Chapter Fifteen

27.4K 348 75
                                    

CHAPTER FIFTEEN

JAZZLENE

"Okay, Mom. Bye. Love you."

Ibinaba ko na ang phone ko matapos namin mag-usap ni Mommy.

Isang linggo na ang lumipas. Sa buong linggo na 'yon, hindi kami masyadong nag-uusap ni Adam. Simula kasi noong narinig ko 'yong babaeng umuungol no'ng tinawagan ko siya, nahiya na ako sa kaniya. Idagdag pa na halos isang linggo na rin akong may wet dreams. Sa panaginip ko, sa amin may nangyayari. May mga umaga na magigising na lang ako na pinagpapawisan kahit naka-on naman ang aircon sa kuwarto. Ang panaginip kong 'yon ang dahilan kaya hindi ko na siya matingnan nang deretso katulad noon.

Simula noon, inaagahan kong magluto ng almusal at dinner, then mauuna na akong kumain para hindi kami mag-abot sa dining. Ipinagtatabi ko na lamang siya ng pagkain niya. Tulad ngayon, may niluluto na naman ako sa kusina para sa dinner, pero iniwan ko muna 'yon panandalian kanina noong tumawag si Mommy. Kapag nagluluto ako ay laging enough para sa aming dalawa ni Adam. Nasanay na ako. Pakiramdam ko nga ay pamilya ko na talaga siya.

'Oh, yes. Faster, Adam. Ahhh!'

Nagtaasan ang mga balahibo sa katawan ko dahil sa kilabot nang maisip na pamilya kami pero gano'n klaseng pag-ungol ang ginagawa ko sa aking panaginip tuwing gabi. Tsk. Bumaba ako sa couch at tinungo na lamang ang kusina para puntahan ang niluluto ko. Matapos ko 'yon tikman, muling nag-ring ang phone ko na ipinatong ko sa dining table.

"Hi, Mom," bungad ko kay mommy dahil siya uli ang tumawag.

"Jazz, anak. Nakalimutan kong banggitin sa 'yo kanina, birthday ni Adam bukas. Get him a cake kahit 'yong maliit lang. Babayaran ko sa 'yo pag-uwi namin ng daddy mo."

Saglit akong natahimik. "Sige po, mommy."

Birthday niya bukas? Oo nga, 'no? Nawala 'yon sa isip ko. Hindi naman kasi kami close para matandaan ko ang birthday niya. Usually, kapag birthday niya ay isinasama niya ang mga kuya ko sa kanila para mag-celebrate dahil umuuwi rin sa bansa ang adoptive parents niya at ang nag-iisang kapatid niyang babae na kaedad ko lang.

Alam ko ang tungkol doon dahil nabanggit 'yon sa akin noon nila kuya. Alam kong ang mga magulang na kasama niya sa kasalukuyan ay hindi ang biological parents niya. Pero ganunpaman, masuwerte silang magkapatid dahil nakatagpo sila ng pangalawang magulang na mapagmahal. 'Yon nga lang ay sa ibang bansa naglalagi ang mga ito dahil may malaki rin silang business doon. Doon din nag-aaral ang kapatid niyang babae.

Pero hindi ko alam kung nakabalik na sa bansa ang parents niya at kapatid para sa birthday niya bukas. Well, dahil bilin ni mommy na bilhan siya ng cake, gagawin ko pa rin naman, tutal ay Sabado bukas. Kung hindi siya rito uuwi sa gabi at doon sa kanila mag-ce-celebrate, ako na lang ang sasaglit doon para maghatid ng cake.

-ˋˏ✄┈┈┈┈

NAKATAYO ako sa harap ng pintuan ng guestroom na okupado ni Adam dahil alam kong naroon na siya. Dito siya dumiretso kanina pagdating niya. Dahil sa kaba, ilang buntonghininga muna ang pinakawalan ko bago ako naglakas-loob na kumatok sa pinto.

Isa.

Dalawa.

Nakasuot ako ng sando na spaghetti strap at simpleng shorts na pambahay. Color cream ang sando ko at white naman ang shorts ko na may pocket sa magkabilang gilid.

The door swung open at bahagyang umawang ang bibig ko dahil hindi ko inasahan na ibang version ng Adam ang bubungad sa akin. Bagong ligo, walang damit pang-itaas at tuwalyang puti lang ang nakaikot sa baywang habang may mangilan-ngilang tubig na tumutulo sa kaniyang katawan. Take note, maganda... malapad... at matigas na katawan.

THE RUTHLESS BILLIONAIRE BABYSITS ME (R18+) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon