hindi n'yo na po kailangan kuwestyunin 'yong bra ko."

"Jazz!" saway sa akin ni Daddy kahit na malumanay naman ang boses ko. "Hindi 'yon ang point ng Mommy mo! Gusto niyang malaman kung may nangyari na sa inyo ni Adam, lalo na at sinabi mong hiwalay na kayo. Sigurado ba kayong walang magiging bunga kung may nangyari man sa inyo?"

"Dad," I whined. "Wala po. Walang ibubunga at walang magiging bunga. Promise! Kaya please, umuwi na tayo."

Natigilan kaming lahat at muling tumahimik ang paligid. Nang hindi pa kumilos sina Mommy at Daddy ay ako na mismo ang tumayo. Ilang minuto pa ang lumipas bago sila gumaya sa akin, pero nanatili kay Adam ang tingin nila, lalo na si Daddy.

"Mag-uusap pa tayo sa susunod, Adam," ani Daddy sa kaniya, sa mas kalmadong boses.

"At siguradong mag-uusap din kayo ng mga kaibigan mo dahil hindi ako papayag na hindi nila 'to malaman," dagdag pa ni Mommy. Ang tinutukoy niya ay sila kuya.

Tumayo na rin si Adam sa kinauupuan niya at bahagyang nagyuko ng ulo. "I'm so sorry, Mr. Hart, Atty. Hart..." Nag-angat siya ng tingin muli sa magulang ko. "Wala po kayong dapat ipag-alala, sagot ko pa rin po ang seguridad ni Jazz. I'm going to hire someone na titingin sa kanya kahit na malayo or busy ako sa trabaho. I'll make sure na magiging safe siya 24/7. That's a promise."

THE RUTHLESS BILLIONAIRE BABYSITS ME (R18+) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon