Chapter Forty

22.8K 305 18
                                    

CHAPTER FORTY

ADAM MEADOWS

AS I drove toward the M-Power Hotel, my mind was racing with worry. Jazz hadn't answered any of my calls, and I couldn't locate her using the tracking app I had installed on her phone. It had been a week since we last communicate at iyon ay noong nagpang-abot sila ni Dad sa penthouse ko. After that, hindi na ako nagkaroon ng time para kumustahin man lang siya or kahit bumisita sa kanila para masilip kung okay lang ba siya dahil naging sobrang abala ako sa tinrabaho namin ni Rogel.

Anong klaseng tagabantay ako?

Just as I was nearing the hotel, my phone buzzed with a message from dad. Pinauuwi niya ako sa bahay for dinner. Hindi ko na kailangan pang magtanong kung bakit dahil hindi ko naman nakalilimutan kung anong araw ngayon. Mom's birthday. At plano ko rin naman talagang doon umuwi mamaya.

But first, I needed to find Jazz. I replied to dad, letting him know I'd be coming, but my priority was still finding Jazz. Nang maibaba ko na muli ang phone ko, nagsimula na akong mag-drive. Pero segundo lang ang lumipas nang makatanggap ako ng reply sa kaniya. Sinabi niyang kasama niya si Jazz at ang dalawa pa nitong kaibigan, pauwi sa bahay dahil inimbita niya raw sa birthday ni mom.

I made a U-turn para bumalik at dumeretso pauwi sa amin. Pero habang nagmamaneho, hindi ko naiwasang makaramdam ng inis kay Jazz. Bakit sumama siya nang hindi man lang sinasabi sa 'kin? Nakalimutan na ba niya ang bilin ko na ipaaalam niya sa akin lahat ng pupuntahan niya at kung sino ang kasama niya?

Hindi ko sinasabing mapapahamak siya kay dad dahil hindi ko naman nakikitaan ng motibo si dad para ipahamak si Jazz. Lalo na at sobra siyang boto rito para sa 'kin. I've known him since I was a kid kaya panatag ako. Pero ganunpaman, hindi ako komportable na basta na lang sumama si Jazz. 

I finally arrived at our house. I approached the front door, taking a deep breath, I knocked. Moments later, it swung open to reveal dad, his face lighting up nang makita ako.

"Adam," he said, stepping aside to let me in. "Buti dumating ka na. Hinihintay ka na rin ng mommy mo."

"Where's Jazz?" tanong ko agad noong nasa loob na ako.

Nakangiti siyang sumagot. "Nag-iikot-ikot sa bahay kasama ang dalawa niyang kaibigan. Hindi pa ready ang dinner. Tinutulungan ko pa ang mommy sa kitchen kaya nag-iikot muna sila para hindi mainip. Si Fritzie naman, sumaglit na lumabas para bumili ng cake."

"Why did you invite her? Them." Hindi ko naiwasang mang-usisa habang papunta kami sa kitchen.

"Jazzlene is such a delightful girl, Adam. I thought it would be nice to invite her over, especially for your mom's birthday. Gusto niya kasing makilala, pati na rin si Fritzie. Simula kasi no'ng nagpunta rito si Jazzlene no'ng birthday mo, hindi mo pa ulit inimbitahan."

"Why would I invite her, dad? Ilang beses ko naman sinabi na we don't have a romantic relationship. Kargo ko lang siya dahil nakapangako ako sa mga kuya niya na babantayan ko siya habang malayo sila."

Bahagya siyang natawa, clearly not taking me seriously. Pero hindi na siya sumagot pa dahil nakarating na kami sa kusina at nilingon na kami ni mommy. Lumapad ang ngiti niya nang makita ako.

"Hi, anak."

Lumapit ako at nakipagbeso sa kaniya. "Happy birthday, mom. Na-busy ako kaya hindi ako nakapaghanda ng regalo. Pero bukas, magpapadala ako rito."

"Sige. Sabi mo 'yan, ha?" She giggles as she turned to the counter again. Nagsisimula na siya sa pagpa-plating ng niluto niya, pero pansin kong may nakasalang pa. "Oh, wait." Nakangisi siyang bumaling sa akin at tiningnan ako nang may panunukso. "Si Jazzlene... siya na ba?"

THE RUTHLESS BILLIONAIRE BABYSITS ME (R18+) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon