CHAPTER EIGHT
JAZZLENE
INIANGAT ko ang sandok sa bibig ko para tikman kung tama lang ba ang timpla ng niluto kong sinigang para sa hapunan. Ako ang nagluto ngayon dahil wala pa sina Mommy at Daddy. Umalis sila kaninang hapon, bandang alas-tres para mag-grocery at bumili ng stocks ko rito sa bahay dahil sa isang araw na sila aalis.
Okay na ang timpla. Binitiwan ko na ang sandok, tinakpan ang kaserola at pinatay ang kalan. Hinugot ko na rin ang rice cooker sa outlet bago ko damputin ang phone ko sa mesa. I was about to leave the kitchen when my phone rang. Si mommy.
"Hi, mom," I greeted first.
Hindi siya agad sumagot. Medyo maingay ang background, may mga nagtatawanan. "Hi, anak, Jazz. Nagluto ka na ba ng dinner?"
"Opo. Sinigang." Nasa hagdan na ako at paakyat sa taas, sa room ko.
"'Nak, hindi kami makakauwi agad ng daddy mo. 'Wag mo na kaming hintayin for dinner. Nakorner kasi kami ng mga classmates ko noon at nagkayayaan mag-dinner. Mauna na kayong kumain ng Kuya Adam mo."
I rolled my eyes at the mentioned of Adam. Kuya Adam? Kailan ko pa siya naging kuya?
"Opo, mommy. Anong oras po kayo uuwi?"
"Not sure, baby girl. Baka gabihin na kami."
"Pasalubong po, ha? Ice cream, cookies and cream."
"Sure, darling." Ibinaba ko na ang phone matapos magpaalam ni Mommy. Sa halip na pumunta sa kuwarto ko, dumiretso ako sa guestroom na okupado ni Adam para katukin siya at alukin nang kumain. Mauna siya kung gusto niya, ayoko siyang kasabay. Ang mahalaga, naalok ko siya ng dinner para hindi magmukhang masama ang ugali ko.
Kumatok ako sa pinto ng dalawang beses. After a whole minute, I heard the faint sound of footsteps, which grew louder until the door swung open and I found myself face-to-face with the mighty Adam.
His eyes roved over my hair na halatang hindi pa nasuklay at inabutan lang ng pagkatuyo kanina matapos kong mag-shower. Sunod sa mukha ko na alam kong maputla dahil wala naman akong kahit anong make-up dahil nasa bahay lang ako. Then sa suot kong over size t-shirt na hanggang kalahati ng hita ko. Natatakpan no'n ang suot kong cycling shorts kaya parang wala akong pang-ibaba kung titingnan. His expression remained unreadable.
What should I say? Hi. Gutom ka na ba? Nakaluto na ako ng sinigang. Baka gusto mo nang kumain?
"Why are you here?" Napalunok ako sa lalim at lamig ng boses niya. 'Yong feeling na para bang may nagawa akong kasalanan sa kaniya sa past life niya at hanggang ngayon ay dala niya 'yon sa kailaliman ng kaniyang puso.
"Uhm. Nagbilin kasi si Mommy. Hindi raw sila makakauwi agad kaya sabi niya mauna na tayong kumain. Pero dahil ayaw kitang kasabay, baka gusto mong mauna na lang? Pero kung busog ka pa, ako na lang ang mauu—"
"All right. Shut up. You're hurting my ears." Natulala ako sa kasungitan niya. Pero hindi 'yon ang umagaw sa atensyon ko. 'Yong loob ng guestroom. Bakit parang nag-iba ang ayos? "Do you want to come in?" Binalik ko sa mukha niya ang tingin. Hindi ko namalayang napansin niyang sinisilip ko ang loob ng guestroom.
"Sige," I managed to say. Kinapalan ko na ang mukha ko dahil bahay naman namin ito. At isa pa, curious ako sa ginawa niyang setup sa loob.
Nang tuluyang nakapasok sa loob, natigilan ako sa isang tabi habang iniikot ang paningin sa kabuuan ng kuwarto. Malinis. Organize ang mga gamit. Katapat lang kama ang working desk na ngayon ko lang nakita. Mukhang mamahalin 'yon at alam kong hindi 'yon sa amin. Dinala niya siguro rito.
Pansin ko rin na may mini fridge siya na dating wala rito sa guestroom. Ano kaya ang laman no'n? Siguro mga alak. May black-cushioned chair din sa tapat ng bintana na alam ko ring hindi sa amin. Kulay itim 'yon. At ang tiles na tinatapakan ko... 'sing kintab ng noo ko.
"Do you want a drink?" Nabaling ang tingin ko kay Adam na ngayon ay naroon na sa tapat ng mini fridge.
"Sige," sagot ko agad. Humakbang ako papunta sa medyo mahabang cushioned chair sa tapat ng bintana. I sat quietly, unsure of what to do or what to say. Nang lingunin ko siya, binuksan niya ang mini fridge at may inilabas doon na bote, na may touch of pink. Maliit lang 'yon, pang isang tao lang siguro. Then, he walked toward me at iniabot sa 'kin ang lychee juice. "Thanks," tipid kong sabi pero agad niya na akong tinalikuran. "Hanggang kailan ka rito?"
"Hanggang sa dumating mga kuya mo," walang lingon-lingon niyang sagot sa 'kin.
"So... anim na buwan mo akong babantayan?" Hindi siya kumibo. "Wala ka bang girlfriend na puwedeng magalit sa 'yo kung may ibang babae kang guguwardyahan?"
Kunot-noo niya akong binalingan. "Babae? Ikaw?" Napailing siya nang bahagyan. "I don't see you as a woman. And even if I have a girlfriend..." he scanned me up and down, stopping at my breast, up my face, "walang dapat ikagalit sa 'yo o ikaselos."
Ramdam kong umakyat ang dugo ko sa ulo habang mahigpit na nakahawak sa bote ng lychee. Nakakainsulto ka na ha! Saglit akong nagbaba ng tingin sa dibdib ko dahil para bang 'yon ang ginawa niyang basehan. I cupped my right breast with my free hand para palihim na sukatin 'yon.
"See?" Si Adam. Nakangisi siya nang lingunin ko siya dahil nakita niya ang ginawa ko. "Ano'ng pakiramdam na parang kinapa mo lang ang likod mo?"
"Hoy!" Inis akong napatayo sa couch. Gusto ko sana siyang sagot-sagutin pa pero 'di ko na magawa dahil nilamon na ako ng inis at nahaluan pa ng hiya nang mapansin ko na muli niya akong hinagod ng tingin.
"Kaya siguro ang bilis mong nakaka-move on sa mga nanloloko sa 'yo. Hindi mo nagagawang dibdibin dahil wala ka no'n."
Aba, gago!
BINABASA MO ANG
THE RUTHLESS BILLIONAIRE BABYSITS ME (R18+)
Romance🔞BAWAL SA BATA🔞 •READ AT YOUR OWN RISK! •COMPLETED Highest ranking: #1 Plottwist, #1 brothersbestfriend, #1 lovehaterelationship Adam Meadows is a ruthless billionaire, with a heart hardened by a relentless thirst for vengeance. Consumed by the...