CHAPTER THIRTY-TWO
ADAM MEADOWS
ISANG linggo mahigit kong tinrabaho ang mga papeles na kailangan ko para makapag-apply bilang personal driver ni Jake—founder ng Crystal Empire na siyang nag-utos na paslangin ang pamilya ko. I couldn't use my real name; he or they would recognize me immediately and shut me out. So, I became Allen Ruz, an identity I crafted meticulously. I created a backstory with an impeccable track record, ensuring no one could question my credentials. Kahit na driver lang kasi ang trabahong in-apply-an ko, dahil kilala rin siya sa industriya ay kailangan maganda ang record ko.
Applying to him under this alias was the first step in my plan to uncover the truth. Alam ko naman na siya ang nasa likod ng krimen, at kung gugustuhin ko lang ay puwede ko na siyang tapusin anumang oras. Pero kailangan kong pagplanuhan ang bawat hakbang ko sa pagpapabagsak sa kaniya at sa pamilya niya sa paraang hindi ako mapapahamak o hahabulin ng batas.
At para hindi ako makilala, kinailangan kong magsuot ng black-rimmed eyeglasses araw-araw. Pero 'yong salamin ko, may secret camera lens, just in case na may ma-i-record ako na puwede kong gamitin laban sa kaniya.
Kapag pumapasok ako bilang driver niya, iniiba ko rin ang style ng buhok ko. Hindi ako naglalagay ng wax. 'Yong buhok ko sa bandang harap, sinasadya kong suklayin para bahagyang ikubli sa noo ko. Nakatulong 'yon para hindi ako makilala ng mga tao sa paligid ko, lalo na si Jake.
Ako rin ang dahilan kaya siya nawalan ng driver. Inutusan ko si Rogel na kausapin ang dating driver ni Jake para mag-offer dito ng halaga para mapag-resign ito. 'Tsaka ko ito binigyan ng trabaho sa Meadows Tower bilang isa sa mga security, na siyang sumalubong sa amin ni Jazz noong dinala ko siya sa penthouse.
Sa ngayon, bilang driver ni Jake Crystal, wala pa akong ginagawa sa kaniya. I kept my cover intact by excelling at my job, earning the trust and admiration of those around me, lalo na si Jake. Kahit na minsan ay parang gusto kong ibangga ang sasakyan na dina-drive ko kapag sakay ko na siya.
Dalawang linggo nang gano'n ang routine ko. Dalawang linggo na rin na hindi ko masyadong nakakausap si Jazz at nakikita dahil madalas ay gabi na akong nakakauwi sa penthouse galing sa pagiging driver ko. Nawalan na ako ng time para makapagsolo kaming dalawa, dahil kapag nasa penthouse ako, pumupunta rin doon si dad para mag-report sa 'kin sa mga ganap sa Meadows Group. Pansamantala kasi ay in-appoint ko siya bilang bagong CEO. Hindi ko kasi mahaharap ang plano kong paghihiganti kung may mabigat na responsibilidad ang nakapatong sa balikat ko. At kaya sa penthouse ako nag-i-stay pansamantala imbes na sa bahay namin ay dahil hindi puwedeng mahalata ni mom ang kakaibang kilos ko.
Huli kong nakasama si Jazz noong nagpunta kami sa penthouse. Hindi pa masyadong maganda ang naging gabi namin dahil 'yong plano ko sanang doon siya patulugin at magpaalam na lang sa parents niya na nag-sleepover siya sa isa sa mga kaibigan niya ay hindi naman natuloy. Pagkatapos kasi naming mag-s*x, nagpaalam siya na mag-sho-shower, so I guided her to my huge bathroom. Pero ilang minuto lang siyang nanatili sa loob nang bigla siyang lumabas uli habang hubad pa rin. 'Yong kalahati ng katawan lang niya ang basa, halatang naghugas lang siya ng private part niya at binti. Then she said she wanted to go home. Hindi ko alam kung bakit bigla siyang nagyayang umuwi that night gayong nag-agree naman siya sa ideya ko noong una na doon magpalipas ng gabi.
Dante leaned in, already chuckling. "Mukhang alam ko na kung bakit," he said.
Kaharap ko siya ngayon sa table, nasa isang coffee shop kami na malapit lang sa Crystal Empire. Nagkataon na malapit siya rito kaya nagkita na kami matapos kong ihatid si Jake sa company niya. Naikuwento ko kay Dante ang nangyari noong umuwi si Jazz no'ng gabing 'yon. Pero hindi ko pinangalanan si Jazz. Ang alam niya ay isa sa mga babae kong ikinakama noon ang tinutukoy ko.
"Why?" I asked, setting my coffee down. Hindi niya alam ang tungkol sa paghihiganti ko kaya medyo nagtaka siya kanina nang makita ako na iba ang get up. Kinuwestyon niya pa ang salamin ko. Nagpalusot na lang ako na paminsan-minsan ay iniiba ko ang gayak ko para hindi ako makilala ng mga tao lalo na kung lumalabas ako at gumagala in public.
"Baka naman kasi naisip niyang pagkaligo niya, bibirahin mo siya ulit." He burst out laughing, slapping the table.
Napailing ako. "I think I have an ear problem. All I hear is nonsense."
Matapos kong magpaalam kay Dante, bumalik na uli ako sa Crystal Empire. Pero nanatili ako sa loob ng sasakyan, sa parking. I took my phone out. Tinawagan ko si Rogel na kasama ko ring nagtatrabaho ngayon, pero siya ay sa mismong company nag-apply. Ako rin ang nag-ayos ng mga mababangong papeles na kailangan niya para mabilis siyang matanggap. Sa security department ko siya pinag-apply para makapagmatyag sa mga galaw ni Jake.
"Ano'ng lagay? Nagawa mo ba nang maayos?" bungad ko sa kaniya nang sagutin niya ang tawag ko.
"Yes. Done. Inilagay ko sa ilalim ng mesa niya, sa parteng hindi makikita o masisilip," he said.
Inutusan ko siyang mag-install ng recording device sa opisina ni Jake para namo-monitor ko rin kung sino ang mga kausap nito or kung may problema man siya sa kompanya niya at iba pang business deals.
-ˋˏ✄┈┈┈┈
IT'S 6 p.m. As I drove Jake home, I glanced in the rearview mirror and couldn't help but notice how tired he looked. The old businessman sat slumped in the backseat, his shoulders dropping. Deep lines craved across his face, and his sharp eyes were dulled with exhaustion, surrounded by dark circles that told of countless sleepless nights.
Hindi bale, malapit ka nang matulog. Kapag pinagpahinga kita, panghabang-buhay na.
Makalipas ang ilang sandali, inihinto ko ang sasakyan dahil sa stop light. May mas nauuna pa sa amin na sasakyan, may mga kasunod din kami. Pasimple kong ibinaling ang tingin ko sa bandang kaliwan ko kung saan ko natanaw ang lalaking kinausap ko na gagawa ng trabaho. Sakto dahil nakita ko na siyang tumayo mula sa pagkakatalungko niya sa gilid ng accessories shop, nakasuot siya ng itim na pants, itim na jacket, itim na baseball cap at nakakubli ang mukha sa itim na mask.
Humakbang siya palapit sa sasakyan namin at kumatok sa bintana, sa backseat, kung saan mismo nakapuwesto ang matandang si Jake. He's fifty. Halos hindi nagkakalayo ang edad nila ni Daddy. Fifty-two na sana si Dad kung sakaling buhay pa siya.
Binuksan niya ang bintana sa tapat niya at kunot-noong nag-angat ng tingin sa lalaking nakatayo sa labas. Hindi pa man bumubuka ang bibig niya, agad hinagis ng lalaking inutusan ko ang hawak niyang envelope papasok sa loob, 'tsaka na ito nagmadaling humakbang palayo.
"Do you know him, Sir?" tanong ko, kunwaring nag-aalala. "Gusto n'yo po bang habulin ko?" Nanatili ang tingin ko sa kaniya mula sa rearview mirror dahil nakahinto pa rin ang sasakyan.
He didn't say anything. Instead, he picked up the envelope. I watched him intently as he opened it. The instant he pulled out the photos, his face went ashen. His eyes widened in shock and fear as he stared at the images of my parents smiling at him through the photos.
Jake's breath hitched, and he nearly dropped the photos, his hands trembled and his voice a whisper of disbelief. "T-This..."
"What is it, Sir?" tanong ko, na kunwari ay walang alam sa nangyayari sa kaniya sa backseat. "Do you know the man who dropped the envelope? Do you want me to follow—"
"No! I, uh... let's go. Drive me home." Agad niyang ibinalik sa envelope ang mga litrato. My eyes hardened as I observed his reaction through the rearview mirror. The grief and anger that had simmered in my heart now flared into a cold, unforgiving rage. Because seeing his shock and horror only confirmed my suspicions.
BINABASA MO ANG
THE RUTHLESS BILLIONAIRE BABYSITS ME (R18+)
Romance🔞BAWAL SA BATA🔞 •READ AT YOUR OWN RISK! •COMPLETED Highest ranking: #1 Plottwist, #1 brothersbestfriend, #1 lovehaterelationship Adam Meadows is a ruthless billionaire, with a heart hardened by a relentless thirst for vengeance. Consumed by the...