CONTENT WARNING!
Please note: The following chapter contains sexual scenes and is intended for mature audiences only! This material is not suitable for minors. Reader discretion is advised.
CHAPTER THIRTY-ONE
JAZZLENE
"IF you ever talk sh*t about her again, I swear, I'm gonna make sure you'll rot in hell forever."
Yakap ko si Adam sa baywang, nasa bandang likuran niya ako habang binabantaan niya si Dom na ngayon ay hindi makatayo sa hilo dahil sa dalawang suntok na tumama sa kaniyang mukha.
Hindi ko gusto ang binitiwan niyang salita sa akin kanina, pero aaminin kong naaawa ako sa kaniya ngayon, dahilan kaya mahigpit ang kapit ko kay Adam para hindi na niya maabot pa si Dom. Baka kasi sa ikatlong suntok ay tuluyan na itong mawalan ng ulirat.
"Adam, halika na. Bago pa may dumating na security or pulis!" Pinilit ko na siyang hilahin papunta sa sasakyan niyang nakahinto malapit sa club. Walang security or bouncer sa labas sa pagkakataong 'to at 'yon ang ipinagpapasalamat ko dahil kung mayroon, baka si Adam ang masisi imbes na si Dominic.
Noong pareho na kaming nasa loob ng sasakyan, salubong ang kilay ko siyang hinarap. "Bakit mo naman sinaktan agad si Dom? Puwede mo namang kausapin nang maayos!"
"Your tone, Jazz," he warned. Oo. Nasa kontrata rin namin na bawal akong magtaas ng boses sa kaniya. Pero minsan ay nagagawa ko naman 'yon nang hindi siya nagrereklamo, bakit ngayon pa niya ako sisitahin?
"At bakit ang bilis mo akong nahanap? Sino na naman ang binayaran mo para alamin ang loca—may sugat ang kamay mo." Nabaling ang tingin ko sa kamay niyang nakakapit sa manibela. There's a small cut in his knuckles, na sa tingin ko ay nakuha niya sa pagkakasuntok kay Dom.
"Don't underestimate me, Hart." He started to drive away from The Bays. "Kahit saan ka pang sulok ng mundo magtago, kayang-kaya kitang hanapin. It's my job to know things. 'Yon ang isa sa dahilan kaya successful ako."
Napairap ako sa kaniya sabay dukot ng phone sa bulsa ko. I turned it on para sana mag-message sa dalawa at ipaalam na pauwi na ako, pero naunahan nila ako. Hindi pa man ako nakakapag-type ay nag-vibrate na agad ang phone ko dahil tumatawag si Violet.
"Who's that?" usisa ni Adam nang saglit niyang sulyapan ang screen ko.
"Violet. Please, shut your mouth kung ayaw mong malaman nilang magkasama tayo," sabi ko bago ko i-tap ang answer button at dinala 'yon sa tainga ko.
"Hoy! Jazz! Nasaan ka na? Lagpas na 'yong five minutes! Wala na rin dito si Dom sa club! Magkasama pa rin ba kayo? Okay ka lang ba? Tatawag na ba 'ko ng pulis?" Bahagya kong inilayo sa tainga ko ang phone dahil sa lakas ng boses niya at sunod-sunod niyang pagbato ng tanong sa 'kin.
"Calm down, V. Okay lang ako. Pauwi na ako ngayon."
"Huh? Ano'ng pauwi? Iniwan mo kami ni Leigh? How dare you!"
"Hindi ko gustong umalis agad. Pero..." Saglit akong huminto at nag-isip ng magandang palusot. "Tumawag sa 'kin si Mommy, pinauuwi na ako. May nakapagsabi raw sa kaniya na nakita tayong papunta sa club kaya tinawagan ako at pinagalitan."
Mabuti na lamang at kapani-paniwala ang tono ko kaya hindi na siya nagtanong pa. Hindi na rin nagtagal ang pag-uusap namin dahil agad na akong nagpaalam matapos ko silang bilinan na huwag silang magpapaabot ng alanganing oras sa club.
Nang ibaling ko ang atensyon sa daan, kumunot ang noo ko dahil pansin kong iba ang ruta namin ni Adam.
"We're going to my penthouse," aniya agad nang mapansin ang pagtataka sa mukha ko.
BINABASA MO ANG
THE RUTHLESS BILLIONAIRE BABYSITS ME (R18+)
Romance🔞BAWAL SA BATA🔞 •READ AT YOUR OWN RISK! •COMPLETED Highest ranking: #1 Plottwist, #1 brothersbestfriend, #1 lovehaterelationship Adam Meadows is a ruthless billionaire, with a heart hardened by a relentless thirst for vengeance. Consumed by the...