Chapter Fifty-Four

21.7K 325 64
                                    

CHAPTER FIFTY-FOUR

JAZZLENE

"Galing na naman kay Adam?" kunot-noong tanong ni Kuya Zero nang makita niya ako sa sala, inaayos ko ang mga bulaklak na bigay ni Adam sa isang babasaging transparent vase.

"Oo. Pang-thirty na 'yong binigay sa 'kin ng guwardiya kaninang umaga, equivalent for thirty days. Feeling ko hindi siya titigil hangga't hindi kami nagkakaayos."

"Baka mamaya niyan nagkikita kayo nang palihim sa hotel? Malilintikan kayong dalawa sa 'min."

I sighed. "Hindi kami nagkikita, monggi. Madalang naman siyang gumawi sa hotel. Base sa narinig ko kay Sir Mikko, twice a week lang dumaraan doon si Adam. Mas madalas siya sa Meadows Group."

"Good. Dahil kapag nabalitaan naming ine-entertain mo gago na 'yon, pagbubuhulin ko kayong dalawa."

Isang buwan na simula nang magsimula akong pumasok sa M-Power Hotel bilang isa sa mga receptionist. Hindi ako mapagsamantalang tao kaya si Sir Mikko ang kinausap ko at sinabi kong receptionist ang a-apply-an ko. Kaysa mag-back out, ginrab ko na lamang ang opportunity para hindi na ako mahirapan pang maghanap ng mapapasukan.

Sa isang buwan ko sa M-Power, hindi pa rin tumitigil si Adam sa panunuyo sa akin. Sa tuwing papasok ako sa umaga, inaabutan ako ng guwardiya ng isang pirasong glass na bulaklak—hindi na bouquet—para raw hindi ako mabigatan sa pagdadala, at paper bag na maraming chocolates. Minsan naman ay cake ang kasama ng bulaklak, minsan ay cookies, at kung anu-ano pang matatamis. Siguro kung nilantakan ko lang ang lahat ng 'yon, baka may diabetes na ako ngayon.

Hindi alam ng mga empleyado sa hotel—lalo na nina Ate Brianna at Ate Jackie na kay Adam galing ang mga 'yon. Dahil ang nakalagay sa card na kasama lagi sa paper bag ay from; 'Master'. Kahit sa card, mayabang pa rin siya. Feeling niya ay master ko pa rin siya.

Wala rin siyang tigil sa pagpapadala sa bahay ng kung anu-anong mga mamahaling regalo kina Mommy at Daddy, dahilan kaya muli niyang nakuha ang loob nila.

Habang ang mga kapatid ko, nabalitaan kong lumabas silang magkakaibigan noong nakaraang linggo. Medyo nag-uusap na sila nila Adam, pero ang alam ko ay pinagbabawalan nila ito na lapitan ako at against sila na ligawan ako nito. Kaya nga naiinis din sila sa tuwing may dine-deliver sa bahay namin na kung anu-ano, lalo na at galing kay Adam.

"Anak, Jazz, may bisita ka." Pareho kaming napalingon ni Kuya Zero nang marinig si Mommy. At hindi ko inaasahan na ang bisitang tinutukoy niya ay ang kapatid ni Adam.  Si Fritzie. Niyaya ito ni mommy para lapitan kami sa sala.

"Hi, Jazz." Fritzie greeted me with a small, shy smile. She gave a quick glance at Kuya Zero, offering him a brief smile too, before turning her attention back to me. "I've missed you. I haven't seen you around, so I decided to come visit you here."

"Maiwan ko muna kayo." Humakbang palayo si Mom para bigyan kami ng space. I glanced at Kuya Zero, hoping he'd leave too, but I caught him staring at Fritzie, like she was some kind of goddess that just appeared in front of him.

"Kuya Zero? Kuya Zero?" I had to smack his arm to bring him back to reality.

"H-Huh?" He blinked and looked at me before turning his gaze back to Fritzie. "H-Hi, Fritz. Ngayon na lang ulit kita nakita. A-Ang laki... mo na pala..."

Napairap ako dahil sinabi niyang malaki na si Fritzie matapos nitong sumulyap sa dibdib nito. Sumbong ko 'to kay Adam.

"Kuya, ako ang ipinunta rito ni Fritzie. Hindi ikaw. Kaya iwan mo muna kami." Ipinagtulakan ko siya kahit na sa tingin ko ay ayaw pa nitong umalis.

Magkaharap na kami ngayon ni Fritzie sa couch at may bahagyan ngiti sa labi niya, pero parang nag-aalangan sa gusto niyang sabihin. "Kumusta ka na?" Ako na ang naunang nagtanong. Alam ko kasi ang nangyari noon sa bahay nila. 'Yong nasaksak niya ang kinalakihan niyang ina. But I also understood why she did it.

THE RUTHLESS BILLIONAIRE BABYSITS ME (R18+) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon