CHAPTER TWENTY-ONE
JAZZLENE
ALAM ko kung ano'ng pinasok ko. Alam ko rin kung anong klaseng arrangement ang mayroon kami ni Adam. F*ck buddies. Only physical relationship and no emotions involve.
Pero kaninang umaga, nang magising akong hubad at mag-isa sa kuwarto, hindi ko naiwasang makaramdam ng lungkot. Lumipat siya sa kuwarto niya nang hindi ako ginising. Ni hindi ko alam kung anong oras niya ako iniwanan sa guestroom.
Bandang alas otso nang umaga nang may kumatok sa kuwarto ko. Si Fritzie. Ginising ako nito para mag-almusal. No'ng magkita kami ni Adam sa dining, sobrang normal lang. Parang walang nangyari. Then, after breakfast, nagsabi siya sa parents niya at kapatid na ihahatid daw muna ako sa amin.
Oras na maihatid niya ako sa bahay, umalis din siya agad. Ni hindi nga siya bumaba sa sasakyan para samahan ako sa loob. Inihinto niya lang ako sa harap ng gate 'tsaka na siya sumibat paalis.
Pagkatapos kong maligo at magbihis ng pambahay, lumabas ako sa kuwarto at tinungo ang kusina para maghanda ng sarili kong almusal. Gutom pa ako dahil hindi ako masyadong nakakain sa bahay nila Adam. Paano akong makakakain kung bukod sa pag-iisip ko sa nangyari sa amin kagabi, masama pa ang tingin sa akin ni Ivana? Ilang beses itong umirap sa akin kapag nagtatama ang tingin namin.
Sunday ngayon kaya dito lang ako mag-stay sa bahay. Actually, family day namin ang Sunday. Tuwing Sunday ay lumalabas kami nina Mom at Dad kahit na minsan ay hindi namin kasama sila kuya. Pero since wala ang parents ko, mananatili akong taong bahay.
Speaking of Mom, tumatawag siya ngayon habang kasalukuyan na akong kumakain. Video call ang ginawa niya kaya sinagot ko 'yon at itinayo ko na lamang ang phone ko sa mesa, sa harap ko habang nakasandal sa baso.
Nagkumustahan kaming dalawa. Tinanong niya kung ano'ng kinakain ko dahil kasalukuyan din silang nag-aalmusal ni Daddy sa isang restaurant. Sinabi niya rin na bibiyahe raw sila pauwi rito mamaya pagkatapos nilang kumain. Then, napunta kay Adam ang usapan namin nang tanungin niya ako kung binilhan ko raw ba ito ng cake. Pero hindi ko na binanggit pa ang pagpunta ko sa kanila dahil baka madulas pa ako sa mga naganap.
"Yes, Mom."
"Sunday ngayon. Wala yata siyang work. Magluto ka ng makakain n'yo r'yan sa bahay."
"Mom, no need. Nasa kanila siya. Umuwi ang parents niya at kapatid. Doon muna siya. Baka mamayang gabi pa siya umuwi rito or bukas ng umaga."
"Ay. Oo nga pala."
"And mom, bakit ba kayo masyadong concern kay Adam? Malaki na 'yon. Ipagluto ko man siya o hindi, kaya na niya ang sarili niya. Ang dami niya rin pera. Kayang-kaya niyang bumili kahit saan."
"Syempre anak, nahihiya rin ako sa kaniya. Malaking bagay sa amin ng daddy mo ang pagbabantay sa 'yo ni Adam lalo na at wala kami sa tabi mo. Kung wala si Adam d'yan, hindi kami mapapanatag na iwanan ka r'yan."
Kung alam lang nila ang nangyari kagabi, siguradong isusumpa nila si Adam. Magbabago na ang lahat.
"Nga pala, may pupuntahan kaming party mamayang gabi. VIP Art Preview. 'Yon ang dahilan kaya pansamantala kaming uuwi ngayon ng daddy mo. And I was thinking na isama ka na rin para hindi ka mag-isa sa bahay mamaya. Kaya mag-prepare ka ng dress mo, okay?" Napatango ako kahit na parang hindi ako interesado. "Then, Tuesday morning babalik ulit kami rito para sa hearing." Saglit siyang tumigil. "By the way, kumusta 'yong ex mo? Hindi ka ba ginugulo?"
"Fortunately, Mom, hindi. Siguro happy na siya sa lalaki niya kaya hindi na nagpaparamdam sa 'kin."
"It was all thanks to Adam, darling." Napaangat akong bigla ng tingin kay Mommy sa screen ng phone ko. "Ang sabi sa 'kin ng Kuya Zero mo, nakakulong na raw 'yong lalaking sumunod sa 'yo noong gabing 'yon."
BINABASA MO ANG
THE RUTHLESS BILLIONAIRE BABYSITS ME (R18+)
Romance🔞BAWAL SA BATA🔞 •READ AT YOUR OWN RISK! •COMPLETED Highest ranking: #1 Plottwist, #1 brothersbestfriend, #1 lovehaterelationship Adam Meadows is a ruthless billionaire, with a heart hardened by a relentless thirst for vengeance. Consumed by the...