CHAPTER SEVEN
JAZZLENE
PUMASOK ako sa kuwarto ng panganay naming si Kuya Zane at naabutan ko siyang nakagayak na. Suot na niya ang pilot uniform at nasa paanan ng kama naman ang suitcase at isang duffel bag. Abala siyang nagta-type sa phone niya kaya hindi niya ako pinansin kahit na alam niyang pumasok ako sa loob. Alam kong sa mga oras na ito ay gumagayak na rin ang dalawa ko pang kuya sa mga sarili nilang kuwarto.
Umupo ako sa gilid ng bed niya at ibinagsak ang katawan ko roon at nakadipa ang mga kamay. "Mag-iingat ka palagi. 'Wag kang tatanga-tanga ro'n, a?" sabi ko, dahilan para lingunin niya ako.
Kumunot ang noo niya. "Ikaw ang huwag tatanga-tanga rito, lalo na at maiiwan kang mag-isa."
"Kasama ko naman si Mommy at Daddy."
He scoffed. "Aalis din sila. Sa pagkakaalam ko, next week dahil may case na aasikasuhin si Mom. Kailangan niyang puntahan 'yong client niya at ang alam ko, sa vacation house ng client niya sila mag-stay ni daddy habang nag-he-hearing para malapit lang sila ro'n at hindi na kailangan pang bumiyahe lagi."
"Ha?" Nagsalubong ang kilay ko. "Bakit walang sinasabi sa 'kin si mommy?" Napabangon ako sa kama at nagtatakang pinagmasdan si Kuya Zane. "Ibig sabihin, ako lang maiiwan mag-isa rito sa bahay?"
Kunwaring lumungkot ang mukha ko, but at the back of my mind, ini-schedule ko na ang sleepover namin dito ng mga friends ko, karaoke time, cooking time, food trip, inuman with the girls only at—
"Oo sana. Pero kahit papa'no may nakausap na 'ko para magbantay sa 'yo. Actually, dito siya titira hangga't wala kami."
My eyebrows furrowed at medyo kinabahan ako sa sinabi niya. "Sino?" I asked, though I can feel in every nerve of my body kung sino ang tinutukoy niya. Sana lang mali ako ng iniisip. Dahil kung tama ako, f*ck. Iuuntog ko talaga sa pader ang ulo ng kuya kong ito—
"Adam."
D*mn. Napatayo ako sa kama at inis siyang hinarap. My heart raced in frantic drumbeats against my chest. "Kuya Zane, I don't need a babysitter! Twenty-one na 'ko! Kaya ko na ang sarili ko!"
"Kaya mo na sarili mo? Ah? Kaya pala muntik ka nang mapahamak no'ng isang gabi dahil may lalaking sumunod sa'yo pauwi," he said mockingly.
I glared at him. "Hindi papayag sila mommy at daddy sa gusto mo! Hindi naman natin kaano-ano si Adam, bakit sa kaniya mo ako pababantayan?"
"Because I trust him more than anyone outside family. Gano'n din si Zero at Zian. Kampante sila kay Adam dahil nakausap na namin siya. Tungkol naman kay mom and dad, they already knew at pumayag naman sila. Tiwala rin sila kay Adam dahil para na rin nilang anak si Adam, kaya wala kang dapat alalahanin." While my face is getting red in irritation, his face softened. "Jazz, it wouldn't hurt to have a reliable backup when we're not around. Ituring mong pang-apat na kuya mo si Adam."
"Kuya my ass! Pa'no kung halayin ako no'n?!"
Sa halip na sumeryoso ay natawa siya. "Hindi 'yon mangyayari, Prinsesa. Huwag kang delulu. Nandidiri sa 'yo 'yon. Dumeklara na siyang hindi ka gusto at hindi ka magugustuhan. Hindi raw siya pumapatol sa kapatid ang turing niya."
Inis akong nagmartsa palabas sa kuwarto niya at padabog ko pang hinila pasara ang pinto. Kumalabog 'yon sa sobrang lakas. Nakakainis! Paano ako magliliwaliw kung may asungot na magbabantay sa 'kin?!
"Anak, Jazz? Bakit?" Narinig ni Mommy ang kalabog ng pinto kaya napalabas siya sa kuwarto niya, suot ang usual get up na jeans at polo-shirt na naka-tuck-in sa jeans at mayroon siyang belt. Kahit medyo may edad na ay sobrang ganda pa rin ng mommy ko.
BINABASA MO ANG
THE RUTHLESS BILLIONAIRE BABYSITS ME (R18+)
Romance🔞BAWAL SA BATA🔞 •READ AT YOUR OWN RISK! •COMPLETED Highest ranking: #1 Plottwist, #1 brothersbestfriend, #1 lovehaterelationship Adam Meadows is a ruthless billionaire, with a heart hardened by a relentless thirst for vengeance. Consumed by the...